DG XXX

1.2K 54 4
                                    













Hinanap ko si Chanel kung saan-saan. I even called Yves and Dior baka kasi sakaling nagpunta siya sa bar pero hindi rin nila nakita ito doon.








Nakailang tawag na din ako sa phone niya pero di niya ito sinasagot.











"Chanel, where are you?" bulong ko sa sarili. Naisipan ko na magpunta sa apartment niya. Pinark ko na ang kotse na dala ko saka nagtungo sa room apartment niya.











Nang makarating ako sa apartment niya ay dinig ko ang malakas na music na nanggagaling sa loob. Pinihit ko ang doorknob at di yun lock kaya agad ko yun binuksan.











"Chanel?" ang kalat ng apartment niya. Madami akong nakikitang mga supot ng chichirya at meron ding mga bote ng alak "Chanel?" tawag ko ulit sa kanya. Pumunta ako sa kitchen pero wala din siya dun. I was about to leave sa kitchen niya nang may makita akong parang pulbo sa kitchen top niya. Inusisa ko kung ano yun. Hindi naman siguro asin to o asukal. So, ano to? "Chanel?" Agad akong nagtungo sa kwarto niya. Nakakaramdam ako ng kakaiba. Parang hindi maganda "Chanel!"








Binuksan ko ang kwarto niya at laking gulat ko nang makita siyang nakahiga sa kama habang nasa ibabaw naman niya ang isang lalaki.








"No...please..." dinig kong sambit ni Chanel pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya.








"I know you want it" manyak na sabi ng lalaki kay Chanel. Akmang huhubaran na sana niya si Chanel nang sugurin ko siya. Dinampot ko ang bag ni Chanel na nasa sahig saka pinaghahampas ang lalaki.











"Get off of her!" Nagulat naman siya nang makita niya ako. He got off from Chanel's body saka ako pinipigilan sa paghampas sa kanya.














"Who the hell are you?!" pasigaw niyang tanong.











"Ikaw?! Sino ka?! Anong ginagawa mo kay Chanel!! Lumayas ka dito! Lumayas ka!"











"We're just having fun! C'mon!" sabi pa ng lalaki.














Pilit ko siyang tinulak papuntang pintoan nang sa ganun makaalis na siya "Fun mo mukha mo! Umalis kana!" sabi ko sabay tulak sa kanya.











"Calm down yo!" Hinarap niya ako saka ako tinignan mula ulo hanggang paa "If you want I can make you high too. W e can be high together!" High?! Anong pinagsasabi ng lalaking to. Naalala ko naman ang pulbo na nakita ko sa kusina. So droga yun?!











"Did you drug her?!" galit kong tanong sa kanya.











"Did I drug her?!" he hysterically laugh "Did I drug her?" tanong niya ulit sa sarili "Well she asked for it!" Sinampal ko siya sa kanyang pisngi. Akmang sasaktan niya sana ako ng takutin ko siya.











"Sige! Subukan mo! Tatawag ako ng pulis! Di ka lang makukulong ng dahil sa droga, makukulong ka din sa pagtangka sa kanya na gahasain!"











"Bitch!" he spitted on the floor before he left.











Agad kong isinara at nilock ang pinto nang makalabas na siya. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Chanel.








Daddy's GirlWhere stories live. Discover now