DG XXXII

1.2K 49 12
                                    






CHANEL's POV





"I know everything, dad"





"You what?"






"Bakit di mo sinabi sakin?"





Hindi ko maintindihan kung bakit itinago sakin ni dad ang tungkol sa sakit niya. Anak niya ako so dapat lang na alam ko pero hindi. Mas pinili niyang wag sabihin sakin. Kay Celine ko pa nalaman ang tungkol dun.







"Uhm...I-i don't want you to w-worry about me" nauutal niyang sabi.






Umuwi ako dito sa bahay namin nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni dad.






"Dad, anak mo ko...You should've told me"






"Can we please drop this topic. Ayokong pag-usapan ang sakit ko" he said.






"Pero dad pumunta ka na ba ng doctor? Are you taking any medication?"






"Chanel..."





"Anong stage na yan dad? Tell me so that I know exactly what to do" dagdag ko pa.






"Chanel..." sambit niya ulit sa pangalan ko.






"I don't wanna lose you dad. Gusto kong tulungan si Celine na alagaan ka"





"Chanel!" sigaw niya. Nagulat naman ako sa sigaw ni dad "I told you ayokong pag-usapan ang sakit ko!"







"Dad, relax! Nag-aalala lang naman ako sayo! Sorry kung ang dami kong tanong sayo! Masisisi mo ba ako! Tinago mo sakin to!"






"Hey!" Nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko "There's no need for you to worry about me, okay? Malakas kaya si daddy" nakangiti niyang sabi "and isa pa, andyan naman si ate Celine mo to take care of me"





Speaking of 'Ate' Celine "you know I still love her, right?"






Tinanggal na niya ang pagkakahawak sakin sa balikat.






"I get it, dad. May sakit ka pero kailangan ba talagang pakasalan ka niya para lang maging masaya ka?






"Alam mong mahal ko din siya, diba? At ikaw, kung mahal mo ako bilang tatay mo hahayaan mo ako sa gusto ko" sagot niya.






"Eh pano naman ang gusto ni Celine? Dad, kung mahal mo talaga si Celine...hahayaan mo siyang maging masaya sa taong gusto niya kahit na hindi ikaw ang taong yun"






"That's it! Marami pa akong gagawin sa office" nagwalk-out naman siya sakin.






"But dad..." hindi na niya ako pinansin at tuluyan na akong nilisan dito sa balkonahe ng bahay namin.






I heaved a sigh.






Naisipan ko naman na tumambay dito para magpahangin. Umupo ako sa bean bag na nandun.






Dad has a prostate cancer. I wonder kung nagpacheck up na siya. I'll ask him na lang pag di na mainit yung ulo niya. Gusto ko siyang samahan sa check ups niya. Kami na lang dalawa ang natira simula nang mawala si mommy. Kaya ayokong pabayaan si dad lalo na't ngayon na may sakit siya.







Daddy's GirlWhere stories live. Discover now