DG III

4.1K 126 61
                                    




Chanel's POV





"Hi" bati ko sa bartender.





"Oy, ma'am ikaw pala" bati sakin pabalik ng bartender. "Ano po gusto niyo?"






"Isang iced tea please" sabi ko sabay ngiti.





"Right away, ma'am"






Inihanda na ng bartender ang inomin ko. Palinga-linga naman ako sa paligid. Napatingin ako ulit sa bartender na busy sa pagsalin ng iced tea ko sa isang mason jar mug.





"Can I ask you something?"





Saglit na napaangat ang kanyang ulo para tignan ako. "Sure ma'am! Ano po yun? Ah! Siguro yung nangyari kagabi ang gusto mong tanongin no?"







"What happened last night?" taka kong tanong.







"Nalasing lang naman po kayo ma'am" pangisi-ngising sabi ng bartender.







"I know that. What I mean is, anong nangyari nung nalasing ako? Did I do something stupid?"






Umakto naman siya na parang nag-iisip "hmm...sa pagkakatanda ko umiyak ka"





Napalaki ng bahagya ang aking mga mata "I did?"






"Yes, ma'am. Natumba ka pa nga nung tumayo ka mabuti na lang andyan si celine at nasalo ka niya..." he paused "ng saglit kasi nabitawan ka din niya" natawa siya ng bahagya.







Kaya pala medyo masakit yung katawan ko. But wait, celine?








"Who's celine?"





Siya ba naghatid sakin kagabi? Nagulat kasi ako at nagtataka kung bakit nakapambahay ako at mas lalo lang ako nagulat kasi ang aliwalas ng apartment ko.





"Siya yung naghatid sayo kagabi ma'am" I knew it.






"Where is she? Andito ba siya?"





Gusto ko siyang makita. Marami akong gustong itanong kung anong nangyari kagabi at isa pa, gusto ko rin siyang pasalamatan sa pag-asikaso sakin.





"Wala po siya ngayon ma'am eh. Mamaya pa pasok nun."






"Ganun ba? I'll wait for her na lang" sabi ko sa bartender.




Iniabot na niya sakin yung order ko "sigurado po kayo ma'am? Baka mainip lang kayo"





"No, it's fine. I can wait"






He just shrugged his shoulders on me.




Ilang minuto pa ang lumipas at may dumating na isang babae sa counter.




"Hi Dior!" Bati niya sa bartender kanina na kausap ko.





Napatingin ako sa gawi ng babae. She's wearing a sexy blue dress na hapit sa katawan niya. She has a nice body though. Sakto lang ang laki ng pwet niya lalo na nung hinaharap niya. Napainom ako ng inomin ko while checking her out and nung napadpad ang paningin ko sa mukha niya ay naibuga ko ng wala sa oras yung iniinom ko. Kasi naman nahuli pa ata ako na tinitignan siya mula ulo hanggang paa.






Nagpanic naman ako nang makita yung damit niya na nabasa dahil nga sa nangyaring pagbuga.







Yung mukha niya parang di makapaniwala sa nangyari sa damit niya.







Daddy's GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora