DG VII

2K 80 33
                                    





Nakatayo ako sa labas ng bahay nina Celine. Gusto ko kasi siyang yayain na gumala hehe. I know feeling close ako pero bakit ba? Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya. Yung feeling na ilang weeks pa lang kayong magkakilala pero parang kilala mo na siya ng matagal.







"Iha? May kailangan ka ba?" Tanong sakin ng isang babae. Siguro kung di ako nagkakamali mommy niya to.






"Uhmm...Good morning po" binigyan ko siya ng isang magandang ngiti.






"Magandang umaga din sayo" nginitian din niya ako pabalik.





"Uhm...andiyan po ba si Celine?" Tanong ko sa kanya.







"Si celine? Nasa loob. May kailangan ka ba sa kanya?"





"Pwede ko po ba siyang makausap?"







"Ay, oo naman. Halika pasok ka"






"Ay di na po. Dito na lang po ako mag-aantay"





"O, siya. Sige sandali lang at tatawagin ko. Ano nga ulit pangalan mo?"






Ngumiti ako sa kanya "kid po"





"Sige, kid"






Umalis na yung mother niya para tawagin si Celine.






Nakangiti pa rin ako habang iniiling ang aking ulo. Kid? Seriously, chanel.







Wala pang ilang minuto ay lumabas na din si celine. Di ko pa siya napansin nung una dahil busy ako sa pagbibilang ng coins.






"Hey, kid!" Dinig kong bati niya na nagpagulat sakin.




"Seventy-fi-" nalaglag tuloy yung isang coin. Agad ko yun pinulot.







Nagtaka naman siya kung anong ginagawa ko.





"Nagbibilang ako ng coins"






"Bakit?"






"Andami ko na kasing coins dito. Ibibigay ko to sa mga street children mamaya"





Napangiti naman siya "kung ako sayo imbes na pera ang ibigay mo, ibili mo na lang yan ng foods atleast sigurado kang sa pagkain napunta ang pera, di sa kung saan saan lang"






Well, she has a point. Okay.





Nilagay ko sa maliit kong pouch ang mga coins saka ito nilagay sa loob ng kotse.






"Ano nga pala ginagawa mo dito?"
Taka niyang tanong.







"It's weekend" masaya kong sagot sa kanya.






"I know. So, bakit ka nga nandito?"






"Gusto ko sanang yayain ka na gumala"





Bahagya siyang natawa "kid, hindi ako pwede"







"Bakit naman hindi ka pwede?"






"Marami pa akong gagawin"







"Like what?"






"Maglalaba pa ako, maglilinis ng bahay" sagot niya.







"Edi tulungan na kita"






Daddy's GirlWhere stories live. Discover now