DG VI

2.4K 87 45
                                    



Chanel's POV




Hay...hate na hate ko talaga gumising ng maaga. Kung pwede nga lang wag na ako mag-aral at magstay na lang dito sa apartment ko since mayaman naman si dad. Marami siyang pera at pwede ko yun gamitin sa pang-araw araw ko.





But no. Di ako pinalaki ng daddy ko na ganun. Tinuruan niya ako kung paano mamuhay. Kaya nga ako nakatira sa apartment na to. It is his idea na manirahan ako sa isang apartment na ako lang. Para daw matuto akong gumalaw sa sarili kong mga paa na di umaasa sa mga katulong or kahit sa kanya.






Masaya nga din siya nung nagpaalam ako sa kanya na magtatrabaho na ako. Although, ayaw niya sana pero I told him na having a job would make me more independent in a way na di ko na kailangan humingi ng pera sa kanya.






Tumunog naman bigla ang alarm clock ko. Wow. Ang galing talaga nauna pa akong gumising sa alarm ko.








Kahit tinatamad ay sinubukan kong bumangon at magtungo na sa bathroom para makapag-ayos.







Nang matapos ako ay naghanda naman ako ng aking almusal.







"Ano kayang masarap kainin?" tanong ko sa sarili ko. Kumuha ako ng tinapay saka ito nilagyan ng mantikilya at asukal. Nilagay ko ito sa toaster para itoast. Habang naghihintay ay kumuha din ako ng prutas tsaka gatas sa ref.








Nang matapos na ang tinapay ko sa toaster ay agad ko itong kinain. Ugh! The best talaga ang tinapay na may mantikilya at asukal. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng maalala kong itext si celine.






Babatiin ko lang siya ng good morning hehe.





To: Celine


Goooooood moooooorniiiiiing xD




Napangiti ako sa sinend ko sa kanyang text.





I set aside my phone and ilang segundo lang may natanggap akong text.







From: Celine



Morning kiddo.






Nang mabasa ko ang nireply niya ay napairap ako ng aking mga mata.





Kiddo talaga? Haysss...





Maaga akong pumasok sa school ngayon. Wala naman masyadong nangyari sa school bukod sa kaliwa't kanan na quizzes.





Uwian na namin at excited na akong pumasok sa trabaho haha. Wala lang naman. Excited lang ako bakit ba? Haha




Nakarating na ako sa bar. Sakto naman na nag-hahanda na sina kuya calvin sa stage.





"Hello mga kuya" masigla kong bati sa kanila.





"Chanel, andito ka na pala. Tamang-tama praktis tayo"







Nagpraktis nga kami ng ipeperform naming kanta. Habang kumakanta ako sa maliit na entablado ay napansin ko naman ang pagdating ni Celine. Patuloy ko siyang pinagmasdan hanggang sa napatingin siya sakin at agad naman akong ngumiti sa kanya.






Tinangoan lang niya ako ng aking ulo saka nagtungo sa likod ng bar. Binati niya din si dior na kasalukuyang inaayos ang area niya.





Nang matapos kami sa praktis ay nilapitan ko siya na ngayon ay nagbababa ng mga upuan na nakapatong sa table.





"Hey, you"





Daddy's GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora