DG XVIII

1.5K 66 24
                                    






Nakaupo ako sa sofa sa loob ng apartment ni Chanel. She put some ice on my feet. Tahimik lang kami pareho.








"I'm sorry. You're supposed to be at school and not here" paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Hindi siya nakapasok sa school ng dahil sakin.








"Yeah. That's what you get for being so hard headed" she just simply said.







"This is what I get for bringing you some bread and coffee" She's staring at me kaya nginitian ko siya pero iniwas lang niya ang tingin sakin.









"Do you want something to eat?" Pasagot na sana ako nang tumayo siya saka nagtungo sa kusina "I'll go get you something"







So what's the point of asking me, anyway? I just rolled my eyes on her.






Dinalhan niya ako ng gatas at cookies.






Palihim akong napangiti. Baby girl ka nga talaga.








Inilapag na niya ang pagkaing dala niya sa coffee table niya saka komportableng naupo sa sahig.







Ang hilig ng batang to sa sahig. Katulad kahapon. May kama naman siya pero sa sahig siya natulog tapos ngayon may upuan naman siya pero sa sahig siya naupo. Edi sana hindi na lang siya bumili ng kama at upuan niya kung sa sahig lang din naman siya uupo at hihiga.







Napansin ko naman ang maliit na galos niya sa braso.






"May first aid kit ka dito?" Tanong ko sa kanya.







"Kailangan mo?" Tinangoan ko lang siya. Agad naman niya kinuha yung kit at nang makabalik ay binigay niya yun sakin. Akmang babalik na sana siya sa pwesto niya kanina sa sahig nang hawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sakin.








"Sit" utos ko sa kanya.






She scoffed "Ano ako? Aso mo?"







"Uupo ka or uupo ka?"






Napairap naman siya ng kanyang mga mata. My right leg is resting on her couch. Bale nasa likod niya ang right leg ko na natapilok kanina tapos yung isa naman nakaapak sa sahig.









"Bakit ba kasi?" Inis niyang tanong.








"Face me"







"What? Teka nga. Bakit mo ba ako inuutusan?"






"I said face me" ulit ko sa kanya.







Napabuntong siya ng hininga saka walang ganang humarap sakin.








Wala sa sariling naidikit niya ang kanyang tuhod sa hita ko. Ipinatong niya kasi ang left leg niya sa couch. It's like she's mirroring my position except yung left leg niya nakafold while yung right leg ko naman nakarest sa gilid niya.







Napalunok ako ng wala sa oras ng dahil sa pagdikit ng aming balat. It's kind of weird though kasi wala lang naman sa akin yung mga ganitong bagay dati pero ano nangyayari sa akin ngayon? It's like her touch makes me feel weird. Weird to the point na nagpipigil na ako ng aking hininga.








Daddy's GirlWhere stories live. Discover now