6: Ako?!! Weh?! Di nga?!!

Start from the beginning
                                    

Hindi katulad ng dati na nagpapanic siya kapag alam niyang in distress ako.

Iba na talaga. Malayong malayo sa dati.

In fact this time he's different.

Very different in every sense of the word.

Hindi ba niya naiisip yung impact nung nalaman ko?

Papanong set up yung gagawin namin?

Avie thinks I'm her mom.

I'm not pero I am.

Dahil sakin siya galing.

From my genes.

Pero hindi ako yung nanganak at hindi ako yung nagpa-laki sa kanya sa sinapupunan ko

Ang gulo.

Hindi ko alam yung dapat gawin.

Hindi ko alam ang gagawin kay Avie.

"Wala kang pananagutan kay Avie. She's my daughter. Now I'd like my daughter back so I can take her home" He's waiting for me habang prenteng nakasandal sa kitchen counter.

Tama, wala akong participation kay Avie.

Wala akong responsibility sa kanya.

Wala akong pananagutan.

Wala akong dapat isipin.

She's his daughter.

Ginamit niya lang yung laman at dugo ko.

I let out a sigh.

"Come with me" I started walking papunta sa kwarto ko.

Doon kasi natutulog si Avie.

Avie's sitting sa bed at nilalaro yung binili kong tiger stuffed toy when we came in.

Gising na pala siya

"Daddy! Daddy o mommy bought me this!" She waved the toy to her dad.

"Ang ganda naman baby" he smiled at her.

His smile hasn't changed, yung tipong mapapangiti ka rin kapag ngumiti siya sayo.

"Baby we have to come home, naaabala na si mommy o" he looked at me.

"Eeeee ayaw... Mommy promised baby na di na kami maghihiwalay. Diba po mommy ikaw na ulit mag-aalaga kay baby?" she looked at me. Parang naghihingi ng back up sa sinabi ko kanina.

"Baby momy has a new life now. Hindi ka na niya ma-aalagaan" sabi ni Dave.

"Eeeee... Noooo.... Daddy you said mommy's staying, e bakit po wala na siya lagi when I wake up?" nauubusan na si Dave ng sagot sa mga tanong ng 3 year old boss niya.

"I have to work baby. Diba sabi ko yun kanina? Para may money para sa needs ni mommy" Tutulong na ako para matapos na.

"Why do you live here mommy? Our place is bigger saka po mas madaming rooms, you can sleep anywhere" sabi ni Avie

Sana hindi niya alam ang concept ng 'malapit' at 'malayo'

"Kasi malayo yung hospital sa house niyo baby" sabi ko

"Why don't you take the chopper mommy? Daddy and Baby use that kapag malayo" hindi talaga magpapatalo si Avie. Parang ako.

Whoa. He has a chopper? Samantalang naka-jeep lang kami dati.

He must be really rich. Baka sinwerte sa Germany.

"Baby it's late, uuwi na tayo" binuhat ni Dave si Avie

She shrieked at cried habang nagwawala in Dave's arm.

Ang ingay parang kinakatay na baboy.

"Wait, hindi ba pwedeng dito muna siya?" sabi ko

He looked at me. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.

Hindi ko kasi mabasa dahil consistent yung pokerface niya.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon.

Ano nga bang balak ko if I let Avie stay?

Alam ko ang theories ng child care dahil I'm a healthcare professional.

Pero ang actual na pag-aalaga ng bata.

Wala akong alam dun.

Imposible namang emotionally attached na agad sakin si Avie.

Or pwede rin kasi she's me.

A part of me.

"Mommy! Mommy!" mas lalong nagwala si Avie.

"Dave hayaan mo na muna sakin" sabi ko

Nababaliw na ata ako. Kung ano anong pinagsasasabi ko.

"Kailangan ni Avie yung mga gamot niya sa bahay" sabi ni Dave.

So ganun pala ang mood niya when it comes to Avies medicine.

"I'll go with you instead" sabi ko para tumigil na yung nakakarinding iyak ni Avie.

I must be crazy doing this.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now