23

6 5 0
                                    

SFX: Page flips*

JAI CHOSEN

Habang patagal nang patagal, laging kami nalang apat ang magkakasama, minsan naman may date si Tita Stiphenson kasama ang kaniyang bagong jowa. 

Matagal tagal na nga kaming magkakasama, but it still feels like something is missing. It's like whenever kami kami ang magkasama nila Miles, Beige, at Alexis, gusto kong lumingon sa likod kasi I feel like someone is following me. Someone I f*cking want to see so bad. Someone I long for. But whenever I look back, and search for that someone following me. . All I see is. . Just random people. Wala siya. Wala na siya sa tabi namin.

Seeing the three Idiots, Beige, Miles and Alexis, all grown up, surprises me. Ikaw, Zacc? Ano kaya mukha mo three years from now? Mas gumwapo ka na ba? Tumangkad? O siguro mas dumami lang ang mga babae mo.

Today, all four of us are headed to the cemetery. Month. Isang month nang kami ang magkasama pero ngayon ko lang naconvince, at dinala sarili ko sa tapat ng graveyard ng first lover ko.

"Zacc loves daffodils a lot. We don't know why. . But he's so addicted to them." Ani naman ni Miles habang dala dala ang bouquet of daffodils. 

"He never told us the reason why he likes it. Basta kung gusto niya, gusto niya. No more reason needed daw e." Ani naman ni Alexis sa akin.

"Well, we're here." Wika naman ni Beige in a low husky tone of voice.

Miles smiled and placed down the bouquet of daffodils sa ibaba ng graveyard ni Zacc and they smiled. "Hi, bro. Andito nanaman kami, mag ingay ingay."

"Oo nga. Hindi ba sabi namin, we won't let you rest in peace? HAHAHAHA Mag ingay ingay kami, okay lang?" Ani naman ni Beige, pinipigilan nga lang niya sarili niyang umiyak.
"Every week mo kami makikita, baka kasi ma miss mo mukha namin."

"Kumusta ka na diyan?" Tanong naman ni Alexis. Hindi niya naman natago ang kaniyang mga luha. 

"May dala nga pala kaming bisita, si Miss Universe mo." Ani naman ni Miles, habang hinahawakan naman ang magkabilang balikat ko, hindi namang tumagal, binitiwan niya naman ako. 

"May magandang dilag ba diyan sa langit? Hindi ko kasi makita forever ko dito." Ani naman ni Alexis habang tumatawa.

"Sira ulo talaga 'tong Lexis na 'to! May maganda dilags ba diyan? Hindi kasi namin makita forever namin dito, tulongan mo naman kami dito!" Ani naman ni Beige habang patawa tawa.

"Parang mga adik." Ani naman ni Miles habang humahalkhak nang malakas.

My heart skipped a beat nang nabasa ko nga talaga ang pangalan ni Zacc sa cemento.
"Zacchaeus Blaze Britt Stiphenson"

I laughed softly, bigla naman akong napaupo sa damuhan nang wala sa oras, "Z- Zacc. . " biglang bungad ko. 
"Y. . you left me?" 

Tears just continuously fell from my eyes, "Zacc. . It hurts." Bigla namang kumunot ang ibaba ng bibig ko, at ang kilay ko. 

Reading his name written on the cement, on top of someone's grave's like killing me emotionally. I hate this feeling. I really hate this feeling. Tinignan ko naman ang kamay ko with the ring he gave years ago, "Suot suot ko pa." I laughed softly.

I looked down habang patuloy ko pa ring pinapakita sa kaniya ang kamay ko, "Suot suot ko pa rin ang bigay mo sa akin." Ani ko naman.

"Zacchaeus. . " I moaned, "BAKIT GANON?? BAKIT GANON?" Miles just suddenly knelt down, and comforted me habang pinatong niya naman ulo niya sa balikat ko.
"Bakit hindi mo man lang ako nasabihan? Bakit?" 

I wiped my tears aggressively, "Ang sakit! Sobra! Help me. . Help me, Zacc. I don't know what to do. . Help me." I whispered. Halos wala na akong boses mailabas. Sa sobrang sakit, at bigat ng damdamin ko, wala na akong boses mailabas. 

Bigla namang nag hangin ng malakas. Bigla ko namang binaba kamay ko. At dahil do'n. .  I felt like someone was hugging me from behind, aside from Miles hugging me. Napatahimik kami ng sandali.

Alexis knelt down beside me, facing Zacc's gravestone habang hinahaplos niya naman ito pabalik balik.
"We'll protect her, promise namin 'yon sa iyo 'di ba? You can rest in peace, rest assured ang safety niya sa amin." Ani naman ni Alexis with a smile on his face

I looked down and sniffled. "Hintayin mo 'ko diyan ha?" Ani ko naman.

I pouted, trying my best not to cry too much, "Hintayin mo 'ko diyan! Una una ka kasi, ayan, humintay ka."

Ang bigat sa dibdiban, "Pero. . Zacc. . . Kahit hindi man gaano katagal nang ating moments together. . It still felt like tumagal tayo ng isang dekada." Ani ko trying to laugh. 
"Akalain mo? Ilang araw lang 'yon ha? Tapos. . Ang dami na nating moments, at memories together? Kahit simple lang 'yong mga araw na 'yon, ang saya pa rin nating dalawa." 

"Thank you. . For sending angels here for me. Thank you, ha? Dahil binigyan mo 'ko ng mga body guards dito sa earth." I laughed softly.

"Kung wala kaya ito silang tatlo. . Nasiraan na ata ako. Ang dami mong binigay sa akin. And I still don't know what to give you in return but to take good care of your babies." Ani ko naman. 
"Baby number one mo talaga si Alexis, e no? Love na love ka talaga ni Alexis." 

"Kung nasan ka naman ngayon, Zaccy. . Do us one favor. . Be happy." Ani naman ni Miles habang patuloy pa ring umiiyak sa balikat ko.

"Oo nga. Be happy na. Tignan mo 'tong baby number two mo, umiiyak sa balikat ko." Ani ko naman. Tumawa naman kaming apat.

"GUSTO KO RING MAGING BABY NI DADDY ZACCY!" Bigla namang sumingit si Beige at pa- pekeng umiiyak sa balikat ko. 
"UWAAAAH!! DADDYYY!! I MISS YOU NAAA!" Ani naman ni Beige.

"ARAY KO, BEIGE!" Tinulak ko naman silang dalawa ni Miles palayo sa akin, "Ang bibigat ng mga ulo niyo!" Ani ko.

They then laughed softly.

"Tara na. . Ang dami nang lamok. Let's go grab some ice cream." Ani naman ni Alexis, unang tumayo sa amin.

I then nodded and also stood up, kasama nila Miles, at Beige.



SFX: Page flips*

Pagkatapos naming kumain at nag bili ng ice cream, inuwi agad nila ako sa bahay before five in the evening. They told me na dapat maaga nila ako iuuwi, o di kaya dapat maaga akong umuuwi. They don't want people to worry to much. Ayaw nilang mawala ang trust nila mom, at dad. Ayaw rin nilang ma-sad si Zaccy sa heaven. 

My safety is their number one's priority pa nga. 

Pero. . it's already eleven in the evening. . Halos hindi pa rin ako makatulog. Why does it still hurt?

Kahit nakahiga na ako sa kama ko, kahit wala nang ilaw, kahit ang tahimik pa ng paligid ko. . It stil lfeels like. . Everything's not real. Parang mas gusto ko pang matulog ulit. Gusto ko pa matulog kasama ang Sleeprapheynia ko. Because of that, nakikita, at nakakasama ko pa si Zacc sa panaginip ko.

Tears kept falling from my eyes.

One month na. Oo, one month na nga ang nakalipas, pero hindi ko pa rin tanggap ang lahat. Hindi pa rin mawala sa kaisipan ko ang bawat alaala ko kasama siya.

Let me. . see you one more time. Please. This is making me go crazy. Nakakapraning siya, Zacc. Sa totoo lang. Me? Waking up three years later. . Tapos ito ang unang balita ko? Namatay ka? Please. . Don't be too selfish. You know how badly I want to see you right now.

Nakakapraning na siya.

THE SILENCE OF OUR LOVE STORYWhere stories live. Discover now