CHAPTER 60: Tokyo Vs. Kanagawa

Start from the beginning
                                    

"Grrrrrrr shattap! Naiinggit lang kayo kase Henyo ako!" Hanamichi

Sa Audiences, nakatingin at napaisip si Mito sa kalagayan ni Hanamichi.

"Tingnan niyo mga kasama, dalawang Power-forward na naman ang nagbabantay kay Hanamichi." sabi ni Mito.

"Oo nga, Mito. Nakikita ko..." Takamiya

"Ibang klase na'tong bokyang ito, hindi na siya kayang bantayan ng isang player lang." Ohkusu

"Nagpapatunay lang na Umiimprove na si Hanamichi. Dapat malakad na player ang magbantay sa kanya." Noma

Lumipas pa ang ilang segundo...

Pumito ng malakas yung Referee at... "5 SECONDS VIOLATION! WHITE NO. 10!" sigaw ng Referee saka tinuro si Hanamichi.

"Ngeeeeekkkkk! Ano?!" maktol niya.

*Pak!*

Pinalo ni Watanabe yung pwet niya.

"Aray!"

"Dapat pinasa mo yong bola Gunggong!" Suway ni Watanabe sa kanya at hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Hanamichi saka kinurot ito.

"A-aaawwraawwyyy..." Daing ni Hanamichi kaya piniglas niya yung mga kamay nito. "Ang sakit Bentoy! May balak kabang sirain tong gwapo kong Face?"

"Gagawin kong kamatis yang Face mo pag hindi ka mag focus!" masungit na sagot ni sa kanya saka tinalikuran siya.

"Palibhasa kase puro pasikat lang ang alam." sabi ni Fukuda na ikinalingon ni Hanamichi.

"Anong sabe mo?" nilapitan niya si Fukuda na inis ang mukha. "May problema ka ba sakin?" maangas nitong tanong.

"Oo, yong kagunggongan mo." direktang sagot ni Fukuda.

"Eh kung upakan kita dyan?"

"Kung kaya mo, baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo."

"Mas matanda ka nga pero mas magaling ako sayo!"

"Tama na yan, bumalik na kayo sa laro." mahinahon na suway sa kanila ni Hanagata saka pinaghiwalay sila.
"Balik sa depensa Sakuragi, wag ka puro salita at pasikat. Gawin mo yung papel mo dito sa court." dagdag pa niya.

Napanguso na lang si Hanamichi.

"NYAHAHAHA wag ka puro Violation, Unggoy. Foul naman dyan! Nyahahahahaha!" tumatawang sabi ni Kiyota sa kanya.

*BOINK!*

Sinapak ni Hanamichi yong ulo niya.

"Isa ka pa Matsing ka..." masungit na sabi ni Hanamichi at naglakad papalayo.

Napahawak si Kiyota sa nagbabagang ulo niya saka tiningnan ang Team's Bench nila.

"MAKIIIIII!!! NAKITA MO YON DIBA? SINAPAK NIYA YONG ULO KO!" sigaw ni Kiyota kay Maki.

Napahawak na lang si Maki sa sentido niya. "Problema na naman..."

"Wala nang bago sa kanila kaya masanay ka na Maki." sabi ni Jin sa kanya.

"Oo nga, pero kahit na ganun maganda parin ang laro ng dalawang yun." sabi rin ni Sendoh.

"May punto si Sendoh, kung magpapatuloy ang kombinasyon nilang dalawa magiging madali na ang lahat." Jin

"Ah-huh... Kunting oras na lang ang natitira, kaya dapat gawin nila ang lahat para huwag lang makalamang ang kalaban na tin." Sendoh

"Dapat na rin nilang higpitan ang depensa." singit ni Ikegami sa usapan nila. Nakatingin lang ito sa laro.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now