CHAPTER 59: Tokyo Vs. Kanagawa

Start from the beginning
                                    

"OO!!" sagot nila.

"At sa pagkakataong ito, ay sinusubukan ang relasyon natin sa kalaban kaya palagi iisipin na nasa laro tayo at wala itong kinalaman sa personal na buhay. Ginagawa natin ang lahat para sa larong ito na may layuning talunin sila, kaya... Pagkatapos ng laban nato, sana hindi magbabago ang relasyon natin sa ating mga kaibigan na nasa kabilang kuponan." Fujima

"Oo! Fujiboo!" Hanamichi

"Tama ka prehh!" Kiyota

"Laro lang 'to, mga kaibigan natin sila." Fukuda

"Sang-ayon ako sayo Fujima." Hanagata

"Sana ol!" Sendoh

"TUMAHIMIK KA DYAN SENDOH!" sigaw ulit ni Hanamichi sa kanya.

Nakangiting nakatingin si Maki sa kanila hanggang sa napatingin siya sa gawi ni Jin na kanina pa tahimik.

"Jin..." tawag niya dito pero hindi ito sumagot.

Tila malalim ang iniisip niya.

"Jin..." Maki

"..." Jin

"JIN!" Maki

"May sinasabi ka, Maki?" biglang tanong ni Jin sa kanya.

Napabuga na lang ng hangin si Maki. "Ano bang nangyayare sayo?"

"Ha? Wala naman, may iniisip lang." sagot niya.

"Kung iniisip mo parin ang nangyaring insidente, kalimutan mo na yon. Alam naman namin na hindi mo sinasadya yon." Maki

"Alam ko, pero hindi yon ganun kadali..." Jin

"..." Maki

"Pasensya na Maki kung hindi ako nakapaglaro ng maayos." Jin

"Hindi okay lang, atleast nahila mo yong score natin. Bangko ka na lang ulit para makapag-move on ka sa nangyari." sabi ni Maki sa kanya at bumalik ito sa pagkakaupo. "Ipapasok na lang natin ulit si Watanabe."

"Sige, pasensya na ulit." Jin

Ilang minuto ang lumipas at tumunog ulit ang Time Buzzer ng Scoring board.

"TOKYOOOOOOOOOOOO... FIGHT!"

"FIGHT OH!"

Sabay na humarap sa court ang manlalaro ng Tokyo, pero napatigil ang isa sa kanila nang makita nila ang 2nd-half first five ng Kanagawa.

"Uhh... Ipinasok na nila si Nagano." gulat na sabi ni Hanagata.

"Huh? Palalaruin na nila si Nagano na dating Shoyo Team mga prehh..." Kiyota

Pagkapasok nilang lahat sa gymnasuim ay nagharapan ulit silang lahat.

"Ang huling nag-agawan sa bola ang magjujumpball." sabi ni Referee sa kanila.

Naglakad naman sa harapan sina Hanamichi at Takasago.

"HANAMICHIIII GALENGAN MO!!" sigaw ni Takamiya

"WALA KANG KIMCHII MAMAYA PAG DI MO NAKUHA YAN!" sigaw rin ni Mito

"SIGE LANG BOKYA!" Ohkusu

"TATAWA NA LANG AKO!" Noma

Nakaramdam ng hiya si Hanamichi sa pinagsisigaw ng apat na Ungas. "Mga bwesit talaga ang apat na'to."

"JUMPBALL!"

Hinagis ng Referee sa pinakamaatas na bahagi ng ere ang bola.

Agad nakafocus si Hanamichi para abang ang tyempo nito.

"ayun..." tumalon si Hanamichi ng napakataas, mas mataas pa sa talon ni Takasago.

"WHAAAAAAAHHH! ANG TAAS!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now