CHAPTER 56: Tokyo Vs. Kanagawa

Start from the beginning
                                    

"N-nagbibiro ba sila?" napangiwi si Hanamichi. "Palalaruin nila ang magtatahong ito?"

Napabuga ng hangin si Kiyota. "Bobo, baka nakakalimutan mo na tinalo ka nyan dati?"

"Shattap!" Hanamichi

Kumpyansang pumasok si Miyamasu sa loob ng court saka nilapitan si Uekusa.

"Pasensya na Uekusa." sabi ni Miyamasu sa kanya.

"Hindi, ayos lang Sempai. Kahit papaano makapagpahinga rin ako." sagot ni Uekusa.

"Oo, galing ka pa naman sa aksidente kanina. Sige na." Miyamasu

"Oo." sagot ni Uekusa saka naglakad palabas ng court.

Lumapit si Miyamasu sa mga kasamahan niya sa court saka tiningnan ang kabilang Team.

"..." Tokyo Players

"Makakahabol kami." ikling sabi ni Miyamasu sa kanila.

"Ggrrrrrrr wag ka ngang hambog!" singhal ni Hanamichi sa kanya.

"Muto, ikaw magbantay kay Kiyota. Sakin si Sakuragi." sabi niya dito at tumango naman si Muto.

"ANO?!" maktol ni Hanamichi.

Pumwesto naman si Muto sa harapan ni Kiyota.

"Tayo na naman ulit." Muto

"Wag ka ngang ano dyan, pinagsasamantalahan niyo yong kahinaan ng Unggoy na'to." sabi ni Kiyota.

"Nagiging mature ka na ata?" Muto

"Matagal na!" Kiyota

Sinimulan nang patalbugin ni Koshino ang bola saka pinasa kay Yasuda.

"SIGE TEAM! BABAGUHIN NATIN ANG ATMOSPERIKA NG LARO!" sigaw ni Yasuda habang nakataas ang hintuturo nito.

"Oo!" sagot nila.

Agad nagdribol si Yasuda papasok sa half-court nila, pagkarating niya ay pinasa niya ang bola ulit kay Koshino na nasa 50 degree outside lane ng 3-point area. Magsoshoot na sana siya nang babagan siya ni Fukuda.

Si Kiyota naman ay tumakbo papuntang Small forward area para salubungin ang pasa ni Fukuda kung sakaling makuha nito ang bola.

Samantala si Hanamichi at Miyamasu...

"..." Hanamichi

Nakatayo lang siya dahil mahinang dumedepensa si Miyamasu sa kanya.

"..." Hanamichi pa rin.

"Hindi kita hahayaang makalusot sakin." sabi ni Miyamasu sa kanya na parang matutumba ito sa kakadepensa sa kanya kahit nakatayo lang siya sa harapan nito at walang ginagawa.

Napayukom ng kamao si Hanamichi. "Pambihira, bakit ba nangyayari sakin to ngayon?"

"H-hindi k-ka makakalusot!" Miyamasu

"..." Hanamichi

"..." Miyamasu

"AAAARRRGHHHHHHH NAKAKABANAS!" Biglang sigaw ni Hanamichi at napasabunot ng sarili.

Napatingin sa ibang direksyon si Hanamichi at nakita niya na binabantayan ng dalawang tao si Hanagata at hawak naman ni Muto ang bola habang dumedepensa si Kiyota dito.

Akmang magsoshoot si Muto nang agad lumapit si Hanamichi sa kanya para palpalin nito ang bola.

"WALA YAN!" sigaw niya.

Agad naman siyang napansin ni Muto kaya ipinasa niya ang bola kay Yasuda na libreng nakatayo. Pagkatanggap ni Yasuda agad niya namang ipinasa kay Miyamasu na nasa 3-point arc lane.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now