CHAPTER 54: Tokyo Vs. Kanagawa

Start from the beginning
                                    

Agad umaksiyon si Hanagata at sinalo ang bola. Pagkatanggap niya ay agad niyang tumalon mula sa ilalim ng ring para magdunk.

Pero nahabol siya ni Takasago.

"Hindi kita hahayaan..." Takasago

"Tcch!..." walang nagawa si Hanagata kundi ipasa ang bola kay Kiyota na nasa across center area ng 3-point lane.

Pagkatanggap ni Kiyota sa bola saka siya nag jumpshot. Pero sumulpot si Muto sa harapan niya at pinalpal ang bola ng malakas na talagang tatama sa backboard ng ring.

"tssk! Kainis! Bilis! REBOUND!" sigaw ni Kiyota.

Sa Team Bench ng Tokyo, napayukom ng kamao si Maki.

"Talagang malakas ang kabilang kuponan. Kahit ang 3-point jumpshot ni Kiyota nababagan ni Muto." sabi ni Maki.

"Kahit ano pa yan, basta wag lang mahayaan na makalamang ang opponent team sa atin." sabi rin ni Sendoh.

"Sana nga ganun, dahil sa pinapakita ng Kanagawa Team sa atin. Parang kaya nila tayong lamangan..." sagot ni Maki habang nakatuon ang tingin sa laro.

"Hindi yan..." napatingin silang dalawa kay Jin.

"Jin?" Sendoh

"Hindi yan... Kasi may isa dyan sa court ang hindi hahayaang mangyari yun." sagot ni Jin sa kanila at ngumiti.

*PAK!*

Malakas na tumama ang bola sa backboard ng ring at si Hanamichi Sakuragi naman ay saktong papunta na para kunin ang rebound.

Sa bilis ng takbo niya ay hindi niya napigilan ang sarili na huminto para kunin ang pagmamay-ari niya ang Rebound.

Mabilis na nakalipat sa harapan ni Hanagata si Takasago para abangan si Hanamichi, medyo nabigla si Hanagata dun pati na rin si Hanamichi.

"Pipigilan kita!" sabi ni Takasago.

"Whaaaaahh tumabi ka dyan!" sigaw ni Hanamichi.

Dahil sa bilis ng takbo niya ay hindi niya namalayan na dahan-dahang naalis sa pagkakatali ang sapatos niya hanggang sa tuluyang sumagid sa sahig ang liston nito.

Pagkatalon ni Hanamichi ay naapakan niya yung nakagutay na liston ng sapatos niya.

"Huh?" siya

At yung bola na tumama sa backboard ay sakto namang papunta sa direksyon ng mukha niya.

"SAKURAGI!" sigaw ni Haruko.

*PAK!*

Tumama yung bola ng napakalakas sa mukha niya.

"H-Haruko..." namimilipit sa sakit na sabi ni Hanamichi habang nasa ere.

Pero yung bola ay tumalbog paikot sa ring na ikinatingin niya.

*Shoot!*

"Ehh?" Hanamichi

"P-Pasok?" Hanagata

"Ano?" Fukuda

"Anong klaseng---" Watanabe

"YAHOOOOOOOOOOOOO!!!"

"AYOSSS ANG GALING NG SHOT NA YUN AHH!"

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

"Taong-gubat talaga..." napahilamos si Kiyota sa kinatatayuan niya.

"Teka ang daya nun ah!" Reklamo ni Nagano sa kinauupan ng ng Kanagawa Alphas.

"Tumama sa mukha niya?" Sugadaira

"Pero pasok?" Miyamasu

Ang Score ng Tokyo ay nagdagdagan dahil sa shot na yun.

"Ano! Seryoso? Counted basket talaga yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Daisho.

Pero tumawa lang si Jin.

"Hahahaha tulad ng sabi ko sa inyo. May isang tao dyan sa court ang hindi makakapayag na makalamang sa puntos natin." nakangiting sabi ni Jin.

Nagsihiyawan naman ang buong taga suporta ng Tokyo kasali na ang apat na ungas.

"ABA! MAGALING HANAMICHI!" nakangising sigaw ni Takamiya.

"ANG KAHINDIK-HINDIK NA TEKNIK NI HANAMICHI!" Ohkusu

"BWAHAHAHA ANG GALING MO HANAMICHI! TALAGANG HENYO KA!" Nakangisi ring sigaw ni Mito.

"HEHEHE IBA TALAGA KAPAG IMMORTAL!" Noma

Sa court ng gymnasuim, napangiwi ang dating Team ng Ryonan at Shoyo na dati nang nakasaksi sa ganung klaseng shot ni Hanamichi.

"Pambihira siya, ginawa na naman niya..." nakangiwing sabi ni Koshino.

"Akala ko... Akala ko... Akala ko dahil sa dati siyang Ace Player ay magaling na siya pero parang sumobra ata..." naiiyak na sabi ni Yasuda na tila nagpapasalamat dahil hindi na sakop sa kanila ang kahihiyan na ginagawa ni Hanamichi.

Tameme paring nakatingin si Takasago kay Hanamichi.

"A-Anong klaseng... S-Shot yon?" tamemeng tanong niya na parang hindi makakilos ng maayos.

"Bwesit na liston 'to!" umupo muna sandali si Hanamichi at saka tinali ng mahigpit yung liston mg sapatos niya. "Pinahiya moko!"

Saka hinarap si Takasago.

"Ayos ba Gori 2nd?" nakangising tanong ni Hanamichi.

"Ang daya non ah?" Takasago

Napatawa ng malakas si Hanamichi.

"BWAHAHAHAHAHA!" Hanamichi.
"Hindi yon daya, Gori 2nd. Ang totoo... Pinlano ko ang lahat ng yon." ngumisi siya saka tinuro ang sarili.

"Isang plano na tanging ang Henyong katulad ko lang ang makakagawa. Na kahit ang dating National Player ng High School na si Sawakita ng Sannoh ay hindi yon napigilan kaya imposible rin talaga na mapigilan mo yon heheheheheh..." mayabang na sagot ni Hanamichi.

"Ehh..." sila

"lahat ng nangyari bago ko ipinasa ang bola kay Labo 2nd, ang pagpigil ni Muto sa 3-point shot ni Matsing at ang pag-abang mo sakin... Lahat ng yon ay nakaayon sa plano ko at matagumpay ko namang nagawa gamit ang aking "ULTIMATE FACE SHOT!' Nyahahahahaha!" Hanamichi

Napangiwi silang lahat...

"Ultimate Face Shot?" Takasago

"Meron bang ganun?" Watanabe

"Oo, para sa Unggoy na yan. Natutunan niya yan sa gubat." Kiyota

"Walang makakatalo sa ULTIMATE FACE SHOT ng Henyong si Hanamichi Sakuragi! NYAHAHAHAHAHA!" tawa niya.

"WOW MABUHAY ANG ULTIMATE FACE SHOT!" Takamiya

"MABUHAY!" Mito/Ohkusu/Noma

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now