"ibang-iba na ang hitsura ngayon ni Mitsui diba, Sakuragi?" tanong ni Haruko.

"Oo." sagot niya

"Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Talagang business man ang dating niya..." ngumiti si Haruko

"Kahit businessman na siya, bungal pa rin siya." Hanamichi

Mahina namang tumawa si Haruko saka hinawakan ang braso niya.

Namula naman si Hanamichi dahil dun at tumingin sa pagkakahawak ni Haruko.

"Sabihin mo sakin, Sakuragi. Nag-asaran na naman kayong dalawa noh? Kasi hindi ganyan ang sasabihin mo kung maganda ang nangyari sa usapan niyo."

Nahihiyang napakamot si Hanamichi sa ulo nya at napatawa...

"Ahahahaha... H-Haruko, ganyan talaga kapag tropa nag-aasaran. Nyahahaha!"

Tumawa rin si Haruko... "Siguro kung nandito rin si Rukawa, paniguradong walang tigil ang bangayan niyo..."

Agad nawala ang tawa ni Hanamichi nang marinig niya ang pangalan ni Rukawa.

Napaisip na naman siya ng masama... "Grrrrrr Rukawa! Tantanan mo na ang isip ni Haruko! Tantanan mo na kaming dalawa! Masaya na siya sakin kaya wag ka nang epal!" inis na sabi ni Hanamichi sa isip niya.

"Sakuragi? Ayos ka lang?" biglang tanong ni Haruko na ikinabalik niya sa wisyo.

"h-ha?"

Ngumiti na lang si Haruko sa kanya.

"Alam kong naiinis ka kay Rukawa, Sakuragi. Tatlong taon din kayong magkasama sa Team at yan na ang nakasanayan mong trato sa kanya. Nagiging masaya ako kapag nakikita ko kayo magkasundo, pero..." putol ni Haruko.

"..." Hanamichi

"Pero... Mas masaya ako dahil ikaw ang kasama ko ngayon dito, Sakuragi." Hinawakan ni Haruko ang kamay niya.

Mistulang may tumatakbong tren sa puso ni Hanamichi dahil sa sobrang kilig. Napakabilis ng tibok ng puso niya na tila walang preno. Halos mabibingi siya sa sobrang lakas ng kabog.

Napasabi siya sa isip niya... "Totoo ba'to o panaginip lang? Dahil kung totoo pwede paki tuktukan ng ulo ko ng malakas? Kung panaginip wag niyo na lang akong gisingin. Haruko myloves! Ang bait at ang kyut mo talaga, kaya mahal na mahal kita eh!"

"Ahehehehehe H-Haruko... Walang katumbas ang ligaya ko kapag ikaw ang kasama ko. Hangga't nandito ang Henyong ito, hindi ako aalis sa tabi mo!" nakangiting sabi ni Sakuragi habang pinipigilan ang kilig na nararamdaman.

Ngumiti si Haruko sa kanya.

* * * * * * *

*** AMERICAN INTERNATIONAL COLLEGE ***

"Achoooo!" napatakip ng ilong si Rukawa dahil kumakati ang ilong niya.

Uminom naman siya ng tubig saka pinunasan ang bibig pati ang leeg niya. Napaisip siya na baka may umiisip sa kanya kaya kumati ang ilong niya.

"The winter is about to start, Rukawa. Isn't that reason why you sneezing right now?" tanong ni Michael Okita sa kanya.

"Siguro..." maikling sagot niya.

"Hey, Captain! If I were you don't talk with that guy or else magmumukha kang gunggong sa paningin niya." nakaismid na sabi nung lalake na nasa likuran niya habang nagpapatalbog ng bola.

Nakangiwing lumingon si Rukawa sa kanya at sabing...

"Gunggong..." Rukawa

"Anong sabe mo? Grrrrrrr---" akmang lalapitan niya si Rukawa ng may dalawang lalake ang umawat sa kanya.

"Sawakita, kalma lang. Inaasar ka lang niya kaya wag mo lang siyang intindihin." nakapagjapanese ng wala sa oras si Moroboshi sa kanya.

May naalala si Rukawa sa naging reaksiyon ni Sawakita.

("Grrrrrrrrrr... Rukawa!"

"Tumahimik ka dyan, Rukawa!"

"Ang yabang mo talaga, Rukawa!"

"Tigilan mo na ngang pagpapasikat dyan, Rukawa!"

"Natapos ang 1st half pero 2 points lang ang nagawa mo? Kung ganun pala, walang-wala ang kakayahan mo sa Henyong ito! Kawawa ka naman, Rukawa!")

Napabuga na lang siya ng hangin at napatanong sa isip... "Bakit ko ba iniisip ang gunggong na yun?"

"Bumalik na lang tayo sa training. Siguro namimiss lang ni Rukawa ang old teammates niya." sabi rin ni Minami.

"Hmmp... Pasalamat siya malakas siya sakin kaya mapapatawad ko siya agad. Just fix your self immediately Rukawa to continue our practice game. Naghihintay na yung mga kuya nating Amerikano!" Sawakita

"Susunod ako..." sagot ni Rukawa at saka inayos na ang sarili.

"OKAY TEAM! PREPARE YOURSELF FOR THE 2ND HALF!" sigaw ng manager nilang si Eri Fujikawa. Ang dating manager ng Ryukufu.

Si Michael Okita naman ang Team Captain ng American Yellow Fox. Para sa isang international player na katulad niya ang nababagay na mamuno sa mga foreign players at kabilang na dun na nagmula sa Japan na sina Minami ng Toyotama, Moroboshi ng Aiwa, Sawakita ng Sannoh at Rukawa ng Shohoku. Si Michael at ang apat pang Ace Players na kasama niya ay nakakasiguro siya na ang Team nila ang makakapasok para maglaro sa International College Games.

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat