"hehehehe alas-sais na Haruko ah? Di ka pa ba uuwi?" nahihiyang tanong ni Hanamichi sa kanya.

"Sa totoo lang Sakuragi, dito kami sa school magpapalipas ng gabi hanggang bukas ng hapon." nakangiting sagot ni Haruko.

Tumaas ang isang kilay ni Hanamichi... "Kami? Anong ibig mong sabihin?"

"Kasama ko kasi sina Fuji at Mutsui pati si Ate Mari para magpalipas ng gabi dito kaya ganun..." Haruko

"Ahhh... Edi maganda yun hehehehe..." namula si Hanamichi at napaisip.
"Ang swerte ko ngayong pagkakataon na ito, makakasama ko si Haruko sa gabing ito napakaswerte ko talaga!" sabi sa isipan ni Hanamichi.

*DUNK!!!*

Napabalik sa wisyo si Hanamichi nang may marinig siyang malakas na dunk.

"Teka slam dunk yun ah?" sumilip siya sa loob.

At doon ay nakita niya si Hanagata na nakalambitin sa ring saka bumaba.

Sa ilalim niya nakahiga si Yuki at Fukuda dahil sa ginawa niyang dunk.

"Magaling Hanagata!" sigaw ni Zakusa habang pumalakpak.

"Ang galing ng dunk na yun, Hanagata!" puri ni Maki.

"Magaling..." puri rin ni Ikegami.

(Pumito!...)

"OFFENSIVE FOUL, RED NO. 5!" sigaw ni Mito at tinuro si Hanagata. Tumingin siya kay Fujima. "Tama po ba yung judge ko, Fujima?" tanong ni Mito.

Nakaismid na tumango si Fujima sa kanya.

Bumangon si Yuki at Fukuda sa pagkakahiga.

"A-aray... Ansakit nun ah? May balak ka bang patayin kami, Toru?" masungit na tanong ni Yuki habang hinihimas-himas pa ang tagiliran nito.

"Napaka-OA mo talaga, Yuki." singit ni Jin.

Naningkit naman ang mga mata nito... "Utang na loob wag ka na lang magsalita, Jin!"

"Defensive." Jin

"Hahahaha Maki, kausapin mo nga yan." kunwaring natatawa si Yuki.

Pero huminga lang ng malalim si Maki, alam niya kasi na di niya masusuway si Jin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Hanamichi sa nakikita niya.

"Ano 'to? Kailan pa naging Referee si Mito?" Takang tanong ni Hanamichi.

"Hahaha alam mo ba, Sakuragi? May binigay na papel si Fujima sa kanya at isa yung impormasyon tungkol sa mga Violations, fouls, time Restrictions at sign about sa basketball. Napansin kasi ni Fujima na interesado si Mito at Ohkusu sa basketball kaya binigyan niya ang mga ito ng role sa tuwing may practice game tayo dito. At sina Takamiya at Noma naman ang scorer." nakangiting sagot ni Haruko habang nakatingin sa gawi ng players.

"Ano? Kailan pa sila naging interesado ang mga ungas na yan? Sa pagkakaalam ko hanggang sigawan at asaran lang sila sa tuwing may laro ako?" hindi parin makapaniwalang tanong ni Hanamichi.

"Alam mo, Sakuragi. Nasa college na tayo... Unti-unti na nating madidiskubre ang magiging layunin natin, pero mas nauna ka lang sa kanila dahil layunin mo ang paglalaro ng basketball at malayo ang mararating mo. Tulad mo, ganun din ang mga kaibigan sila. Malay mo baka maging Professional Basketball Referee sina Mito at Ohkusu at sina Takamiya at Noma naman ay magiging Basketball scorer balang araw..." tiningnan siya ni Haruko at ngumiti.
"Nagiging mature na ang mga isip natin sa mga bagay-bagay at matutunan na natin ang pagiging seryoso sa buhay."

Napatitig si Hanamichi sa sinabi niya... "A-ahh, Oo. Naiintindihan ko na, Haruko."

"Iba kasi ang buhay natin sa High School at sa College. Di tulad noon na magagawa natin ang mga gusto narin maging pormal o Impormal minsan napapasok pa sa gulo. Pero ngayon, nakasalalay sa mga kamay natin ang ating magiging tadhana." Haruko.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt