Napanguso si Hanamichi na parang nadududa pa rin sa kinikilos ng tatlo.

"PATINGIN SABE EH..." nilapitan niya si Nishizaki at inagaw ang sinasabing libro.

"Whaaaaaahhh Sakuragi!" napasigaw si Nishizaki at pareho silang natumba sa sahig.

Nakapatong si Hanamichi sa kanya habang inaagaw pa rin yung libro.

"Akin na..."

"Hindi pwede!" Nishizaki

"Patingin sabe eh---"

"Hindi nga pwede!" sabi ni Nishizaki habang iniiwas yung libro.

Nadakma  ni Hanamichi yung libro at pareho na silang nakahawak dun.

"Woy kengkoy... May tinatago ka noh?" nakangising tanong ni Hanamichi.

"Wala nga sabe eh..." Nishizaki

"Kung wala patingin..."

"Gunggong ka talaga! Hindi nga pwede!" Nishizaki

"Akin na grrrrrrrrr..." hinila ni Hanamichi yung libro.

"Hindi grrrrrrrrrr..." pigil ni Nishizaki.

Dahil sa mas malakas si Hanamichi kaysa kay Nishizaki ay naagaw niya ang libro.

"Ayos!" natuwa si Hanamichi. "Matignan nga tong Manga..." Binuklat niya ang libro na nakangiti.

Nang mabuksan ni Hanamichi ang libro ay nawala ang ngiti niya at napalitan ng ningkit.

"I-Ito yung Manga?" tanong ni Hanamichi sa tatlo na hindi makapaniwala.

Nagsiiwas ng tingin yung Tatlong-others sa kanya.

Tinignan sila ni Hanamichi ng masama.

"Manga?... MANGA-SINUNGALING PALA KAYO EH! B0LD MAGAZINE TONG TINITINGNAN NIYO AHH---" Agad tinakpan ng tatlo ang bibig ni Hanamichi.

"Huyy sshh!" Nishizaki

"Masyado kang maingay..." Watanabe

"Gunggong ka talaga, hindi yan B0ld magazine. Hindi ba pwedeng Sexy magazine lang?" koreksiyon ni Daisho.

Inagaw ni Kiyota yung magazine kay Hanamichi.

"Hala kayo, tumitingin pala kayo ng ganito?... Hindi halata sa mga hitsura niyo ah? NYAHAHAHAHA!" humalakhak siya ng malakas.

Namula si Nishizaki at kinuha ulit ang magazine at mabilis na itinago sa bag.

"Kung ganun sayo pala yun?" Kiyota

"Wag ka na lang maingay, pampalipas oras ko lang yun." sagot ni Nishizaki.

Napatingin silang lahat sa pinto nang may pumito ng malakas.

"PRRRRRRRRRRTTTTTTTTT!!!"

"KAYONG LIMA! ANG TAGAL NIYO! LUMABAS NA NGA KAYO!" Masungit na sigaw ni Mari.

"Hehehe Mari..." nakangiting sagot ni Daisho.

"Papunta na Mari..." Watanabe

"Wait lang Mari ko..." Nishizaki

At sabay silang tatlo nagsitakbuhan palapit kay Mari. Napanguso ulit si Hanamichi.

"Pambihira tong Tatlong-others na'to..."

Sa labas ng gymnasuim, kunting estudyante na lang ang natitira dahil ang iba ay umuwi na. Si Haruko at ang apat na ungas ay magkasamang nakatayo sa labas ng gymnasium. Si Fujima at Mari naman ay magkatabing nakatayo  Sina Sendoh, Fukuda, Ikegami, Jin, Maki at Hanagata naman ay naiwan sa loob na nag eensayo.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon