"Ahmm... A-ah ano... W-wala ka bang assignment?" panimula ko.

Ano ba tong bibig ko! Bakit ganito?! Ampanget ng tanong ko!

"Meron, Sakuragi. Eh ikaw?"

"Ahehehehe meron din. Essay." sagot ko.

"Essay? Sa History subject ba yan?"

"ah... Oo."

"Pareho lang pala tayo ng assignment eh... Akin na lang yan at ako nang sasagot." namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"H-Ha? Naku, Haruko wag na. Kayang-kaya ko atang sagutin ang Essay na ito. Essay is Easy para sa Henyong ito NYAHAHAHAHA---" naputol yung tawa ko nang magsalita ulit siya.

"Alam kong napagod ka sa kakaensayo, Sakuragi. Kaya para hindi madagdagan ang pagod mo, ako na lang ang bahala sa assignment mo." ngumiti siya sakin.

Napangiti ako sa isip ko.

Ang swerte ko naman... Bihira ka lang na makakakita ng babaeng katulad ni Haruko. Kyut na, mabait pa.

Kaya nga mahal na mahal ko'to eh...

Siya ang buhay koooooooooooooo...

Sapat na yung tatlong taong pananahimik ko sa nararamdaman ko para sa kanya, siguro pagkakataon ko na'to para magtapat na sa kanya.

"Ah... Haruko. May tanong ako..."

"Ano, Sakuragi?"

"A-ano... G-gusto mo parin ba si Rukawa?" tanong ko.

Halata sa mukha niya na medyong pagkagulat. Umiwas siya ng tingin sakin.

Awts! So totoong may gusto pa siya kay Rukawa?

Hahahahaha I'm alright mga Pardz!

"Oo..." Siya

WHAAAAAAAAHHH AYOKO NA! ANSAKET NA MGA PREHHH!

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mga luha ko.

Biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Daisho.

Daisho, parekoy! Naiintindihan ko na ang nararamdaman mo, hindi pala biro ang ganito.

Ang saket saket RORRRRR!

"... Oo, totoong nagkagusto ako kay Rukawa..." sagot niya ulit.

Awts! Awts! Awts!

Ang saket na! Parang mahihimatay na ako... Sa mismong harapan ko pa niya narinig ang mga katagang yun!

"Pero..."

"Huh?" ako

"... Pero, hanggang dun lang yun, Sakuragi. Ang galing kasi ni Rukawa at ang gwapo pa kaya walang babae ang hindi napapahanga sa kanya, at narealize kong Love Poison lang pala yun..." tumingin siya sakin at ngumiti.

"H-Haruko..."

"... Kasali na ako sa humahanga sa kanya. Pero alam mo ba kung kanino ako mas napapahanga?... Sayo, Sakuragi." ngumiti siya sakin.

Parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko dahil dun.

Ayieeeeeee kinikilig ang henyo niyo!

"Sayo ako humahanga ng sobra at isa ka sa mga taong malapit sa buhay ko..."

"T-talaga, Haruko?" tanong ko

Pakiramdam ko tuloy uminit yung mukha ko. Awiitttt

"Oo, kaya ipinapangako ko sa sarili ko na aalagaan kita ng mabuti dito. Kahit wala sina kuya pati ang dating first-five ng Shohoku atleast nandito ako para sayo." kumabog ng malakas ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko gamit ang maliliit niyang kamay.

Ang sweet niya, pwede na ba akong sumakabilang buhay?

"H-haruko..." tanging sambit ko

"Hindi kita pababayaan, Hanamichi. Nandito lang ako sa tabi mo." Haruko

AaaAAAaaaAcccccccckkk halos mabibingi na ako sa lakas ng kabog ng puso ko na tumatambol na tila nagsasaya sa loob ko.

Di ko na kayang pigilan pa to.

"Haruko!---- G--G-G-GUSTO KITA! MATAGAL NA!" Direktang sabi ko at agad napatakip ng bibig ko.

Nabigla siya.

Tila naging tahimik ang buong paligid dahil sa natahimik siya sa sinabi ko.

"..." siya

"Haruko..." nag-aalangan akong tumingin sa kanya.

Ang bigla niyang mukha ay...

Napalitan ng ngiti.

S-Si Haruko Akagi ngumiti sa sinabi ko?

"Matagal ko nang napapansin yun, Hanamichi..." nakangiting sagot niya.

"A-ahhehehe a-anong ibig mong sabihin?"

Ano ba yan! Nakakabakla naman to! Nakakahiya!

Parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok.

Kalma lang, Hanamichi! Kalma lang!

"Ang totoo... Matagal na din kitang gusto."

(O_O)

Parang sasabog na ang mukha ko sa init...

Nakakakilig...

Parang tatakbo palabas sa loob ko yung puso ko...

Pwede na akong sumakabilang buhay...

*BLAG!*

"Hah! Hanamichi!" rinig kong boses ni Haruko hanggang sa tuluyang pumikit ang mga mata ko.

Nakakamatay ang pag-ibig ko sayo Haruko Akagi.

[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam Dunk.]

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now