CHAPTER 29: Tokyo Vs. Osaka

Start from the beginning
                                    

"Ayos, libre ako..." Nagjumpshot si Kiyota.

Pero sumulpot si Kentaru mula sa likuran niya at pinalpal ang bola.

"Waaaaahhhhh!" Kiyota

Pagkatalbog ng bola nakuha ito ni Gyoku na pinagpapawisan na yung ibang pawis nito ay tumutulo na sa sahig.

Malaki at malakas si Gyoku pero mahina ang stamina nito.

Tumalon agad si Gyoku para magdunk ulit.

"DUUNNNKKKKK!!..."

"BIGOTILYOOOO!!!" sigaw ni Hanamichi habang tumatakbo palapit sa kinaroroonan ni Gyoku.

Pagkarating ni Hanamichi nadulas ang isang paa niya sa pawis ni Gyoku at nawalan siya ng balanse kaya napahawak siya sa jersey short ni Gyoku.

"Waaaaaahhhh..." Hanamichi

Pero natumba parin siya kasama niya si Gyoku.

(Pumito!...)

"ILLEGAL HAND USE! BLACK NO. 10! BASKET COUNTED! FREE THROW!" Sigaw ng Referee.

Namula ang Referee nang makita niya ang kondisyon ni Gyoku...

"Ehh?"

"EEEEEHHHHH???" Mga tao

"Jusko itong nakikita ko..." wika ni Fujii agad naman tinakpan ni Mito ang mga mata niya.

Napangiwi si Coach Ogata sa nakikita niya...

"Santisimarimar..." Coach Ogata

"Coach... Y-yung pwet ni G-gyoku..."

Agad napatayo si Sendoh, Maki at Fujima para takpan ang mga mata ni Mari na nakatitig sa insidente.

"Wag mong titigan, sumpa yan!" praning na sabi ni Sendoh

"Pumikit ka lang..." Maki

"Ayaw naming mabahiran ng dumi ang mga mata mo." Fujima

"Mas malaswa pa to kaysa sa inaasahan ko." Jin

Sa pangkat nina Hanamichi ay napanganga sila.

"Ang puti ng pwet niya ahh infairness..." natatawang bulong ni Daisho.

Napabangon si Hanamichi at napatingin siya sa telang hawak niya.

"Ehh?"

Tiningnan niya si Gyoku...

"(O_O)... Amputi ahh..." Hanamichi

"TUMIGIL KA!" bulyaw ni Gyoku at agad sinuot pabalik ang jersey short niya.

"Whaaaaaahhh gohrl nakakahiya yun ah..."

"Pambihira... Posible pala na may mangyayaring ganito?...."

"Antaba ng pwet niya hihihi..."

Namumulang napayuko si Gyoku dahil sa hiya...

"A-ahh... Gawin mo na yung Free throw..." sabi ng Referee at inabot nito ang bola.

Nahihiyang tinanggap yun ni Gyoku at pumunta sa Free Throw Line.

Nakabungisngis paring bumalik sa pwesto si Hanamichi at napaisip...

"Pambihira mas maputi ang pwet niya kaysa kay Gori. Hindi tulad kay Gori na nandidilim ang awra NYAHAHAHAHA..." Mahinang sabi ni Hanamichi habang pinipigilan ang tawa.

Hindi na inintindi ni Gyoku ang kahihiyang nangyari sa kanya at pinatalbog na nito ang bola.

Napabalik sa wisyo si Hanamichi...

"Pwehhh sa hitsura niyang yan... Hindi yan makakashoot." Hanamichi

*SHOOT!"

"WHAAAAAATTTSSSS???" Hanamichi

Binigay ulit kay Gyoku ang bola.

"Pambihira..." pinaglapit ni Hanamichi ang kamay niya... "Sablay~ sablay~ hari ng gubat sablay!..." dasal ni Hanamichi.

"Psst..." Sitsit ni Kiyota
"Aning ginagawa mo, Unggoy?"

"Nagdadasal na sumablay siya..." sagot ni Hanamichi

"Ay ganun? Tara sasabayan kita prehh..." Kiyota

At ginaya niya si Hanamichi.

"Sumablay kang, Engkanto ka~" dasal din ni Kiyota

"Ehh... Engkanto?" tanong ni Hanamichi

"totoo namang mukha siyang Engkanto eh..." Kiyota

"Nyahahaha Ay layk it!" tawa ni Hanamichi at sinasabayan si Kiyota.

"Sumablay kang Engkanto ka~

Sumablay kang Engkanto ka~

Sumablay kang Engkanto ka~

Sumablay kang Engkanto ka~..." Hanamichi/Kiyota

Sa nakabangkong player ng Tokyo napakunot ng noo si Hanagata.

"Anong ginagawa ng dalawang yun?"

"Naghahame-hame web ba yan sila?" Sendoh

"Mukhang nagriritual sila na sumablay ang 2nd free throw ni Gyoku... Mga Demonyo talaga." Jin

"Sumablay kang Engkanto ka~

Sumablay kang Engkanto ka~

Sumablay kang Engkanto ka~..." Hanamichi/Kiyota

[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam dunk.]

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now