CHAPTER 26: Tokyo Vs. Osaka

Start from the beginning
                                    

*DUNK!*

Pagbagsak ni Hanamichi sa sahig...

*BLAG!*

(PUMITO!...)

"OFFENSIVE FOUL! BLACK NO.10! BASKET COUNTED!" Referee

Naghiyawan ang mga tao.

"AYOS!!!

ANG GALING MO PULANG BUHOK!!

NICE DUNK NO.10!"

"ANG GALING MO, SAKURAGI!" Masayang cheer ni Haruko.

"Hahaha nakapuntos na naman siya ulit pero foul naman." natatawang sabi ni Mito.

"Ayos lang yun, isa pa lang naman." Haruko

Tiningnan ng masama ni Miyojun si Hanamichi na nakapatong sa kaniya.

"Umalis ka dyan!" singhal niya kay Hanamichi.

Agad namang umalis si Hanamichi saka ito nagsabi ng...

"Ano buang? Masakit ba?" nakangising tanong ni Hanamichi.

"Ikaw... Arrghhhhh---"

"So kwits na tayo? Sige dyan ka na kaawa-awang nilalang NYAHAHAHA!" humalakhak ng malakas si Hanamichi at nakipag apiran kay Watanabe.

"Ang yabang mo ah..." mahinag wika ni Miyojun sa sarili niya habang nakahawak sa tagiliran niya dahil sa ginawa ni Hanamichi... "Bwesit ka talaga..."

Sa nakabangkong player ng Tokyo ay napahilot sa sentido si Fujima.

"Hayyy nako... Ang harass niya talaga maglaro." wika ni Fujima

"Wag ka nang magulat, si Sakuragi yan eh." Hanagata.

*Dribbling...*

"OKAY TEAM! TAYO NA NAMAN GAGAWA NG PUNTOS!" sigaw Ni Kentaru habang nagdidribol ng palakad. "WAG NIYO SILANG HAYAANG---"

"ang daldal mo!" agad na inagaw ni Watanabe sa kanya ang bola.

"ABA! ANG BILIS TALAGA NG NO. 13 OH!!"

Mabilis na nagdribol si watanabe sa half-court. Agad niyang ipinasa ang bola kay Nishizaki na nasa 3-point area. Pagkasalo ni Nishizaki ay nagjumpshot ito.

*SHOOT!*

Naghiyawan na naman ang mga manonood.

Pagkashoot kinuha ng taga Osaka ang bola para sila na naman ulit ang gagawa ng opensa. Na kay Kentaru Miyojun ang bola. at nagdribol ito pabalik sa area nila.

*dribbling...*

"Hayato!" sigaw ni Miyojun at ipinasa ang bola.

Natanggap yun ni Hayato kaya siya na naman ang opensiba.

"Hindi ka makakalusot, prehh..." nakangising sabi ni Kiyota.

"Wag kang mayabang..."

"Hindi ako mayabang prehh, sadyang mas magaling ako kaysa sayo prehh!"

"Ang yabang talaga... RAITO!" hinagis niya paitaas ang bola.

Nakita yun ni Raito at tumalon siya ng mataas.

Napatingin si Kiyota na nasa ere at mabilia niya itong hinabol.

"Arrghh..." hinihintay ni Raito na makalapit sa kanya ang bola.

"FIREEEE DA HOLEEEEEE!!!" sigaw ni Kiyota at binangga si Raito.

*BLAG!*

Napatayo ang mga nakabangkong player ng Tokyo at Osaka.

"Pambihira!"

"Ang lakas ng banggaan nila ah?!"

(Pumito!...)

"FLAGRANT FOUL, BLACK NO.11!" Referee.

Nakangising itinaas ni Kiyota ang kamay niya.

Napahawak sa ulo si Maki... "Kiyota anong ginagawa mo..."

"Bakit nakadalawang foul na si Kiyota? Iba na anh laro niya ngayon di tulad noon na halos wala siyang foul sa tuwing may matches tayo sa Kainan." napawika si Jin.

Napacross-arm na lang si Maki at tiningnan si Kiyota...

"Aray..." napadaing si Raito.

"Ayyy sori prehh, di ko sinasadya! Ikaw kase eh hindi umilag NYAHAHAHA!" mapang-asar na sabi ni Kiyota at naglakad papalayo.

Habang naglalakad pabalik si Kiyota napawika si Watanabe.

"Kiyota, bakit parang sinasadya mo ang magpafoul?" tanong ni Watanabe.

"trip ko lang prehh..." Kiyota

"OYY MATSING! NYAHAHAHAHA ang galing ahh nakaganti ka na dun sa dalawa?" nakangising tanong ni Hanamichi.

"NYAHAHAHA BUTI NGA SA KANILA YUN, MGA MANDARAYA KASE!... Sino na lang ang natitirang patumbahin natin?" nakangising tanong ni Kiyota.

"TIGILAN NIYO NGA YAN MGA BASAGULERO!" Suway sa kanila Ni Nishizaki.

"NYAHAHHAHAHA Hindi pa pwede prehhh may huli pa kaming isusunod..." Kiyota

Napangisi ng demonyo si Hanamichi sakaniya...

"Isusunod ko na si Morisuke!" Hanamichi

[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam dunk.]

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now