CHAPTER 26: Tokyo Vs. Osaka

Start from the beginning
                                    

Hinagis ni Kentaru ang bola kay Hayato.

Habang papalapit ang bola kay Hayato ay dumating si Kiyota para agawin ito.

"SAMIN YAN!!!!: sigaw ni Kiyota at marahas na inabot ang bola na patungo kay Hayato.

Nakuha ni Kiyota ang bola pero...

*BLAAG!*

(Pumito!...)

"FLAGRANT FOUL! BLACK NO. 11!" sigaw ng Referee na nakaturo kay Kiyota na nakadagan sa ibabaw sa nakadapang si Hayato.

Dahan-dahang bumangon si Kiyota at itinaas ang kamay saka tumayo.

Tumingin ang Referee sa kanya... "Sa susunod mag-iingat ka sa galaw mo, baka maka-injure ka ng kapwa mo player, Kiyota. Kaya Flagrant Foul ang ipinataw ko sayo."

"Ayos lang sakin Referee, kasalanan ko." sagot agad ni Kiyota.

Bumalik sa pwesto ang Referee.

Nang makalayo ang Referee ay nakangisi siyang napalingon kay Hayato na nahihirapang bumangon.

"Ano prehh? Ayos ka lang ba?" tanong ni Kiyota na may nakakalokong mukha.

Tiningnan siya ng masama ni Hayato...

"Grrrr... Sinadya mo yun pusakal noh?"

"Eh ano ngayon?"

"Sinasabi ko na nga ba---"

"Kasalanan niyo dahil kayo ang nauna... Kung makikipaglaro kayo ng patas samin edi sana maganda parin ang pakiramdam mo ngayon." makatwirang wika ni Kiyota at tinalikuran si Hayato.

Bago ito naglakad papalayo tumigil muna ito sandali...

"Iisa-isahin namin kayong apat..." dagdag nito at tuluyang naglakad papalayo.

Nag-aalalang nakatingin si Jin kay Kiyota na naglalakad patungo sa mga kasamahan nito.

"Maki... Flagrant foul yung ipinataw kay Kiyota, may galit ba siya sa Hayato'ng yun?" tanong ni Jin.

"kung meron man tigilan na niya, baka nakakalimutan niya nasa court sila." Maki

"paano pag humamon yun ng away?"

"Edi makakatikim siya ng malutong na batok sakin." Maki

"TOKYO! SA INYO PARIN ANG BOLA!" sigaw ng referee.

Binigay ni Kiyota ang bola kay Daisho.

"Ikaw muna ang bahala prehh..."

"Sige!"

Sinimulang patalbugin ni Daisho ang bola. Ang Osaka naman ay bumalik sa mga pwesto nila.

(Dribbling...)

Nagtinginan si Daisho at Watanabe saka nagsitanguan.
Gumawa ng mabilis at matulin na opensa si Daisho patungo sa Half-court. Nang makapasok si Watanabe sa loon ng inner lane ng ring ay agad ipinasa ni Daisho sakanya ang bola. Nasalo naman ito ni Watanabe.

Pagkatanggap ni Watanabe sa bola ay gumawa ito ng jumpshot.

Pero mabilis ding nakarating si Miyojun sa harapan niya at akmang tatamaan nito ang bola.

Medyo nagulat si Watanabe... "Siya na naman... Kaasar..."

"Hindi kita hahayaan!" wika ni Miyojun habang inaabot ang bola sa ere.

"TUMABI KA DYAAAAAN!"

Patakbong dumating si Hanamichi at tumalon sa gawi ni Miyojun.

Naabot ni Hanamichi ang bola at gumawa ng Alley-hoop.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now