Huminto kami nung mapark na ni dad yung sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tumalon na ako pagbaba.

"Wow! Dad, hindi niyo naman sinabi na talagang farm ito!" Namamangha kong sabi tapos tumawa lang siya. Sensya na, ngayon lang ako nakabisita sa ganito. Tapos dad ko pa may-ari. Totoo ba to? Hahaha.

"Let's go inside. Ipapakilala kita sa mga caretakers." Sumunod ako sa kaniya habang pinipicturan ko yung view. Sayang wala si mommy. Mas masaya sana.

Pumasok kami sa bahay na malaki na nandito rin sa farm. May pool pa sa labas.

"This is our resthouse!" Sabi ni dad pagbukas ng pinto. Okay, kanina pa ako nakanganga.

"Alex! Ngayon ka nalang ulit bumisita dito!" Salubong ng medyo may edad na babae kay dad.

"Manang Flor!" Excited na bati ni dad sa kaniya at niyakap siya. Mukhang close talaga sila.

"Anak mo ba ito?" Tanong ni manang Flor ng mapansin niya ako.

"Ah opo. Manang Flor, ito si Calli, my daughter. Calli, this is manang Flor, siya ang caretaker ng farm and parang nanay ko na rin." Pagpapakilala ni dad sa amin. Nagmano ako and ngumiti. Medyo nahihiya pa ako eh. Haha.

"Napakagandang bata. Kamukhang kamukha niyo ni Amara." Sabi niya kaya nagkatinginan kami ni dad.

"Uhh. Hindi po si Amara ang mama niya. Si Sam ho." Sabi ni dad at medyo may awkward silence.

"Ay! Ano po ba yung niluluto niyo? Naaamoy ko mula dito ah." Sabi ni dad para idivert yung attention ni manang.

"Tara dun sa kusina." Yaya ni manang sa amin.

"Calli, kain muna tayo ng lunch bago kita ilibot dito." Sabi ni dad kaya sumunod na ako sa kanila. Ang laki ng bahay. High ceiling. Tapos ang aliwalas dito sa loob dahil maraming bintana.

Pagpasok sa kusina, ang bango!!! Amoy adobo, tinola, sinigang. Halo halo. Hahahaha. Pero promise, ang bango talaga.

"Wow! Paborito ko itong mga to ah." Sabi ni dad at lumapit doon sa stove.

"Hep hep, mamaya. Malapit naman na itong maluto." Sabi ni manang. Nakakatuwa. Para silang magnanay.

Umupo ako sa bar stool dito sa kitchen counter. Nagugutom na rin ako kasi ang sarap nung niluluto. Hahahaha.

"Nasaan po pala si mang Nestor?" Tanong ni dad. Asawa siguro ni manang yun.

"Nandoon at namimili sa palengke. Maya maya uuwi na rin yun." Sabi niya.

"Ilang tao ka na hija?" Tanong ni manang sa akin habang naglalagay ng ulam sa mangkok.

"16 po." Sagot ko.

"Hahaha. Nung ganyan ang edad ni Alex, napakahilig niyan mangabayo dyan sa labas. Uuwi yan dito na putikan ang damit." Kwento ni manang. Tumingin naman ako kay dad at natatawa siya.

"Hahahaha. Talaga po?"

"Oo, kapag bakasyon lang. Kasi kapag ganoong panahon lang siya nakakabisita dito." Pagpapatuloy ni manang. Tumalon ako para makababa sa bar stool kasi ihahanda na yung food and gutom na me.

"Kumain na tayo." Yaya ni manang sa amin. Yeheyyyy kainan na!!!

~~~~~

Alex's POV

Kakatapos lang namin kumain and nililibot ko si Calli dito sa front part ng farm. Malawak kasi kaya dito muna.

"Iyan, dati puro bulaklak dyan pero nilipat na dun yung flower field para gawin itong entrance." Pagkukwento ko kay Calli. Tumatango tango siya and kanina pa niya pinipicturan yung paligid. Nakailang selfie na nga kami eh. Hahaha.

Sa Bawat ArawOnde histórias criam vida. Descubra agora