CHAPTER 21/1: Tokyo Vs. Osaka

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ikaw bahala..." Kiyota

"Hanamichi Sakuragi... Gugupitan na kita." Zakusa

"ikaw na ang bahala Zakusa!" Hanamichi

***

Sa loob ng gymnasium, hindi maipagkakaila na maraming manonood ang umaabang. Mga manonood na nagmula sa iba ibang Prefectures.

Ang laban ng Osaka University o ang Osaka Evessa at ang Tokyo International University o ang Tokyo Black Samuraiz. Top 2 sa All-out Japan Basketball Team ang Tokyo Black Samuraiz kaya maraming mga tao ang manonood. Meron ding mga Press ang nakaupo sa gilid para panoorin ang laro para may maisulat sila sa weekly basketball magazine.

"Aba! Mas lalo atang dumami ang tao kaysa kanina?" tanong ni Mito.

"Oo nga noh? First match to ng Tokyo tama?" Takamiya

"Oo, kaya kaabang-abang talaga ang mangyayari dahil ang Top 2 great team at ang Osaka Evessa ang maglalaban ngayon!" sagot ni Haruko.

"Excited na ako, gusto ko nang makita si Hanamichi na maglaro..." Fujii

"Ako rin, sina hindi yun gagawa ng karumihan..." Mutsui

"Hindi yun mangyayari kay, Sakuragi. Nag-ensayo yun ng magdamag kaya--- Hala Oo nga pala! Magdamag pala siyang Nag-ensayo simula pa kahapon, hating-gabi at madaling araw!..." biglang may namumuong pag-aalala sa mukha ni Haruko at ganun din ang apat na ungas.

"Oo nga pala, Tama. Kung magdamagang nag-ensayo si Hanamichi, panigurado aantuhikin yun!" Mito

"Pambihira naman, hindi man lang siya nakatulog kahit kunti!" Takamiya

"Sos! Wag nga kayong mag-alala dun... Malakas ang stamina nun." Ohkusu

"Hahaha oo nga, si Hanamichi pa!" Noma

Napatigil sila sa kanilang usapan nang tumunog ang time buzz ng court, sabay namang bumukas ang malalaking pinto na nasa magkabilang gilid at doon nagsilabasan na ang mga manlalaro para sa araw na ito.

"Ayan na sila, lumabas na rin!" Okhusu

Nang makalabas ang nga manlalaro ng bawat kupunan, nagkaroon ng mga bulungan mula sa manonood.

"Teka... Yan na ba ang Tokyo Black Samuraiz?"

"Oo, mukhang yan na nga!"

"Ang lalakas ng dating nila!"

"Pero sorry sila dahil dito hineld sa Osaka ang game, kaya maraming suporta ang Team ng lugar natin."

"may punto ka."

Merong Sampung Players ang Osaka Evessa at Labing-dalawa naman sa Tokyo pero Sampu lang din ang lumabas dahil naiwan pa si Hanamichi at Kiyota sa locker room.

Nakangising nakatingin ang Captain ng Osaka sa Captain ng Tokyo.

Napatingin si Maki sa kanya na walang bahid na emosyon. Napahakhak sa isipan ang Captain ng Osaka...

"Shinichi Maki... Ang Star Player ng Kanagawa at ang Team Captain ng Tokyo." wika ng Captain ng Osaka.

(Pumito...)

Pumunta na sa kani-kanilang bench ang parehong kuponan. Si Mari nakaupo at kasunod nito sa upuan si Fujima.

Pabalik-balik ang tingin ni Fujima sa pinto kung nandyan na ba sina Hanamichi at Kiyota.

Lumapit ang mga player kay Fujima.

"Coach, anong line-up ang gagamitin natin?" tanong ni Sendoh kay Fujima.

Napatingin si Fujima sa kabilang Team. Nakita niya kasali sa first five ang Team Captain nito.

"Mari, sino yung number 4 ng Osaka?" tanong ni Fujima sa nakaupong si Mari.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon