"si Mitchi?... Bakit? Ano bang sinabi niya?" takang tanong ni Hanamichi.

"Sakuragi... Makinig ka, sinadya ni Mitsui ang lahat para sayo. Pinasok ka niya dito para makasama mo kami sa iisang Team,. Lalo na't si Sendoh, Maki at ako ang makakasama mo..." Fujima

"At ano naman ang kinalaman ko dun?" Curious na tanong ni Hanamichi.

Napangiti si Fujima sa tanong niya... "Dahil..."

"Dahil ano?" Hanamichi

"Dahil... Kami ang gagabay sayo para matupad mo ang pangarap mo na maging pinakamagaling na player sa buong Japan." nakangiting sagot ni Fujima.

Nagulat si Hanamichi sa mga winika ni Fujima.

"F-Fujiboo..."

"Malaki ang tiwala ni Hisashi Mitsui sayo, Sakuragi. Alam niyang kayang-kaya mong higitan ang mga pinakamagagaling na players sa buong sulok ng Japan... Lalo na kay Rukawa." Fujima

Napayukom si Hanamichi sa kamay niya at tumingin sa kawalan...

"Hindi ko bibiguin si Mitchi! Pangako yan!" kumpyansang sabi ni Hanamichi.

"Bago yan mangyari, kailangan mong magtraining kasama namin para madagdagan ang abilidad mo." Fujima

Tumingin ng seryoso si Hanamichi sa kaniya... "Kakayanin ko kahit gaanong kahirap na training, matupad lang ang pangarap ko at para hindi ko mabigo si Mitchi." seryosong wika niya.

Pero mabilis nagbago ang mood niya... "Sabe ko na nga ba't idol niya ang Henyong basketbolistang katulad ko! Idol niya ang Henyong si Hanamichi Sakuragi! NYAHAHAHAHA KAWAWA NAMAN SI RUKAWA! BWAHAHAHAHAHA!" napahalakhak si Hanamichi.

***

Ilang oras ang lumipas ang lahat ay nagpapahinga muna sandali dahil sa matinding training nila lalong-lalo na si Kiyota.

"Whaaaaaahhh grabe yung training mo sakin preehh!..." habol hininga nyang sabi sa nakaupong si Maki.

"Kailangan mo ang matinding pagsasanay, Kiyota." Simpleng sagot ni Maki at uminom ng tubig.

"Akala ko ba gusto mo maging number 1 Rookie?" tanong ni Jin.

"Yan ang goal ko..." Kiyota

"Edi wag kang magreklamo kung mahirap ang training mo!" inirapan siya ni Jin.

"Hwaaaahh ang sama mo na sakin, Jin!" Kiyota

"Ang arte mo kase..." Jin

"Hahaha galit na naman ang Mama mo, Kiyota." natatawang sabi ni Sendoh habang sumisipsip ng sliced lemon. "Mabuti na lang at mabait ang Papa mo..."

"Kalma lang, Jin. Hindi ka na nasanay kay Kiyota." Mahinahong sabi ni Maki.

"Siya kasi Maki eh,... Hayss..." Jin

"Tumigil ka dyan, Sendoh..." masungit na sabi ni Kiyota.

Tumayo si Fujima at lumapit sa gawi nila. Napatingin naman silang lahat kay Fujima.

"Makinig kayong lahat... Sa makalawa na magsisimula ang Prefectural Elimination College Matches, kaya huling araw na natin bukas para magtraining. Kaya sa sipagin at pursigihin niyong lahat ang pagtatraining, huwag kayong bumuo ng kumpyansa sa sarili niyo dahil hindi natin malalaman kung gaano kagaling at kalakas ang makakalaban natin sa makalawa. Nasa Osaka Evessa o Nishinomiya Storks ang makalaban natin kung alin man ang mananalo sa laban nila. Tandaan niyo, COLLEGE MATCHES na ito at hindi na High School game, sa mundo ng College... Seryoso na ang lahat ng bagay. At isa pa... Tayo ang Top 2 Great College Basketball League kaya gawin niyo ang.lahat sa bawat laban na magiging TOP 1 tayo sa buong Japan. Pahalagahan niyo ang pagsasanay niyo dahil---" napatigil si Fujima sa pangangaral niya at tiningnan niya si Sendoh.

"Nakikinig kaba sakin, Sendoh?" tanong ni Fujima

Naluwa ni Sendoh ang lemon dahil sa bigla, napatingin siya kay Fujima na parang naiinis...

"Ayy... Sorry, Coach! Nakikinig naman ako sa sinasabi mo kaya lang masarap talaga yung lemon." mahinang tumawa si Sendoh at napakamot sa batok niya. "Bakit ako lang ang tinatanong mo, Coach? Paano yang si Hanamichi?"

Tinuro ni Sendoh si Hanamichi na natutulog.

Napahawak sa sentido si Fujima, agad namang lumapit si Hanagata sa kanya at hinagod ang likod.

"Kalma lang, Fujima." pagpapakalma ni Hanagata.

"Uyy Hanamichi! Yung Mommy mo magwawala na!" tinapunan ni Sendoh si Hanamichi ng mineral bottle.

Nagising si Hanamichi sa sakit at napatingin ng masama kay Sendoh... "Aray! Problema mo Akira Sendoh?!" tumayo si Hanamichi at inis na lumapit sa kaniya.

Napatawa lang si Sendoh.

"Yung Mommy mo, magagalit na dahil hindi ka nakikinig. Mabuti na lang at pinapakalma ng Daddy mo." Sendoh

"Mommeh, Daddeh mo yang mukha mo! Wala na akong ganun!" Hanamichi

"Uyy easy ka lang, binibiro lang eh..." Sendoh

Napabuntong hininga na lang si Fujima.

"Sige na, Mag-ensayo na kayo." tumayo ang lahat sa sinabi ni Fujima at pumunta sa Court.

"Maliban sa inyo, Maki at Sendoh..." napatigil ang dalawa sa paglalakad.

"Huh?" Sendoh

"Bakit, Fujima?" tanong ni Maki.

Lumapit muna si Fujima sa court... "OKAY, 3 ON 3! 3 FIRST YEAR AT 3 SEMPAI!... Hanagata, sumali ka sa kanila dahil dalawa lang si Jin at Fukuda. Ikegami, ikaw ang Referee!j sabi ni Fujima sa kanila. Tumango silang lahat at nagsimula na sila.

(Pumito...)

"OKAY! SIMULAN NA!" sigaw ni Ikegami at hinagis na ang bola sa ere para sa Jump ball.

Habang nag-eensayo sila. naiwan ang apat sa gilid na sina Maki, Sendoh, Fujima at Sakuragi. Nagtataka parin si Maki at Sendoh kung bakit hindi sila pinapalaro ni Fujima.

"Bakit pala?" Sendoh

Tumingin si Fujima sa kanya.

"Sendoh, Maki... Tayong tatlo..." Putol ni Fujima

"Ano?" Maki

"Tayong tatlo... Magtatraining kay Sakuragi." Fujima

"huh?" Sendoh

"..." Maki

"HA!!" Hanamichi

"Oo, tama ang narinig niyo." lumapit si Fujima kay Hanamichi.

"Si Sakuragi ang magiging Key Player natin sa Team. Nasa katangian na niya ang pagiging mabilis, malakas at mataas na talon. Kaya tutulungan natin siya na maenhance ang skills niya." paliwanag ni Fujima sa kanila.

Ngumiti naman si Hanamichi... "Mwehehehe ako pala ang Key Player? Ang galing ko talaga!"

"Tama ka, Fujima. Nasa isip ko na rin na personal kong sasanayin yang si Sakuragi, kaya lang si Kiyota lumalapit sakin." Maki

"Ayos lang sakin, kung gusto ni Hanamichi." ngumiti si Sendoh

"Pweehh baka naman tuturuan mo akong mambabae?"

"Uyy grabe ka hindi ako ganun..." Sendoh

"Ano, Sakuragi? Payag ka bang kami ang kasama mo sa Training mo?" Fujima

"Aba! Oo naman, Fujiboo! Payag na payag ako!" ngumisi si Hanamichi sa kanila.

"Kung ganun, sumasang-ayon na rin ako. Ako ang mag-eenhance sa Defense Ability mo." Maki

"Ako naman sa Offense Ability." Sendoh

Tinap ni Fujima ang balikat ni Hanamichi...

"Marami na akong nabasa sa record mo, Sakuragi. Rebound, Lay-up Shot, jump shot at dunk... Maliban sa isa na niisa hindi mo pa nagagawa simula nung high school ka palang..." Wika ni Fujima

"Anong isa?" takang tanong ni Hanamichi

"Ang 3-Point Shot..." Fujima

[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam dunk.]

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now