Pareho silang umaasa na malayo ang mararating ni Hanamichi Sakuragi sa mundo ng Basketball, nakakasiguro sila na maraming Foundation or Association ang pag-aagawan siya kung sakaling mas ma-enhance pa ang skills nito sa Basketball.

Hanggang sa natapos na ang First-Half, nagtapos ito na may 31 Points para sa Kanagawa Team at 68 Points para sa Tokyo Team.

Mas lalo nang ginaganahan maglaro si Hanamichi dahil lumalabas na ang abilidad niya sa paglalaro. Napangiti na lang ang mga player ng Kanagawa Team habang nakatingin sa gawi nila.

"Tunay nga silang Top 2 College basketball Team sa Japan." Yasuda

"Oo nga, ang lalakas talaga nila." Uekusa

"Tama ka, kaya imposible talaga na matatalo natin sila." Koshino

"Pero si Sakuragi talaga..." Muto

"Kontrolado niya ang laro dahil sa Rebound niya." Takasago

"Wag na kayong magtaka, si Sakuragi yan eh." Kakuta

"Kapag si Sakuragi na ang nagpasikat, magugulat na lang tayo sa mga bagong galaw niya." Shozaki

"Hayss iba talaga pag laking gubat." Napabuntong hininga na lang si Koshino.

Nagsitawanan naman sila.

"WHAHAHAHAHA!!!" Sila

"ANONG TINAWA-TAWA NYO DYAN?!!" Sigaw ni Hanamichi sa kanila.

Mas lalo silang natawa...

"HOY TOKYO!!" Sigaw ni Koshino na ikinatingin nila.

"Ano?" Sendoh

"Bakit hindi tayo mag-inuman pagkatapos natin maglaro?" Anyaya ni Koshino

"Inuman?" Hanamichi

"Oo." Uekusa

"Sige ba, basta sa inyo ang pulutan?" Nishizaki

"Walang problema." Muto

"Edi sige... Payts!" Watanabe

(Pumito...)

"Mukhang magsasaya kayo mamaya... Walang change player na mangyayari, eenjoy niyo na lang ang laro kasama sila." Ngumiti si Coach Mifune sa kanila.

"Opo, Coach! Minsan lang kami magkaaanyahan lalo na kay Sendoh." Uekusa

"I-eenjoy na lang namin ang laro." Takasago

Ngumiti si Coach Mifune sa kanila at naglakad na sila papasok sa court.

Parehong naglaro ang magkabilang team na nagkakatuwaan. Pero kahit na ganun ay pumapanig pa rin ang laro sa Team nina Hanamichi.

Sa tuwing nakukuha ni Hanamichi ang rebound ay agad niya itong ipinapasa kay Kiyota.

Kiyota naman ay gumagawa ng opensa katulad ng estilo ni Maki na walang player ang makakaagaw ng bola mula sa kanya.

Si Watanabe naman ang namumuno sa Passing,

Si Nishizaki naman ang pumupuntos sa 3 point shot,

At si Daisho naman ang sumusuporta sa Shot Line ni Nishizaki sa tuwing pinipigilan ito ni Takasago.

Hanggang sa natapos ang 2nd half, 64 para sa Team Kanagawa at 118 sa Team Tokyo.

Pagkatapos nilang maglaro, pareho silang nagkamayan sa isat-isa. Patunay na pareho nilang nirerespeto ang laro sa kung ano man ang naging resulta nito.

"MARAMING SALAMAT SA LARO!" Sabay-sabay nilang sabi at yumuko sa isat-isa.

Nagsipalakpakan naman ang mga manonood sa gymnasium.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon