Mabilis ding nag man to man defense ang Team Tokyo, si Watanabe agad ang dumepensa kay Uekusa.

Nagtinginan ang dalawa ng mata sa mata na animoy binabasa ang susunod na galaw nito.

Napaismid si Eukusa at ginaya niya ang ginawa ni Watanabe kay Yasuda na palusutin ang bola sa ibaba...

Pero...

Mabilis na umikot si Watanabe at naagaw nito ang bola saka mabilis na ipinasa kay Nishizaki.

Napasinghap ang mga manonood dahil dun pati na Uekusa.

"Imposible!" Uekusa

"Ang lakas ng loob mo para makipagtitigan sakin, para sabihin ko sayo... Hindi ako ordinaryong Point Guard tulad ng inaakala mo." Watanabe

"A-ang yabang mo..." Inis na sabi ni Uekusa.

"PAMBIHIRA! ANG BILIS NI WATANABE!" Gulat na sabi ni Takamiya.

"Oo nga, parang alam na alam nya ang bawat galaw ng kalaban." Ohkusu

"Pero kahit na ganyan siya kabilis, natalo pa rin siya ni Sendoh nung pratice match nila." Noma

"Ang galing niya... Parang hindi siya ordinaryong manlalaro ng basketball ball." Mito

Nagdribol ng mabilis si Nishizaki hanggang sa nakarating ito sa area nila. Ipinasa niya ulit ang bola kay Kiyota na nasa Shooting Guard Area. Nasalo ni Kiyota ang bola pero nasa harapan niya agad si Koshino na nakangisi.

"Hindi na kayo makakulit, gunggong." Koshino

"Tumigil ka!" Masungit na sabi ni Kiyota at pinasa niya ang bola pabalik kay Nishizaki pero naagaw yun ni Yasuda na nasa likuran niya.

"Huli ka!" Yasuda

"ANG GALING MO, YASUDA!!" Sigaw ng mga nakabangkong player ng Kanagawa Alphas

"Ang galing ni Yasuda!" Tuwang sabi ni Haruko.

"FAST BREAK!" Sigaw ni Yasuda sa Team niya at mabilis na nagdribol pabalik sa area nila.

Nang makapasok si Yasuda sa Area nila, nagulat ang lahat dahil naagaw ulit yun ni Watanabe.

"PAMBIHIRA! PAANO NAKARATING AGAD YUNG NUMBER 13 NG TOKYO!" Sigaw ng mga manonood.

"IBANG KLASE! ANG GALING NYA!"

"Coach Mifune... Yung number 13 ng Tokyo. Ibang klase maglaro." Sabi ni Sugadaira.

"Kilala ko siya..." Coach Mifune

"Po?" Sugadaira

"Si Azuhe Watanabe, Daisho Lyovochka at Yuu Nishizaki... Ayon sa mga nabasa kong sports magazine ng basketball, silang tatlo ay sumasailalim sa Training ng Japan Basketball Association na 'Nissin'." Sagot ni Coach Mifune na ikinagulat ni Sugadaira.

"A-ano po? K-kung ganun..." Sugadaira

*Shoot!*

"AYOS!" Sigaw ni Nishizaki sabay apir kay Daisho at Watanabe

"Ang galing, 3 points!" Kiyota

"Oo... hindi sila mga ordinaryong manlalaro lamang, kaya hindi nakapagtataka o nakakagulat kung matatalo nila ang Team natin." Coach Mifune

"Coach..." Sugadaira

"Mas lalo pa sila naging malakas dahil kasali sa first five nila ang Ace Player ng Kainan na si Kiyota at ang Ace Player ng Shohoku na may pulang buhok..." Coach Mifune

"Si Sakuragi." Sugadaira

Nagpatuloy sila sa kanilang pinag-usapan hanggang sa ang oras ay naging 15 Minutes na lang. Limang minuto pa lang ang lumipas ang score ng Kanagawa Alphas ay nasa '6 points' at ang Tokyo Black Samuraiz naman ay nasa '27 points na'.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now