"Grrrrrrr mga ungas!" Sigaw ko sa kanila

"Eeehhhhh Hanamichi!" Awat ni Mito sakin.

"Oh siya, tama na yang laro. Tayo na." Sabi ni Fujima samin.

"Oo!" Sila

Nakita kong may bitbit na itim na bag si Haruko at mukhang mabigat tingnan.

"H-Haruko... Ako nang madadala sa gamit mo." Sabi ko at hinawakan ko yung itim na bag.

"Ha? Talaga?" Haruko

"Oo, sige na ako nang magdadala. Ayoko ko kasing nakikita kitang kargado ang dala." Sagot ko.

"Sos, ang sabihin mo chumachansing ka kay Haruko, Hanamichi." Agad kong hineadbutt si Mito.

*boogsh!*

"Ako nang magdadala para sayo, Haruko." Sabi ko at inagaw yung itim na bag sa kanya.

"Salamat, Sakuragi." Ngumiti si Haruko sakin.

Ang kyut nya talaga...

Si Haruko...

Siya ang buhay ko!

*** Tokyo Train Station ***

("Maari na kayong sumakay mga pasahero ng Tokyo. Huwag kalimutang magdahan-dahan sa pagpasok sa tren upang maiwasan ang disgrasya, maraming salamat!")

Pumasok na kaming lahat sa isang bakanteng area ng tren at umandar na. Masyado kasi kaming marami kaya medyo pahirapan aa paghahanap ng pwesto.

"Tabi tayo, Maki!" Sabi ni Matsing.

"Sige, dito ka sa tabi ko." Sagot ni Lolo at nakangiting umupo si Matsing.

Katabi ni Matsing si Lolo, pati sina Sendoh, Fukuda at Ikegami. Yung tatlong others magkatabi rin na sina Daisho, Watanabe at Nishizaki pati ang magboyprens na si Fujima at Hanagata.

Yung apat na ungas at yung mga kaibigan ni Haruko ay magkatabi at kami naman ni Haruko---

"Dito ka umupo sa tabi ko, Sakuragi. Nag-iwan ako ng malaking espasyo dito para sayo." Nakangiting sabi ni Haruko sakin.

Nakaramdam ako ng pang-iinit sa mukha ko.

Totoo bato? Gusto ni Haruko na tumabi ako sa kanya? Sheytt what a lucky man!

"Sure! Tatabi ako sayo, Haruko! Masama ang tumanggi sa grasya, nyahahaha..." Sabi ko at umupo sa tabi niya.

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ako dapat magkamali sa bawat ikikilos ko lalo na't katabi ko si Haruko.

"Ang tahimik mo naman ata dyan, Sakuragi. Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Haruko.

"A-ahh wala hehehe... Okay lang ako, Haruko." Sagot ko.

Nagsimula na namang uminit ang mukha ko.

"Sakuragi... Namumula ang tenga at mukha mo. May lagnat ka ba?" Nagulat ako ng hawakan ni Haruko ang noo ko.

OH MAY GAHD!!

HINAWAKAN AKO NI HARUKO!

Hinawakan ko rin ang kamay nya, napatingin siya sakin.

"Wag kang mag-alala, Haruko. Okay lang ako, kaya salamat sa pag-aalala." Sabi ko.

Nagulat ako sa isipan ko ng hawakan ni Haruko gamit ang isang kamay nya ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Natural lang na mag-aalala ako sayo, Sakuragi. Ikaw kasi ang dahilan kaya nagtransfer ako sa school nyo." Ngumiti siya sakin.

OH JUSKOO! PWEDE NA AKONG SUMAKABILANG BUHAY SA PINAGSASABI NIYA'

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now