"Sisirain natin ang depensa nila." Watanabe

"Dapat may gawin tayo para masira yun." Nishizaki

"Malabo yun, dahil pareho silang mga batikang manlalaro ng Kanagawa. Wala tayong magagawa pag MAN TO MAN DEFENSE."

"Edi guguluhin natin ang 'Man to Man Defense' nila." Singit ni Hanamichi.

"Anong ibig mong sabihin, Sakuragi?" Nishizaki

Ngumisi si Sakuragi ng nakakaloko at bumulong sa kanilang apat.

Habang nakikinig si Sendoh sa mga sinasabi ni Maki, napatingin siya sa mga pangkat ng mga first year. Napatawa siya ng makita niya ang ginagawa nila.

"Hahahaha! Ano yan? Usapang first years na magkaakbay sa isa't-isa?" Natatawang tanong niya.

"OKAY SIMULAN NA! SA SEMPAI ANG BOLA!" Sigaw ni Mari at malakas na pumito.

"TARA! LABAN!" First years

Sinimulan ulit ni Mito paandarin ang oras.

"Ano kaya ang pinag-usapan nina Hanamichi?" Nacucurious na tanong ni Mito.

"Mukhang may pinaplano sila." Takamiya

"Ano kaya yun?" Ohkusu

"Nako, siguradong kalokohang plano yun." Noma

Habang nanonood si Daisho nakita niyang pareho na nakangisi si Kiyota at Sakuragi.

"Coach, mukhang nakaplano ang Team namin sa loob lamang ng maikling minuto. I'm not sure kung maganda yun kase parehong nakangisi ang Ace Player ng Kainan at Shohoku." Sabi ni Daisho sa katabi nitong si Fujima.

"Iba ang nararamdaman ko sa mga ngisi nila." Tumayo si Fujima sa pagkakaupo.

Nakita ni Hanamichi na tumayo si Fujima. Tinawag niya ito.

"Oyy Fujiboo? Anong gagawin mo? Kakausapin mo ang mga Sempai namin?" Nakangising tanong ni Hanamichi sa kanya.

"Akala ko ba naman tuloy-tuloy ang laro at walang time-out?" Nakangisi rin na tanong ni Kiyota.

"Hindi ako tatawag ng time-out. Gusto ko kayong panoorin na nakatayo. Mukhang may alas na kayo?" Nakaismid na tanong ni Fujima.

"Wala naman, coach." Nishizaki

"Makikipaglaro parin kami ng patas." Watanabe

Si Jin ang may hawak ng bola, pinatalbog niya ito at sinimulan na ang kanilanh opensa.

"Tayo na Team!" Sigaw ni Kiyota

Habang nagdidribol si Jin natigilan siya dahil ibang player ang nagbantay sa kanya.

"Ikegami..." Jin

"Di ka makakalusot sakin." Ikegami

Mabilis na ipinasa ni Jin ang bola kay Sendoh.

"Nice pass, Jin." Sabi ni Sendoh at nagpatuloy sa opensa pero hinarangan siya ni Hanamichi.

"Ikaw?" Sendoh

"Anong problema, Sendoh?" Nakangising tanong ni Hanamichi.

"Di mo'ko maagawan." Sabi ni Sendoh at pinasa patalikod ang bola kay Fukuda.

Pero hindi yun agad natanggap ni Fukuda dahil mabilis na nakarating sa likuran ni Sendoh si Watanabe at nakuha ang bola.

"Ano?" Sendoh

"Masyadong mabagal ang Offensive Treat niyo." Nakaismid na sabi ni Watanabe habang nagdidribol papunta sa area nila.

Habang nasa middle court, naglakad muna siya habang nagdidribol at itinaas ang hintuturo nito... "OKAY TEAM! GAWIN NA NATIN!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now