~~~~

Calli's POV




Tinext ako ni mommy kanina na dun daw kami sa mama niya maglalunch. Medyo kinakabahan ako kasi naalala ko sinungitan niya ako noon eh. Hahaha.



Pumasok kami sa isang village na sobrang laki ng mga bahay. As in, kung malaki yung bahay ni mommy, mansion yung mga nandito. Nakatingin nga lang ako sa bintana sa sobrang pagkaamaze eh. Haha.



"We're here!" Sabi ni mommy at bumaba na siya ng sasakyan. Bumaba na rin ako and halos mapanganga ako sa tumambad sa harapan ko.



Hindi siya mansion guys, mall siya! Mall!!! Hahahaha.


"Bahay po ito ng mama niyo?" Tanong ko kay mommy habang nakatingin ako sa mataas na bahay. Puro glass tapos may mataas na hagdan pang aakyatin para makarating sa actual na bahay.



"Yes. I used to live here din. Hahaha. Let's go?" Yaya niya kaya umakyat na kami. Kasunod namin si tito Wilson.



Pag-akyat, mas lalo akong namangha sa ganda ng bahay. May garden tapos parang three or four storeys yata itong bahay. May pool din sa gilid at may fountain.


Sinalubong kami ng mga kasambahay nila siguro. Tapos pagpasok, umupo muna kami sa sala. Floor to ceiling windows kaya makikita mo yung buong labas.



"Welcome sa childhood house ko!" Sabi ni mommy pag-upo namin.



"Grabe po. Parang mall." Sabi ko habang tumitingin ako sa paligid. May chandelier pa pala sa taas, hindi ko napansin.




"Did you know na dyan sa hagdan na yan, mahilig magslide pababa si Amara?" Trivia ni tito Wilson habang nakaturo sa engrandeng hagdan na nasa gitna.



"Hahahaha. Talaga po?"



"Oo, lagi nga siyang pinapagalitan eh. Hahaha."


"Wehhh. Eh ikaw nga eh, diba nahulog ka dun sa pool sa labas kakahabol mo sa binato kong bola noon." Bawi naman ni mommy.





"Oo, bully kasi yang mommy mo noon." Sabi ni tito Wilson at hinampas siya ni mommy ng mahina sa braso.


"Wow. Parang hindi ka bully ah."


"Nakakatuwa kayong panoorin!" Napalingon kaming lahat sa babaeng sobrang sosyal ng suot.


"Ma! How are you?" Lumapit si mommy at tito Wilson para magbeso. Ako naman, dito lang. Hahaha. Nahihiya ako.


"I'm good. Oh, and who is this little girl?" Tanong niya at napatingin siya sa akin. Awkwardness at its finest!



"Ma, this is Calli. She's Alex's daughter and parang anak ko na rin. Calli, this is my mom." Ngumiti naman ang mommy niya at pinalapit ako para magbeso.




"Tita Liandra nalang. Welcome sa bahay ko." Sabi niya. Hindi ko alam kung mawiwirduhan ako sa ngiti niya sa akin. Nakakatakot. Hahahhaha.




"Thank you po."



"Come on, let's eat lunch." Yaya niya kaya sumunod na kami. Pumasok kami sa dining room na sobrang high ceiling. Alam niyo yung mga dining room sa palasyo? Parang ganun.




"Dito ka sa tabi ko." Sabi ni mommy dahil nararamdaman niya rin siguro na nahihiya ako. Haha.



~~~~~

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now