CHAPTER 52 The Awards Night

Start from the beginning
                                    

Pagkasabi ko nyan naghiyawan ang mga fans. Nagwala talaga eh hahaha.

"Yan ang naging tulay para mag cross ulit ang landas natin. Napatunayan ko rin na isa kayong mabubuting kaibigan kasi andiyan kayo palagi sa panig ko kaya salamat sa lahat mahal na mahal ko kayo."

Sabi ko kaya sumigaw sila nang; "MAHAL NA MAHAL KARIN NAMIN SHAMY!!!"

Natawa nga ako eh parang lalabas na mga kalamnan nila nung sinagaw nila yon hahaha.

"Syempre, makakalimutan ko ba si totoy na tinuring ko na isang nakababatang kapatid. At si Charie na nagsilbing ATE ko. Kahit may pagkakataon na nasasaktan natin ang isa't-isa, nangingibabaw parin ang pagpapatawad sa mga puso natin."

"At heto na, kung di dahil sa kanya, wala ako ngayon sa harapan niyo."

Sabi ko tapos tumingin kay Racky at napangiti lang siya.

"Itong tao na to, ang nagpatunay ng expect the unexpected, kasi di ko talaga akalain na pagtatagpuin kami at magiging magkaibigan at magtuturingan na mas higit pa sa pamilya. Eh sobrang idol ko yan dati ehh."

Sabi ko tapos parang na surprise ang mga tao.

"Masaya ako dahil naging parte ako ng buhay mo, kasi ako noon paman alam mo nang parte kana nito."

Sabay turo sa dibdib ko.

"Kahit ano man ang mangyari ako parin yung simpleng fan mo dati. Kahit nakapasok pa ako sa mundo mo at nadiskubre na ang buhay mo, ako parin yung fan na handang i-cheer ka hanggang sa mamaos ako."

Biglang natahimik ang buong Araneta at nakatingin lang silang lahat sakin.

"Kahit maging boy suka kaman, alien, boy yabang o kahit ilang beses man kitang sampalin at batukan o kahit gaano man kabaho ang utot mo hindi ko parin pagsisisihan na naging idol kita kasi ngayon alam ko nang tama ang naging desisyon ko na hangaan ka kahit ang kapalit pa nun ay ang sarili kong kaligayahan."

Ang seryoso ng atmosphere dito kaya sinubukan ko ngang magpatawa pero wa epek. Di naman nila na gets yung tungkol sa suka at utot na yan hayaan niyo na, pero sigurado ako na kayo na gets niyo noh? Hehehe.

Nakita ko si Charie hinawakan ang kamay ni Racky na tatayo sana kaso bumalik nalang sa pagkakaupo.

How can I break this awkward moment!? Ayokong mauwi sa kadramahan ang speech ko huhuhu. Ako naman kasi nadala ako sa bugso ng damdamin kung ano tuloy ang mga pinagsasasabi! Hoy Shamia umayos ka nakakahiya ka huhuhu.

"Nasayo na nga ang lahat Racky kaya minamahal ka ng marami lalong-lalo na ni Charie!"

Sabi ko nang pa rap kaya natawa ang mga tao tapos nag "AYYEEEH" kina Racky at Charie hahaha. Kaya medyo nawala narin ang awkward moment.

"Kung noon hinahangaan kita dahil sa looks at talent mo, ngayon hinahangaan na kita dahil sa isa kang mabuting tao. Masaya ako dahil nakasama kita, ang aking IDOL. Kaya manalo o matalo man ngayong gabi, solid parin ang THE RACKYLOVERS para sayo. Yan lang po at maraming salamat."

Sabi ko tapos nag bow at nagpalakpakan ang mga tao. Abot tenga naman ang ngiti ko pero bigla nalang bumaliktad kasi parang nakita ko si Miler dun sa may gilid sa backstage. Pero alam ko naman na namamalikmata lang ako kaya bumalik nako dun sa upuan ko kina Charie na tudo naman ang cheer sakin.

"Salamat Shamy, dahil ako ang napili mong hangaan. Isang malaking karangalan ito para sakin."

Sabi ni Racky sabay bow. Ang OA naman nito hahaha.

"Asus may nalalaman ka pang bow dyan. Over ka ha? Hehehe."

"It's my sign of respect and gratitude."

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Where stories live. Discover now