CHAPTER 37

44 15 0
                                    


Chapter 37

War means fighting, and once you're in a battlefield, fighting means killing.

Isa sa responsibilidad na pinasok ko ay ang pagliligtas ng buhay. But I am now damn shits killing lives!

Panay ang pagpapaputok namin sa teroristang kalaban namin habang ang isa naming kamay ay nanatiling magkahawak. Gusto ko mang bawiin ay hindi ko na nagawa.

Sabay na tumilapon ang katawan namin sa lupa dahil malakas na pagpapasabog ng mga terorista. I rolled my body and hid on the tree as I fired their site.

"Elle!" naramdaman ko nalang ang mga bisig niya na nakayakap sakin nang muli na namang magpaulan ng bala ang mga terorista sa gawi namin. "Everything is fine?"

Mabilis kong inalis ang mga braso niya sa akin at seryosong sumagot. "Yes,"

Talagang ito pang sitwasyon na ito ang naging dahilan ng muli naming pag-uusap. Ilang linggo rin na hindi namin pinansin ang isa't isa. But now we're together fighting for freedom. Pero wala ng malisya ang lahat ng ito hindi kagaya noon na sabay kaming sumasabak sa mga terorista, at ang itinuturong na sandata ay ang bawat isa.

Paano ko pa siyang ituturing na sandata? Yes he's my protection, yet the man who gives me the pain that kills me.

I raised my guns and fired around. Ramdam ko ang pagtulo ng mga pawis sa aking mukha ngunit hindi na ako nag-abala na pahirin dahil patuloy ako sa pagpapaputok sa bawat paligid na madadaanan namin.

We're now coming near the danger zone. Alam kong mapapagalitan ako ni General oras na makita niya akong sumasabak rin sa giyera. I want to fight with them. Kung ipatatalsik nila ako sa propesyon ko dahil sa paglabag sa ilang batas ay hindi na ako papalag. Handa akong talikuran ang kahit na ano, kung ang kapalit naman ay kapayapaan na maraming makikinabang.

"Astrielle," natagpuan na kami ni Alyana Ramos na hingal na hingal din. "Delikado na dito, bakit nandito ka pa? Captain Sarmiento?!" her jaw clenched.

"I'm sorry," hindi ko alam kung para saan ang sorry niya.

I don't know why I feel something bad is gonna happen on her. Kasabay ng habol kong hininga ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Sergeant Santos, speaking. Over." "Hawak ni Cruz si Nurse Zin! Over."

Napaawang ang labi ko sa narinig sa radio ni Alyana. Magkakatabi kaming tatlo na nakadapa sa tagong parte.

"Where's the others? Nasa'n kayo? Over." pagsasalita ni Alyana sa radio.

"Seventy yards away from the camp. Over."

"Copy that," isasakbit na sana ulit niya sa belt ang radio nang may magsalita ulit.

"Ramos,"

"Speaking. Yes?"

"Take care. Keep safe."

Tuluyan na niyang isinakbit ang radio sa belt niya at lumingon sa amin.

"Paanong nangyari na hawak nila si Nurse Zin? Nasa'n ang iba?" sa pagkakatanda ko ay kasama niya sina Ethan at ang iba pa kanina. How could this happen?

"Hindi ko alam," tumingin siya sa nasa tabi ko. "Captain Sarmiento, keep an eye for my daughter please."

"My will,"

Mabilis na kumalabog ang puso ko nang mabilis siyang umalis. Naupo ako sa damuhan patago parin nang maramdaman ang pangangatal ng kamay ko.

I don't know what's the meaning of this.

LOFREHO Warriors Where stories live. Discover now