CHAPTER 33

36 12 3
                                    


Chapter 33

Naglakad na 'ko sa ibang sundalo at hindi ko na napansin na si Lukariah ang nalapitan ko. Nakaupo siya sa dulo ng kama ng pasyente kaya naupo na ako sa tabi niya habang inihahanda ang panlinis sa sugat niya sa braso.

"It's only a graze of bullet." sabi niya, tumago ako.

Matapos kong linisan ang daplis ng bala sa braso niya ay nilagyan ko na iyon ng benda. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga, pinagmasdan ko lang ang tinitignan niya gamit ang sulok ng aking mga mata.

Nasa tabi lang ang pwesto nila. I can feel Captain eye on me, pansin kong nasa tabi na niya ang babae pero hindi na sila nakangiting nag-uusap.

"Paki-angat ng braso mo," sumunod naman siya sa sinabi ko. Nilagyan ko na ng bandage ang sugat niya sa braso.

"Nurse Astrielle, are you alright?" he asked out of context.

"Yes," tipid na sagot ko bago inayos ang mga ginamit. Lilipat na sana ako sa ibang sundalo nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. "Anything else?"

"I told you, Astrielle. I told you." ngisi pa nito. Walang imik nalang akong tumalikod sa kanya.

I don't know what's his talking about.

Nang matapos kami sa ginagawa ay naramdaman ko ang pagsunod sakin ni Captain.

"Astrielle....baby," walang emosyon akong humarap sa kanya. He frowned. "Baby, wala lang 'yon. You know, we're just talking about 'don sa nangyari kanina.."

"I'm not asking." tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad. He's still on my back. "Pareho kayong sundalo, kaya normal lang na mag-usap kayo. I don't want to manipulate you Cap, gawin mo ang gusto mong gawin." nang makarating kami sa likod ng tent kung saan malayo sa ibang sundalo ay humarap na ako sa kanya. "But one thing for sure Cap, pagtiwala ko ang nawala, mahirap ng ibalik. Gawin mo ang gusto mo, pero 'wag naman 'yong alam mong makakasira sa tiwala ko sayo."

He gulped. "I'm sorry," humakbang siyang palapit sa harap ko pero nag-iwan ng distansya. "Hindi ko hahayaang masira ang tiwala mo sakin, pangako. If you want me to ignore her-"

"I said I don't want to manipulate you Cap. Pareho kayong sundalo na may parehong responsibilidad na kailangang gampanan. Hindi mo kailangang umiwas."

"But I don't wanna see you jealous baby," napaawang ang gilid ng labi ko. He chuckle and held my chin. "You're my one and only lofreho, no one else." he kissed the tip of my nose..

After that, sumabak ulit sa pakikipaglaban ang mga sundalo.

Lumilipas ang araw ay lalong lumalala ang gulo. Hindi natatapos ang putukan at pagsabog. We have this information about Senator Cruz that he's already aware. Alam na niyang may nalalaman na ang mga sundalo na siya ang pinuno ng mga terorista.

'The military don’t start wars. Politicians start wars.' That's what William Westmoreland said. Like whats happening in this country nowadays, sa politika nagmumula ang gulo. How comes? Karamihan sa pumapasok sa politiko ay may hangad na pansarili, kumbaga pumasok lang sa politiko para sa pansariling kagustuhan at pansariling hangarin. Hindi para sa kaayusan ng bansa at ikaaayos ng sistema.

Nabubulok ang sistema ng politiko ngayon. Pati ang mga nahahalal na mamumuno ay hindi naaayon sa dapat na mamuno. Yes, we're on a democratic way of voting for electing a leaders. Pero minsan ay hindi umaayon sa kagustuhan ng mga tao ang nai-elect.

LOFREHO Warriors Where stories live. Discover now