CHAPTER 9

54 17 3
                                    

Chapter 9

Kasasabi ko lang kung gaano ko ina-admire ang mga sundalo. Babawiin ko ba?

No matter how hard I tried to ignore his words, its still drumming my heart. I have no idea kung saan niya napulot ang mga salitang iyon. Siguro ay normal na sa kanya ang mga salitang gano'n.

Hindi na nakakagulat kung malalaman kong higit sa limampu ang naging girlfriend nito. Baka nga namakla na rin 'to sa sobrang landi eh.

"Aung myin par say"

Naghawak ng kanya-kanyang bote ng alak ang mga sundalo at inulit ang sinabi ni General habang nakataas ang mga bote nila.

"Cheers" his husky voice reverberated on my ears. Halos ramdam ko na ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko dahil sa sobrang lapit niya.

"Can you respect me, Captain?" pabulong na sabi ko. Ramdam ko ang pagkairita sa sariling tono. Sino bang hindi maiirita? Parang wala siyang pakialam sa mga nakakataas na kasama namin ngayon. He's making fun of me.

"What? I'm respecting you. May ginawa ba akong nakakabastos sayo?" pabulong rin siyang sumagot.

"Can't you give me a distance?" I gave him my deathly glare. Mas lalo pa siyang lumapit at nagawa pang ituon ang kamay sa may likuran ko. "Distansya o panibagong giyera?" nag-iinit na ang ulo ko at baka tila cannon na ang kalabasan ko kapag pinasabog ko na ang galit ko.

Pero sa halip na mahiya siya sakin ay lalo niya akong tinawanan. "Panibagong giyera." halos napadikit na rin ang braso ko kay Zin dahil sa kauusod. Hindi talaga siya nakuntento at inilapit niya pa ang mukha sa likuran ko. "Kaso kung ikaw ang kalaban ko, susuko na lang ako. You doesn't need weapons. Dating mo pa lang, patay na patay na'ko."

"Insane!" napalakas yata ang sabi ko kaya napatingin ang ilang malapit samin.

"Ano 'yon? Pabulong." inilapit pa ni Zin ang tenga niya sakin. Rinig ko ang pagtawa ng nasa tabi ko dahil sa naging reaksyon ko.

I can't take this anymore. Tumayo na ako kaya napatingin sakin ang mga kasama namin.

"Thanks for dinner, General Heuman. I'm going."

"Why? You're not drunk already."

Wala naman sa plano kong maglasing. "I'm tired, I need to rest." gumawa na lang ako ng dahilan kahit ang totoo naman ay gusto ko lang makalayo sa lalaking pinaglihi sa malagkit na 'yon.

"I'll come with you." tumayo na rin si Mallari at nakangiting tumingin sa mga kasama namin.

"I'm going too." my hands formed a fist when I heard his voice again. And with his swift moves. Naramdaman ko na naman ang braso niyang nakadikit sa akin.

Muli na namang nabuhay ang panunukso nila samin. Isang-isa nalang talaga masasapak ko na'to.

Naglakad na akong palabas ng tent at pansin ko naman ang pagsunod nilang dalawa. Nakarating na ako sa harap ng tent naming mga medical crews pero pansin ko parin na nasa likod ko sila.

Napasapo na lang ako sa noo dahil sa inis na nararamdaman. Hinarap ko sila na nakapamaywang.  "Whats up with the both of you?" napaawang ang labi nila habang nakatitig sakin. "Hanggang sa pagpapahinga ko ba susundan niyo 'ko?"

LOFREHO Warriors जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें