CHAPTER 23

43 18 1
                                    


Chapter23


"Baby, do you know Senator Francis Cruz?" Captain asked.

"Yeah, kinda."

We're now outside our camps, walking together on a darkest night. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang magkagiyera dito, kaya halos ang paligid ay nababalot ng mga usok at sira-sira na rin ang mga gusali dahil sa mga tama ng bala.

Wala pa akong ginagawa sa kampo kaya naisipan ko munang maglakad-lakad nang makita ako ni Captain kaya ito, magkasama na naman kami.

"What do you know about him?"

I eyed the place before looking at him. "Is it safe if we talk about it here?"

He shrugged his shoulder and smiled. Ano mang dilim ng paligid ay nagagawa parin akong i-mesmerized ng mga mata niya. T'wing ngumingiti siya ay kumikinang ang mga mata niya.

Nakapamulsa ako sa camouflage pants ko habang panay ang sipa sa mga bato na nadadaanan. Napansin ko ang pag-angat ng baril niya at pagbagal ng lakad kaya napatigil rin ako.

"Come near me, baby." walang imik akong lumapit sa kanya. We both eyed the place and I've noticed that there's someone watching us on the dark. Hindi lawad ang lugar na ito dahil may ilang gusali at halos malapit sa gubat ang kinaroroonan namin ngayon. At ramdam kong hindi lang iisa ang nagtatago sa dilim, dahil may nakita rin ako sa sulok ng mata ko na anino ng tao sa may likod namin. At hindi lang 'yon, mukhang bukod pa ang nakikita ni Captain.

"Can I borrow your gun, Captain?" prente ulit kaming naglakad ng mabagal habang pinapakiramdaman ang galaw ng nasa paligid. Tumango siya sakin kaya dahan-dahan kong hinugot sa belt niya ang nakasuksok na hand gun. Dalawa iyon pero isa lang ang kinuha ko.

"Baby.."

"huh?"

Ngumisi siya sakin na parang tuwang-tuwa na hindi ako umaangal sa pagtawag niya sa akin ng 'baby'. Makikipagtalo pa ba naman ako sa kanya sa ganitong klase ng sitwasyon? Seriously?

He cleared his throat. "Stay still. 'Wag kang lalayo sakin. Pagsinabi kong takbo, sabay tayong tatakbo." sandali kaming nagkatinginan. "Copy that?"

"Copy,"

Sisipol-sipol pang naglalakad si Captain habang ako ay panay ang laro sa hawak na baril. Hindi ko masasabing magaling ako sa paghawak nito pero may kakayahan ako sa paggamit nito. Ang pagpasok sa army nurse ay para ring pagpasok sa military. We also trained on using weapons, techniques to sharpen our senses, and we do convoy exercises like soldiers that we can use to protect ourselves and to give protection to others.

Hindi na rin ako magsisisi sa paglabas sa kampo dahil magkakaroon na naman ako ng panibagong adventure. Lumabas ang isang tao mula sa dilim kaya sabay naming inihanda ang mga baril namin.

"Elle, takbo!" sabay kaming tumakbo papunta sa kagubatan kasabay ng pakikipagpalitan ng putok sa mga terorista. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa lima ang mga ito nang lumabas sa pagtatago.

Mga malalagong damo na ang tinataguan namin ngayon. Si Captain ay naglalagay ng bala sa baril niya kaya ako ang panay ang silip sa mga terorista. May namataan akong isa at nang magpapaputok na sana ito sa gawi namin ay inunahan ko na siya. I pulled my guns trigger directly on his chest making his body slumped.

LOFREHO Warriors Where stories live. Discover now