CHAPTER 24

43 13 8
                                    

Chapter 24

"I hate you baby, damn much. Oo, makakaahon pa 'ko. Hindi pa ako nalulunod sayo, kayang-kaya ko pa. Hindi ko kayang ipaglaban ka sa lahat. Ayokong maging akin ka pang habang buhay. Hindi nakasalalay sayo ang paghinga ko."


...'I love you baby, damn much. Hindi na ako makakaahon pa. Nalulunod na 'ko sayo, hindi ko na kaya pa. Kaya kong ipaglaban ka sa lahat. Gusto kitang makasama habang buhay. Nakasalalay sayo ang paghinga ko.'

Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ko pang isipin ang kasalungat na meaning ng sinabi niya. Napabuntong hininga na lang ako nang bumalik sa ulirat dahil sa pagsasalita ni Sergeant Santos.

"Si Senator Francis Cruz ay isa sa mga terorista na nakasagupa natin noon. Isa na siya sa tinitingala ng mga tao ngayon at pinagkakatiwalaan ng presidente. Kahit si General Ramos ay nahihirapan nang makipag-ugnayan sa presidente ngayon dahil sa pagkontrol niya."

Kanang kamay ito ng Presidente at pihadong kontrolado na nito ang bawat galaw sa palasyo. Kahit ang nangyayari sa giyerang ito ay maaring kasalungat ng dumarating sa presidente. 

At base na rin sa naririnig ko ngayon sa kanila ay wala pang nakakaalam na isang terorista ang senador na ito. We can't let everyone knows this information because once they've noticed that everybody here is all aware, maaring masira ang bawat plano.

Hindi parin natutunton ng mga sundalo ang eksaktong lokasyon ng mga terorista dahil sa maaring sa liblib na lugar ang mga ito nagtatago. Malakas ang kapit ng senador na ito sa presidente kaya maaring nabi-brain wash na niya ito para pagtakpan at palinisin ang galaw ng kanyang myembro.

Nakakaloko talaga ang takbo ng sistema ngayon. Kung sino pa ang mga kampon na naghahasik ng kasamaan, sila pa 'yung malayang nakakagalaw. Mahusay ang senador na itong magbalat-kayo sa harap ng mga tao at lalo na sa presidente. Naglalatag siya ng mga platapormang nakatutulong sa maraming tao, at ang mga tao naman ngayon, kunting pakitang tao lang mahusay na agad sa paningin nila, na karapatdapat na agad sa posisyon sa gobyerno.

The real integrity is doing things without asking for exchange. Helping others even no one can notice. Kung ibabase ang salitang 'integridad' sa senador na ito ay wala akong malusutan. Lahat ng galaw niya ay nakaayon sa kagustuhan niya, una ay ang paghihiganting hinahangad niya kaya siya pumasok sa mataas na posisyon sa gobyerno, at pangalawa ay ang paghangad niya sa mas higit na mataas na posisyon sa bansang ito. He's using his position for his own sake, he's deceiving peoples by showing fucking goddamn fake integrity.

Isa siyang Cancer sa lipunan!

Hindi kagaya ng mga nakaraang araw, medyo humupa ang giyera ngayon. A lot of soldiers are here on our camp, planning things and checking their weapons.

I checked their medical records till I saw Lukariah's name. Pinasadahan ko ng tingin ang record niya at nakitang napasailalim na siya sa limang operasyon dahil sa tama ng bala sa iba't ibang parte ng katawan at nakalagay rin dito na nakomatos na rin siya ng pitong buwan!

Napaawang ang gilid ng labi ko at sumilip sa kanila sa labas mula sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Nagche-check parin sila ng mga armas na bagong dating. I sighed. Inexpect ko nang ganito ang mga medical records ng sundalo pero nakakapanibago parin.

"Nurse Elle, can I have their medical records?" tanong ni Ethan bago kumuha ng upuan at hinila sa harap ko. Doctor na doctor ang dating ng puta. Hindi yata kabuwanan ngayon.

LOFREHO Warriors Where stories live. Discover now