CHAPTER 28

40 12 4
                                    

Chapter 28


"Captain Sarmiento, mag-uusap tayo." iyon kaagad ang bungad ni General nang makitang kasama ako ni Captain. Napansin rin niya ang hawak kong baril.

He looks serious. Lumayo siya samin at sumulyap pa sakin si Captain bago sumunod sa kanya. I don't know what they're going to talk about. Kung dahil iyon sa pagpapagamit ni Captain sakin ng baril, hindi na mali 'yon. Isa iyon sa tinuro samin noong training as an army nurse. Hindi palaging scalpel, stethoscope, o kung anong mga gamit sa ospital ang hawak namin, dahil minsan ay kailangan rin naming humawak ng baril.

"What's between you and Captain Sarmiento?" paglapit sa akin ni Alyana Ramos.

"None of your business." walang ganang sagot ko bago naglakad papasok sa tent kung nasaan ang mga pasyente.

"I'm not against..but..I-I just want to took you out of danger." She's still on my back. I look on her with my disgusting looks. "Ayoko lang maranasan mo ang mga naranasan ko."

I chuckled to annoy her. "Hindi ko mararanasan ang mga naranasan mo dahil hindi ako kagaya mo." her reaction can't paint. Kita ang sakit na dumaan sa mga mata niya. I don't know if I'm going to regret throwing those words on her. Bakit pakiramdam ko ay ako pa ang masama ngayon? Normal ba 'to?

Tumalikod na ako sa kanya at lumayo.

My heart pinched while thinking of her expression. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pati ako ay masaktan sa sarili kong salita.

Another days had come, hindi parin tapos ang giyera. We did consecutive operations. Nakaramdam ako ng pangangatal ng mga tuhod dahil sa pagyanig sa kinaroroonan namin. Hindi iyon simpleng pagsabog ng bomba kundi kanyon! These terrorist are now using their high quality weapons. Posibleng may nalalaman na ang tiwakil na Senador kaya mas pinaangat nito ang kanyang grupo.

I removed my gloves and surgical mask nang matapos na kami ni Doc. Ethan sa operations. Lumabas na kami at lumapit sa mga sundalo.

"Senator Cruz is already aware that we have this information regarding on him." General said.

"Kaya mas pinalakas pa niya ang pwersa ng Apoy na bato. Lets prepare for a new plans." seryosong sabi ni Sergeant Santos.

"We need to proceed on our first plan, Sergeant. Kung may nalalaman na itong si Senator Cruz-'Teka...paano niya nalaman?" nagtatakang tanong nito.

Napaisip rin ako doon. Wala pa namang ginagawang hakbang ang mga sundalo para malaman ng Senator na ito na may alam kaming isa siyang terorista. Walang naglabas ng impormasyon na iyon. Unless.. kung may nang tatraydor.

"Anyway, kung may nalalaman na itong si Senator Cruz, mahihirapan na tayong hulihin ang galaw nila. Magtatago sila ng magtatago habang patalikod tayong tinitira. Hindi ba mas maigi kung sugurin na natin ang kuta nila hangga't hindi pa huli ang lahat?"

"Lieutenant Velasco, hindi tayo basta basta sumusugod nang walang nakahandang ibang plano." Lukariah.

"Palagi kang sumasalungat sa sinasabi ko, Commander." nagawa pa nilang magtaasan ng kilay.

"May punto si Velasco. Maaring lumipat ang mga ito ng kuta kung wala tayong gagawing hakbang para sa pagsugod sa kanila." Sergeant Santos.

"A-Agaran ba ang pagsugod na 'yan, Sergeant?" nagsalita ang isang sundalo. Nasa kanya ang tingin namin dahil sa tila kabadong boses nito.

"May problema ba, Gomez?"

"Wala naman, General." nakumbinsi nito ang mga sundalo pero ako ay hindi. There's something bothering him. Ewan ko pero may napapansin akong kakaiba sa sundalong ito. Its not being a judgemental person but the way he's asking a lot of questions about the plans make's me think for something.

LOFREHO Warriors Where stories live. Discover now