Nakahiga lang kami sa bed habang nasa gitna naming dalawa ni Amara si Calli. Nakasandal siya kay Amara and pinaglalaruan niya yung kamay namin.

"Itatanong ko lang po, bakit sobrang bait niyo po sa akin kahit nagkita lang tayo sa restaurant? And kahit hindi tayo magkaaano ano?" Tanong ni Calli kay Amara.

"May mga bagay sa buhay na hindi mo maiintindihan, and that's one of those moments. Hindi ko rin naiinintidihan eh. Pero ang alam ko lang, malapit na ang loob ko sayo the first time we saw each other." Amara told her.

"Alam mo bang ikaw lang ang nakapagpatawa sa akin during those times? Yung sobrang busy ko sa work, ikaw lang ang nakakatanggal ng stress ko." Sabi niya. Ngumiti si Calli then she spoke. "Yiieee. Grabe naman po yun. Hahahaha. Pero always remember po na mahal na mahal na mahal na mahal po kita. Kayo ni dad." She said then she kissed Amara on the cheeks.

"I love you very very muchhhh." Amara said then she squished Calli on her arms kaya nagtawanan kami.

~~~~~

~~Two days later~~

Amara's POV

Calli packed her things already. Gusto ko siyang pigilan. We're here in the living room and we're waiting for Sam. Katabi ko si Alex and hinahagod niya lang yung likod ko and he's holding my other hand because I'm so nervous right now.



We heard the doorbell and Vera opened the gate. Maya maya, Sam entered the living room. Napalingon kaming lahat sa kaniya. Her eyes first landed on Calli. Niyakap niya agad si Calli. Nandito rin si manang with us. Yesterday, pumunta dito si Sam para makapagpaliwanag kay manang. She explained how it happened and pinakita niya rin yung documents. Sinama din niya yung investigator niya para maipaliwanag din ng maayos.

"I'm so happy to see you! Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo. Anak pala kita." She said. Ang sakit marinig yun. I looked up para hindi tumulo yung luha ko.

"Ingatan mo si Calli." Sabi ni manang. "Bibisita ka dito ha." She continued. Tumango naman si Calli at niyakap din si manang.

"Promise po. Bibisita ako." She said while holding back her tears. Binitawan siya ni manang and pinalapit sa akin.

"I'll miss you." I said. She started crying and so did I. I caressed her hair and hinagod ko yung likod niya. Walang mangyayari kung ganito lang kami, lalo ko lang siyang hindi mapapakawalan.

"Come on. Umalis ka na. Go!" I said then i pushed her away. Lalo siyang umiyak. Tumitingin ako sa side para punasan yung luha ko. I signaled Sam na ilabas na si Calli.

"Umalis ka na! I don't love you anymore!" Nanginginig kong sabi. I can't stop crying. I have to say those words para mas madali sa kaniya na umalis. Pero lumapit pa rin siya sa akin and she hugged me.

I held her arms and pilit kong tinatanggal sa pagkakayakap sa akin habang nakatingala ako.

"Hindi kita kailangan. Leave! I don't love you and I never loved you. Umalis ka na." Our cries are echoing here in the living room.

"Mommy!" Napapikit ako when she called me. She held my hand pero tinanggal ko. Tumalikod ako sa kanya and waited for her to leave. Tuloy tuloy ang bagsak ng luha ko at hindi ko na napipigilan.

"Calli, let's go." Sabi ni Sam.

I sat down and covered my face. Niyakap ako ni Alex to calm me down. Sobrang sakit. I never meant all of the things I said to her. I had to say those not to hurt her pero para hindi siya mahirapan.




Humahagulgol ako at hindi ko masabi yung mga gusto kong sabihin. "Alex....hin-di ko kaya. Ayokong.....ayokong ma-wala sa akin yung... anak ko." I said while sobbing and crying.

Sa Bawat ArawTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang