Wait a minute..... Tama ba 'tong way na pinupuntahan namin....... sa..........

Sa likod ng building ng HS?!

Hindi nga ako nagkamali.. bigla niya akong pabalibag na binitiwan sa saktong spot na pinaghukayan sa bangkay nila renzo at anne eh. Ano kayang gagawin niya sa akin? Sasaktan niya ba ako dito? Like what I always watched sa mga news about bullying students by co-students? Ito ba yun? Tss. Bahala na po kayo, lord.

Hindi ako ma-react na tao kaya parang wala lang sa akin kahit anong nangyayari. Sabi nga ng mga pinsan ko, para daw akong living dead person kasi emotionless ako at hindi ako nagre-react masyado. Baka nga daw pag masasagasaan na ako wala pa rin akong pakialam eh. Is it weird? Eh sa ganun ako eh?

"Ano? Ba't di ka umiiyak jan? Ibinu-bully na kita, you wouldn't make a noise for help?" Tanong niya. Umiling lang naman ako na siya lalong ikinagalit niya. Itinaas niya yung closed fist niya at susuntukin niya na ata ako pero hindi pa rin ako kumukurap o magtangkang umilag man lang. I just look at him.....

Pero hindi niya tinuloy yung suntok. Just an inches away yung fist niya nung tumigil siya. "Hindi ka talaga magre-react? Tss.." Nakangisi siya. Ba't di niya tinuloy?

"RODNEY!!!" Sino naman yun?

Maya-maya lang biglang may maliit na babaeng hingal na hingal ang lumapit sa lalaking nasa harap ko ngayon na tinitignan siya. Pagkahinga ng malalim ng babaeng bata ay nag-angat siya ng tingin sa lalaki at automatic na sumimangot siya. "Anong katangahan na naman yang ginawa mo? Sabi ng mga classmate mo may ibu-bully ka na naman daw na classmate mo, at transferee pa daw?! Asan na siya? Naku!!" Tuloy-tuloy lang siyang nagmo-monologue sa lalaki na mukha naman hindi nakikinig sa kanya . Kawawa naman.

"IKAW?!!" Napa-angat ako ng ulo sa babae at ngayong nakikita ko siya ng malapitan.. familiar siya... O_O!!

The girl last week! Siya yun! "Kilala mo siya, Mami?" Tanong bigla nung lalaki pero hindi naman siya pinansin nitong tiny girl-- ay hindi pala. Eighteen year-old GIRL. "Oo kilala ko siya. Actually childhood friends natin siya eh, you know?! Alam mo yun?! Common sense naman oh, siyempre hindi! Transferee nga eh pano ko makikilala--"

"Mami.." Her name is mami? Ang cute naman.. Japanese name yun diba?

Natahimik naman si Mami nung nagsalita nang parang nagwa-warning yung si Rodney. Seems like they are close? May relasyon ba sila? Not that I care.. I'm just... I just don't care, okay? Okay.

"Uhh.." That's what I manage to utter when someone from afar screams my name.. "KA-Y-LAAAAAAAAAAAAAAA" naka-syllable pa talaga yung pagtawag. Naiirita ako kaya hindi ko napigilan sumigaw.

"BAKIT?!!" Ooopss! I forgot that I'm in between these two people.. What to do, what to do? Parehas silang nakatingin sa akin. Yung isa nagtataka yung isa naman masama ang tingin. "Anong bakit? At bakit ka sumisigaw?" -Rodney

"May tumawag ba sayo? Wala naman akong narinig eh.." Nagtatakang tanong ni Mami. "But anyway, baka nagkakalimutan tayo. Rodney, and you, whatever your name is, pumasok na kayo sa room niyo. Bawal ang cutting classes! Masama yan! Hala, takbo na't mag-aral ng mabuti! Hohoho~" she really looks like a kid. I still can't believe it. But still, that's a relief.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya pero naglakad lang ako papuntang room, kasabay ko yung si rodney pero nagtataka ako kung bakit pati si Mami nakasabay rin sa amin. Ayon sa name plate niya, she's a second year. A year higher than us so bakit siya sumasabay sa amin? Sabagay, iisa lang pala kami ng building. Tangang bata here. -__-

Speaking of bata, asan na naman yung isa? Tsk, ganun yata talaga pag ghost..

Pagkabalik namin second subject na pero hindi rin natuloy yung lesson kasi may biglaan daw meeting ang mga teachers kaya pina-dismiss kami ng maaga. Pero binigyan muna kami ng assignment kaya hindi rin masyadong nag enjoy yung mga classmates ko. Bigyan ba naman ng assignment at essay report pa yun.. Sinong di madi-disappoint? Probably, that's me. I love writing so Of course, i love making an essay.

Pagkalabas ko ay nakita ko agad yung sundo ko kaya pumunta na ako agad dun. "A sh----it. Damn!"

"What's wrong miss Kayla?" -mr. Jerry. Umiling lang ako at pinakakalma ko yung expression ko. Pero sa loob ko sinisigawan ko si Leira na nandito na pala at nauna pa sa akin. Nagulat talaga ako sa kanya kanina. Tsk.

****
Rodney's

"Type mo no? Uuyyy.. si rodney panget, umiibig na! Hohoho!" Tsk! Kakairita!

"Shut up, mami! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa mga nerd! Ampapanget kaya ng mga yun!" Totoo naman? Mga nakasalamin pa kuno akala mo naman inosente. Meron ngang iba na painosente lang eh. Hindi dapat masyadong nagpapaniwala ang mga tao sa ganyan. Kaya sila naloloko eh. Tsk, bakit ko ba sinasabi 'to?

*pak!* "hindi tama na sabihin mo yan. Mga tao rin yun, ano ka ba." There she goes again, nagpapaka-bait di naman bagay.

Binigyan ko siya ng masamang tingin habang hawak yung ulo kong binatukan niya pero mukhang wala naman sa kanya kasi tawa lang siya ng tawa. Nakakaasar pa yung tawa niya. "Tumigil ka nga! Nakakaasar yung tawa mo, ibahin mo!" Iritado kong sigaw.

*pak!* "ayoko nga! Hohohoho!"

Napahilamos nalang ako sa sobrang pagka-bad trip. "Argh! Bahala ka jan!"

"Wait lang! Ito naman di mabiro." Bahala siya jan. Tsk.

Baka kung anong isipin niyo sa amin nitong bata na 'to. Magkababata kami. Kaibigan niya ako at yung... yung kapatid kong namatay noon 11 years ago. So Mami is like my sister after I lost my own sister since then. Sa lahat ng nerd o mukhang nerd, siya lang ang kasundo ko. Kasi kilala ko siya at alam kong di naman talaga siya nerd. Ewan ko sa kanya kung bakit sinusuot niya yang mumurahing eye glasses na yan na wala naman grado at malaki pa ang lense. Sabi niya nung tinanong ko siya trip niya lang daw. Parang sira.

"Oh? Nanahimik ka bigla?" Bigla niyang tanong.

"Wala. Nawe-weirduhan ako sayo." Pero hindi yun ang iniisip ko.

I'm actually thinking about the girl earlier. She seems weird and somehow, mystique. Alam kong nung sumigaw siya, alam kong may nakikita siya na hindi lang namin nakikita. Nakabukas siguro yung third eye niya.

Pero ang alam ko, it's either nakakaramdam lang o nakikita lang ng mga may ganung third eye, pero bakit siya parang sumagot siya na parang kinakausap siya ng nakita niya? I wanted to know her and i'll do that starting tomorrow.

"Do me a favor." I don't asked. I just simply commanded her. "Ayos ka ah? Hindi muna nagtanong? Diretso utos agad? Pano kung ayoko sumunod?" I warnly look at her. She sighed.

"Ano ba?"

"President ka ng student council diba?" Nag nod siya. "Ibig sabihin may records kayo ng mga estudyante." Pagpapatuloy ko.

Nakakunot yung noo ni Mami pero bigla iyon nagbabago at napapalitan ng expression na parang alam na niya yung sasabihin ko. "Parang alam ko na yang gusto mong pabor ah.. Sorry pero hindi ko magagawa yan." Thought so.

"Wala akong pake. I want to know the details about the transferee.." -me

Nagtaka naman siya. "Yung babae kanina? So.... Tama nga ako ng iniisip..."

"Ano?" I asked

"Na..... Na type mo yung girl.... Uyy!! Di na rin masama, maganda naman siya kaso mukhang mahiyain, tahimik lang siya eh.. Ayyie, ayiii!"

"Shut up! That's not it!"

"Nagba-blush ka kase?! Hahaha rodney's blushing!! Ang bad boy ng Pacific Scott Academy, nagba-blush!! Wihi~"

"Isa, tumigil ka ah!"

I just wanna know her because she's mysterious! Wala nang iba!!

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now