Ch37 | Almost

1.1K 95 27
                                    


↤❤↦

WHAT is love?” tanong ni Chevy sa
mga tao.
 
     The event had officially started. Kagaya ng inaasahan, halos mapuno ang venue—open kasi sa public. Hindi na rin ako nagtaka na pulos mga magkasintahan o nagde-date ang 97% ng attendees namin. E, sa Valentine’s Day, e. Lumikha ng ingay ang event online dahil na rin sa mga pakulong collaboration namin with some of the country’s trending vloggers and content creators.
 
     “Wow,” manghang bulalas ni Mandy sa tabi ko habang nakatutok sa cellphone. “Tanghali pa lang, pero pumapangalawa na sa trending ang pa-hashtag natin sa Twitter.”
 
     Ngumiti lang ako, ‘tapos ay itinutok na ang mga mata sa LED wall. Nagpe-play na kasi ang OBB.
 
     Ang pamosong artista na si Angeline Valdez ang unang lumitaw sa video. “Love is where your heart is at peace . . . and secured.”
 
     “Love for me is an act of sacrifice,” anang naman ng sumunod sa video na si Michele Moya, local singer. “When you are willing to give up and compromise things . . .  that’s love, I guess.” Sabay tawa nang mahina.
 
     Ang pangatlong clip ay mula sa kilalang painter na si Shamel. “For me, love is like an art. Minsan, magulo. Minsan, nakalilito. Minsan, kaunti lang ang nakakaintindi, but still . . . may mga nakaka-appreciate.”
 
     “Ang love . . . parang kape,” said Lineli Cosico, “minsan matamis, minsan, mapait kasi masakit . . . pero kapag nakuha mo na ang tamang timpla, that’s when you found the love that you’re looking for. Trial and error.”
 
     The video went on for more than three minutes. Iba't ibang mga tao pa ang nagbigay ng kanilang definition sa love. Nang matapos, muling lumiwanag ang buong paligid, tumutok ang followspots sa mga host na sina Chevy at Sely.
 
     “Grabe, iba-iba talaga ang definition ng mga tao sa love, ano, partner?” tatawa-tawang panimula ni Chevy.
 
      “Sinabi mo pa! Lahat ay may kani-kaniyang hugot.”
 
      “Ikaw ba, Mareng Selyn, what is love for you?”
 
     Umaktong pinagpawisan si Sely at nagpunas pa ng noo. “Grabe naman ‘yan, bakit naman bigla akong na-hot seat. Wala ito sa briefing kanina, ha. B, sinasabotahe ang event, o!”
 
     Natawa ako sa pagbanggit sa akin ni Sely.
 
     “De but seriously, for me, love is undefinable. We have different views and experiences when it comes to love. It’s like an invisible emotion na magre-resurface kapag nakita mo ‘yong taong magpaparamdam sa iyo n’on, but it doesn’t necessarily mean na kailangan mo ng ibang tao para maramdaman o maranasan ‘yon, sometimes kasi . . . sa mismong mga sarili natin mahahanap iyon.” Kumaway si Sely ng pang-Miss Universe. “And, I, thank you!”
 
     Umugong ang halakhakan at palakpakan sa paligid.

     Lahat ay nag-e-enjoy sa pagho-host ng dalawa sa event. Dalang-dala lahat ng attendees—kahit kami! Mabilis na lumipas ang first wave ng program.
 
      Hanggang gabi ang event, pero mayroong mga break para makapag-ikot-ikot sa booths ang mga attendee. Sa bawat booth, may mga naka-assign na models, at sa dami niyon, hindi ko na alam kung nasaan sina Keeno at Reed. Nagkaroon din kasi ng last minute changes kanina.
 
     Speaking of, naabutan ko si Reed na may tinatanaw. I followed the line of his gaze, pero sa sobrang dami ng tao, hindi ko matukoy kung sino ang tinitingnan niya. Isa lang ang sigurado ako, base sa ekspresyon ng mukha niya, hindi niya nagugustuhan nasasaksihan.
 
     Lumapit ako. “Huy, Reed, ano’ng problema?”
 
     “May kasama siyang iba,” tila wala sa sariling usal niya, salubong na salubong ang mga kilay. “Who the fuck is that asshole?”
 
     Sinubukan ko ulit hanapin kung sino’ng tinutukoy niya pero ang kapal kasi talaga ng mga tao. “Sino?”
 
     Instead of answering, Reed gnashed his teeth together. “Shit.” Padabog niyang binitiwan ang mga bitbit na flyers, ‘tapos ay tumingin sa akin. “B, I’m sorry. Susundan ko lang si Erina.”
 
     Bago ko pa man ibuka ang bibig ko para magsalita, tumalilis na si Reed paalis, sumunod ang mga bodyguard niyang nakapalibot lang sa mga booth.
 
     Iiling-iling na pinanood ko na lang ang papalayong pigura ng binata. Kahit malayo, kitang-kita ko kung paano itulak ni Reed ang lalaking kasama ni Erina. Hinawakan niya sa kamay ang babae, pagkatapos ay hinatak palabas sa venue. Akala ko ba, ayaw na?

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon