Ch34 | Bawal Yarn!

1.1K 92 13
                                    

↤❤↦

MY MOST dreaded time of the year had arrived—February 14. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sa dinami-rami ng mga organizer sa Pilipinas, sa akin pa talaga natapat ang event na ito. Hindi naman sa may issue ako sa Araw ng mga Puso, pero kasi . . . nauumay na ako na kung hindi trabaho, sarili ko lang ang kasama ko. Valentine’s Day shouldn’t just be about lovers!
 
     “Hindi tayo dumaan sa bidding, ‘no?” tanong ko kay Zahra pagkaibis mula sa sasakyan niya. Puno na ‘yong dalawang production van kaya sumabay na lang ako kay Zahra.
 
     Umiling siya. “Why? Kasi kung sakali, hindi mo gagalingan ang deck para hindi sa atin ma-award ‘tong event para makapag-file ka ng kunyaring sick leave?”
 
     Pabiro kong nilukot ang ilong ko. “Mej.”
 
     Humalakhak lang ang bruha habang sumusunod sa akin papunta sa back office ng venue. The whole place was still dark—pitch-black almost—not a single star was seen on the velvety deep blue sky. Nagkaroon lang ng liwanag at ingay sa paligid nang sunod-sunod nang dumating ang mga production truck at van. Dozens of warm orange and cool blue headlights illuminated the huge establishment. Naghahagalpakang bumaba ang mga lulan niyon kaya nabuhay ang buong lugar.
 
     Dali-dali akong nagsuot ng jacket nang umihip ang malamig na hangin. Sabi ng guard na nagbabantay sa entrance ng parking kanina, wala pa raw dumarating na admin. Okay lang naman. Halos kalahating oras ang inaga namin sa napag-usapang ingress na alas-dos ng madaling araw. Kung tutuusin ay medyo late pa iyon. Hangga’t maari, kapag ganitong malaki ang event, twelve midnight pa lang, nandoon na kami. Kaso, siyempre, kailangan namin mag-adjust din sa venue. E, sa alas-dos pa ang earliest na dating ng building admin nila, alangan namang ipilit namin?
 
     I needed to make sure na masusunod ang oras ng pagbukas ng bawat facility sa venue kaya kapag ganitong may event, back office or admin office ang parati kong unang pinupuntahan. Dapat ay well-endorsed lahat para hindi magkaroon ng issue sa lugar. Magiging busy na ang lahat mamaya, ayokong may tumatakbo sa aking staff ng venue para sabihing hindi puwede ang ganito-ganiyan o ‘di kaya’y hindi nila alam na gagamitin namin ang ganito-ganiyan, talagang magwawala ako.
 
     Umupo na lang muna kami ni Zahra sa rock bench na katapat ng office. Naka-lock kasi at patay pa lahat ng ilaw, gawa lang sa salamin ang pinto kaya kita namin ang loob.
 
     “Alam mo, mabuti na lang talaga, nakisama, for the very first time, itong puson ko today,” sabi ko kay Zahra kapagkuwan. “Usually, talagang ratay rin ako sa higaan kapag may period.”
 
     Totoo naman iyon. Well, at least, may valid reason ako noon para iwasan lagi ang February 14 kapag walang event o hindi ako ang nagha-handle ng event.
 
     “Huwag mong batiin!” saway sa akin ni Zahra. “Kapag sinumpong ka pa naman at uminit nang todo ang ulo mo, hinihimatay ka!”
 
     I snorted, removed my glasses from my eyes, and cleaned its foggy lenses with the hem of my shirt before slipping it back. “Wala ka bang date today?”
 
     Nagde-kuwatro ang dalaga. “Kailan ba ako nagka-date?”
 
     “Aba, malay ko! Si Nadine nga, ta’mo, may ka-something pala, pero walang may alam! Pa’no ka pa? Siyempre, hindi mo naman iii-spill sa amin kung may boylet ka o wala.”
 
     Zahra placidly shrugged her shoulders, then crossed her newly-manicured hands on her lap. “Well, wala rin naman talaga akong special someone right now.”
 
     “Date mo na lang si Bry! Dapat sinama mo para may happy pill kami mamaya kapag pare-parehas nang maiinit ang ulo namin,” sabi ko na ang tinutukoy ay ang limang taong gulang niyang anak. Napakabibo ng batang iyon, ta’s sobrang guwapo pa. Ang alam ko, Briton ang ama ni Bry, ta’s may lahi rin si Zahra kaya talaga namang pak na pak ang genes. Mag-anak na lang kaya ako, ta’s sabihin ko kay Zahra na ipagkasundo ang mga anak namin? “Ayaw mo pa ba magka-jowa?”
 
     “Para sa’n?”
 
     I gawked at her incredulously. “Duh, para naman may katuwang ka rin kay Bry, ‘no!”
 
     Inayos niya ang itim na polo shirt na siyang suot din naming lahat. Sa kaliwang bahagi niyon ay may nakaburdang blue na logo. Iyon ang uniform namin tuwing may event. “Kung ‘yon lang naman purpose ng jowa, then thanks, but no thanks. Kaya kong bigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko kahit mag-isa lang ako. Hindi ko kailangan ng katuwang.”
 
     Napapalatak ako. “Hindi naman sa gano’n, girl. Ang ibig kong sabihin, alam mo ‘yon, para may nag-aalaga rin sa iyo, may nagpapasaya sa iyo bukod sa anak mo, gano’n. Someone na . . . you know,” humina ang boses ko, “magmamahal din sa iyo.”
 
     Ano ba kasi ang pakiramdam n’on? A part of me still wanted to feel love and be loved . . . but a part of me wanted to ditch the whole idea. Tumingin ako sa nakapinid na pinto ng opisina.
 
     After a few seconds of not uttering anything, Zahra heaved out a sigh. “Ang problema kasi . . . no one seems to be good enough for me.”
 
     Pabiro kong hinampas ang clipboard ko sa naka-expose niyang hita. Nakasuot kasi siya ng puting palda na maong. “Sobrang taas naman kasi ng standards mo! I mean, alam ko namang beauty queen ka, pero baka naman sobrang out of this world na ang type mo. ‘Kaloka ‘to.”

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Where stories live. Discover now