Ch13 | Sibling Card

1.6K 122 20
                                    

↤♥↦

NGAYON, may iba ka na ring reason kung bakit ka uuwi ng Cavite, a,” tudyo sa akin ni Cams.

     I rolled my eyes playfully. “Ano, si Ratio?”

     “Sa iyo nanggaling, hindi sa akin,” Cams said in a sing-song tone. Iba naman ngayon ang nilalantakan niya, halo-halo. Sa alas siyete ng umaga.

     “Sira!” sita ko sa kaniya. “Last month pa ako nag-file ng leave para sa ngayong araw, ‘di ba? Sabi nang tutulungan ko nga si New Year na i-organize ‘yong event nila sa school. You know how my sister hates organizing events. It’s not her thing. Pero okay lang, ano’ng silbi ng pagiging event organizer ko if I can’t help my sister.”

     Tatawa-tawang pumalatak si Cams. “Alam mo, masyado kang defensive.”

     “Paano, iyang utak mo, kung saan-saan nakararating. At saka, nagsasabi naman ako ng totoo, ano’ng defensive ro’n?” Nilapag ko sa silya ang shoulder bag ko at saka uminom muna ng iced coffee para mabuhay lalo ang diwa ko.

     Wala talaga ako gaanong dinadala sa tuwing umuuwi ako sa Cavite. Bakit pa, e, marami pa naman akong gamit doon sa bahay ng parents ko. I grabbed my white sneakers from the shoe rack and slid my feet on it. Iyon ang go-to shoes ko. Mas nakakatayo ako nang maayos kapag naka-rubber shoes ako. Huwag nga lang uulan dahil tiyak na magiging abo ang kulay niyon kapag nagkataon. Tamad pa man din ako mag-isis ng putik dahil napakahirap tanggalin.

     “Alam ba niyang uuwi ka sa inyo?” rinig kong sabi pa ni Cams.

     Sinukbit ko ang bag sa balikat ko at saka sumulyap sa salaming nakakabit sa isang bahagi ng dingding ng apartment namin. “Hindi.”

     “Dapat sinabi mo para nakapagpasundo ka. May kotse naman siya, ‘di ba?”

     I scoffed. “Ba’t niya naman gagawin ‘yon? Ano ako special? Isa pa, nakakaawa naman ‘yong tao. Pagda-drive-in ko papunta rito sa Manila para lang bumalik ulit sa Cavite?”

     Nang makuntento ako sa ayos ko ay nagpaalam na ako kay Cams. Pagbaba ko, saglit akong nagdalawang-isip kung aakyat ba ako ulit o titiisin ang sikat ng araw. Sa huli, nanaig ang katamaran ko. Naisip ko na lang na maaga pa naman, healthy pa sa balat ang araw. Hindi naman din mahapdi ang tama niyon sakin. Hindi naman ako mestiza para mag-feeling.

     Nasa kalagitnaan ako ng pag-aabang ng masasakyang jeep nang biglang mag-vibrate ang phone ko. The caller id revealed Ratio’s name. Kunot-noong sinagot ko iyon.

     “Hello?” bungad ko sa kaniya.

     “Hi, B. I-ikaw ba ‘yong naka-tattered jeans at pink na t-shirt?”

     Mulagat na luminga-linga ako sa paligid. “Wait, nandito ka?”

     “Ah, yeah. Gabb told me na pupunta ka raw sa school nina Nayi para sa event?”

     I blinked my eyes. Hindi yata’t nagdilang-anghel ang kaibigan ko?

     Maraming nakatigil na kotse sa gilid at mga naka-hazard kaya hindi ko alam kung alin doon ang kay Ratio. Ilang saglit pa’y may tumapat sa aking Volkswagen. Bumaba ang bintana niyon sa passenger seat, lumitaw ang maamong mukha ni Ratio. Every angle of his face screamed ‘gentleman’ and ‘responsible’.

     “Hi, B,” kakamot-kamot sa ulo niyang bati. “Sorry, hindi kita nasabihan na susunduin kita. I wanted to kinda surprise you. Okay lang ba?”

     I couldn’t believe my eyes, so I had to ask. “Wait, saan ka galing?”

     “Cavite.”

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Where stories live. Discover now