Ch30 | Kupas na Larawan

1K 103 6
                                    

↤❤↦

TULUYAN akong napatingin kay Reed dahil sa sinabi niyang iyon. Abnormal yata talaga itong batang ito. “Hoy, hindi puwede.”
 
     “Bakit?”
 
     Tinuktukan ko siya. Hindi porque anak siya ng vice president, maglalaro na siya ng feelings ng mga kabaro ko, ‘no. “May nililigawan ka. At saka, masyado ka pang bata for me.”
 
     Hindi na kumibo si Reed. Ilang saglit pa, pababa na kami sa isang malawak na open area.
 
     “We’re here,” the pilot announced.
 
     Naunang bumaba si Reed para maalalayan ako. Hindi ko alam pero parang ibang Reed ang kasama ko ngayong araw. Para pa rin siyang anak ng mafia sa paningin ko, but he’s . . . gentler?
 
     “Ano pala ‘yong favor mo,” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa isang napakalaking mansion.
 
     “Babaeng models naman daw, puro lang kasi mga lalaki ang mga naibigay natin.”
 
     Tumango siya at sumenyas sa isang babae na kaagapay namin sa paglalakad. “Ikaw na bahala.”
 
     “Roger that, Mr. Ortega.”
 
     Ah, the power of this family.
 
     “Anything else?” untag pa sa akin ni Reed. “Wala bang mas mahirap na favor?”
 
     Natatawang napakamot ako sa ulo ko. “‘Yon lang.”      
 
     Tumigil siya sa paglalakad at pumihit paharap sa akin nang nakapamulsa. Tuloy ay tumigil din pati ang ilang bodyguard na sumasasabay sa paglalakad namin. “Are you sure?”
 
     “Oo, ‘yon lang.”
 
     “Hindi mo ba ite-take advantage ‘tong moment na ‘to para ipaasikaso sa akin ‘yong ilang kailangan mo sa event?”
 
     I blinked my eyes, then waved my hand dismissively. “Sira, bakit ko naman gagawin ‘yon? Ano pa’t naging event organizer ako, ‘di ba? Kung kaya ko naman, gagawin ko, bakit ko iaasa sa iba?” Napangiwi ako. “Dito lang talaga pagdating sa talents kasi wala na akong oras para mag-source nang mano-mano.”
 
     Naputol ang pag-uusap namin dahil lumabas mula sa mansion ang dalawang Mr. Ortega—Karma’s father and Reed’s father, the President and the Vice President themselves. Bigla akong na-conscious sa existence ko. First time ko lang makikita sila in person at mukha pa akong alikabok. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko sa likod at saka tinuwid nang husto ang likod ko. Snappy dapat, ganern.
 
     “Good afternoon, Tito and Dad,” bati ni Reed sa dalawa.
 
     Pumamulsa ang ama ni Reed. “What did I tell you about wearing ragged clothes, Reed?” Bumaling siya sa akin kapagkuwan. “You must be Birthday.”
 
     “Birthday?” amused na ulit ng Presidente at saka nakangiting tumingin sa akin. “Is that your real name?”
 
     Napakurap ako dahil hindi ko ine-expect na kilala ako ng daddy ni Reed, ‘tapos ay nakakausap ko pa ang mismong presidente ng bansa. “O-opo, m-magandang hapon po, Sirs.”
 
     Ilang saglit pa kaming nag-usap sa labas bago kami tuluyang pumasok ni Reed sa loob. Saktong dumaan si Karma habang nakikipag-usap sa phone. Karma eyed me from head to foot, then smiled.
 
     “Ikaw ‘yong nakita ko sa school last time, hindi ba? You’re pretty. Ikaw pala ang bagong tutor ni Reed. Nice meeting you.” Iyon lang at muli na siyang bumalik sa pakikipag-usap sa nasa kabilang linya. “Ano kaya puwede kong i-prepare for Comet tomorrow?”
 
     “Hindi n’yo naman ako kamag-anak, pero napi-pressure ako sa inyo,” bulalas ko habang sumusunod kay Reed paakyat.
 
     Umalog ang magkabilang balikat niya. “Well, nakaka-pressure naman talaga ang maging Ortega kung iisipin mo. All my cousins are law abiding citizens since they all need to maintain our family’s clean and crisp image.”
 
     “And you?” I stared at his back.
 
     Tumigil siya sa paglalakad at . “Obviously, I don’t conform.” Ikinibit niya ang mga balikat. “Or at least I try not to.” Tumapat siya sa isang narra na pinto. “This is my room.”
 
     Natuod ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko, nawalan ng kulay ang mukha ko. “D-dito tayo sa kuwarto mo?”
 
     Tatawa-tawang pinihit niya ang seradura at itinulak ang pinto. Bumulaga sa akin ang kuwarto niyang triple yata ng laki ng apartment ko.
 
     “Seryoso ka ba, dito tayo?” ulit ko, hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan ko.
 
     “Mukha lang hindi, but I’m a gentleman, B, lalo pa’t nandito tayo sa bahay namin.” Nauna na siyang pumasok sa loob.
 
     Kagat-kagat ang ibabang labi na humakbang na rin ako papasok. May point naman si Reed, pero kung hindi ko siguro nalaman na hindi siya Ortega, nunkang sasama ako sa kaniya rito sa bahay nila—let alone in his room.
 
     “I have my own study room, but I don’t really call it that,” Reed continued as he opened another door.

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon