Ch18 | Battle of the Yummiest

1.3K 107 23
                                    

↤❤↦

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

↤❤↦

"O, SA'N ka pupunta?" tanong sa akin ni Keeno nang makasalubong niya akong papalabas ng studio.

"Magpapahangin lang," sagot ko. Gusto ko sanang idagdag na kinakapos ako ng hangin gawa ni Devin, pero minabuti ko na lamang na itikom ang bibig. Malay ba niya kung sino si Devin.

"Hindi mo ako sasamahan? Hindi ko sila kilala," kunot ang noong sabi ni Keeno.

Napatutop ako sa noo ko. Shet, oo nga pala. Kaya nga pala ako nandito ay dahil alalay ako ng hudyo ngayong araw. Kasi naman 'yong Devin na iyon, tinaranta ang nananahimik kong brain cells! At saka, bakit wala man lang nagsabi sa akin na kasama siya sa shoot?

I raised my index finger. "Wait, puwede bang ubusin ko lang muna 'tong donut ko bago tayo pumasok ulit sa loob?"

Keeno's hearty laugh filled the air. "Sure, gusto mo bang kunin ko na rin 'yong isa pang dosena sa kotse? Mukhang kulang sa iyo isang dosena, e."

Inungusan ko lamang siya at saka naupo na sa couch na nasa hallway. Tumabi naman sa akin si Keeno at tila aliw na aliw habang pinanonood akong lantakan ang natitirang mga donut sa box.

Tumigil ako sa pagnguya at tinaasan siya ng kilay. "Kung makanood ka sa pagkain ko daig mo pa'ng nanonood ng sine, ah?"

"Nakikita ko kasi 'yong dating ikaw, pero mas matambok nga lang 'yong mga pisngi mo no'n."

I rolled my eyes. Parating pinagdidiskitahan ni Keeno ang mga pisngi ko noon. Kung hindi niya pinipisil, kinakagat! Ang sakit kaya! Minsan ay umiiyak ako kapag nasosobrahan siya sa panggigigil sa akin.

"Mabuti nga't umimpis nang kaunti ang mukha ko. Hindi mo na ako makukurot sa cheeks."

"Says who?" nang-iinis na gagad ni Keeno sabay angat ng kamay para pisilin ang pisngi ko.

I winced. "Aray!" Binitiwan ko ang donut na hawak ko para paluin ang kamay niya. "Masakit! 'Kita mong kumakain 'yong tao, e."

Lumawak ang pagkakangiti ni Keeno. "Nasasaktan ka pala? Akala ko wala nang pakiramdam 'yang balat mo kasi puno na ng fats."

"Alam mo, Keeno, dapat talaga sa bibig mo sinusulsihan. Wala nang matinong nasabi," kandahaba-haba ang ngusong saad ko habang hinahaplos ang nasaktan kong pisngi. Feeling ko nga rin ay namula iyon. Abnormal na Keeno talaga.

Mula sa bitbit niyang paper bag ay naglabas siya ng bottled water. "O, 'wag mo kalimutang uminom ng panulak. Mabilaukan ka. Masisi pa ako sa katakawan mo."

Kunwa'y galit na hinaklit ko iyon at saka kinalahati pagkatapos kong kumain. Tumayo ako at nag-inat-inat. Medyo halata sa tiyan ko na naparami ako ng kain, pero kiber ba nila. Ang mahalaga, busog.

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz