Ch29 | It's a bird, it's a plane

1K 98 17
                                    

↤❤↦

PAGKAIBIS ko mula sa sasakyan ni Ayson, agad parang gustong maluha ng mga mata ko dahil sa samu't saring usok ng Maynila na sumalubong sa akin. Daig ko pa'ng nasapak ng polusyon. Iba rin ang init dito, para akong bina-barbecue na hindi ko maintindihan. Katabi ng La Salle ang exclusive school kung saan nag-aaral sina Reed kaya hindi na rin nakakabigla ang mga mamahaling sports car sa paligid. Para talaga akong ligaw na kabute kapag pumupunta rito.

Akmang papasok na ako sa school nina Reed nang biglang mag-ring ang phone ko. The caller was none other than Reed.

"I got your text. Where are you?" bungad niya sa akin.

Umarko ang isang kilay ko. Bago ko pa pigilan ang sarili ko na magtaray, huli na ang lahat. "Makatanong, ah. Boss na boss."

Ano ba naman, B, ikalma mo. Ikaw 'tong may hihinging favor sa kaniya, e! I told myself.

"I'm sorry." Tumikhim siya. "Naisip ko lang kasi na baka sa school ka dumiretso."

"Wait . . . wala ka ba rito?" Napaayos ako ng tayo. Kinurap ko ang mga mata ko at pinanood ang mga estudyanteng naglalabas-pasok sa matataas na gate ng school. Sa sobrang taas, hindi na matanaw ang loob. Tama lang iyon siguro, puro kasi importanteng tao ang mga nag-aaral doon.

Reed chuckled. "Sabi na, e. Stay there, pasusundo kita."

Nanlaki ang mga mata ko. "Pasusundo? Huy, hindi na, hindi na!" Napahaplos ako sa leeg ko. "Puwede namang ano, uhm, dito na lang natin sa phone pag-usapan. Baka maistorbo rin kasi kita d'yan."

"No, sakto nga ang tawag mo, I need you today."

"Huh, ako?"

Muli siyang tumawa sa kabilang linya. "What, don't tell me nakalimutan mo ang agreement natin?"

"What agree—oh . . ." I hissed. Napatampal ako sa noo ko at napapalatak. "Oo nga pala! Seryoso ka ba talaga ro'n?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Napahilamos ako sa mukha ko. "Joke time ka naman kasi, Reed, e."

Humalakhak siya. "Napag-usapan na natin 'to, B, hindi ka na puwedeng umurong. Pumasok ka muna sa loob, do'n ka maghintay."

Napangiwi ako. "Puwede bang mag-jeep na lang ako? O kaya LRT?" Tinapunan ko ng tingin ang Vito Cruz LRT Station sa 'di kalayuan. "Saang station ba ako bababa kung sakali?"

"Who rides the LRT?"

"Mga dukhang katulad ko."

"Just go inside and wait. Saglit lang naman, e."

"Taxi?"

"Maliban sa family cars at government cars, wala nang ibang puwedeng makapasok na vehicle sa lugar namin, B."

Tila batang nagpapapadyak ako at napasabunot sa buhok. "Oo na, fine, fine. May choice pa ba ako?"

Katulad ng utos ng aking bagets na boss, pumasok ako sa loob ng school at naghintay sa cafeteria. Saglit muna akong nanghingi ng updates kay Ulan tungkol sa pine-prepare naming event. Nakipag-usap na rin ako sa mga supplier. Bawat oras ko ay mahalaga lalo pa at malapit na ang event, kailangan plantsado na halos lahat. Wala nang puwedeng pumalpak mula sa puntong ito. More or less twenty minutes din akong naghintay bago muling tumawag sa akin si Reed.

Tumayo ako at bahagyang nag-inat-inat. "Lalabas na ba ako?"

"Pumunta ka sa faculty building—sa dulo. Nasa 6th floor ang helipad."

I blinked my eyes because I thought I heard something weird. "What? Pakiulit."

"Bingi ka talaga, 'no?" aniya. "Ang sabi ko, umakyat ka na sa 6th floor ng faculty building kasi doon located ang helipad."

So tama nga ang narinig ko. He really did say 'helipad'. Well, klaro naman sa pandinig ko ang bawat salita, pero hindi lang talaga ma-process ng utak ko. Ayaw maki-cooperate ng brain cells ko. "Ano'ng gagawin ko sa helipad?"

Hindi nakaligtas sa akin ang malakas na pagbuga ni Reed ng hangin. "Ano sa tingin mo ang meron sa helipad? Hindi 'yan puwedeng maghintay nang matagal. It's our private helicopter."

My lips parted in awe and in . . . shock. "Bakit naman helicopter?!" Napalakas 'yong boses ko kaya pinagtinginan ako ng mga estudyante na nasa cafeteria rin. "Hindi ba puwedeng taxi lang o ano? Helicopter talaga?"

"I need you here asap," he said sternly. "Kung susunduin kita gamit lang ng kotse, maiipit ka sa traffic. Ten minutes or fifteen minutes max ka lang naman sa himpapawid. Dalian mo na, time is running, B."

Malalaki ang mga hakbang at bubulong-bulong na lumabas ako sa cafeteria, binaybay ang pagkahaba-habang quad, at hinanap ang faculty building.

"I can see you," wika ni Reed, tatawa-tawa.

Hindi siya umalis sa kabilang linya dahil siya ang nagbibigay ng direction sa akin papunta sa faculty building.

Umismid ako at lalong nilakihan at binilisan ang mga hakbang. "Puwede bang huwag mo akong panoorin? Ang awkward!"

"I'm not."

"You are!"

"Hindi nga, hindi ko nga alam na sobrang lukot na 'yang mukha mo, e," pambubuska niya. "Nice hair, by the way."

"Reed!" Itinabon ko 'yong bag ko sa mukha ko.

Dahil nakarating naman na ako faculty building, halos liparin ko ang sixth floor. Good thing, puwede sa lahat ang elevator. Sa school kasi namin noon, literal na faculty members lang ang puwedeng mag-elevator. Pag-akyat ko, nakita ko si Reed na nakasandal sa gilid ng itim na helicopter. Nakapamulsa ang loko at nakatingin sa direksyon ko, tila hinihintay na talagang iluwa ako ng pinto. Lumawak ang pagkakangiti niya at saka kumaway sa akin.

"Hi!"

Kunwa'y yumukod ako. "Magandang araw, kamahalan."

Humalakhak si Reed at saka inilahad ang kamay sa harap ko. "Let's go?"

Napalunok ako at saka sumulyap sa helicopter.

"Isipin mo na lang nakasakay ka sa airplane, medyo iba nga lang sa pakiramdam, but don't worry," he gestured at the aviator, "Pilot Rafael is one of the Ortega's trusted private pilots." Dahil hindi ko pa rin kinukuha ang kamay niyang nakaumang, siya na mismo ang nag-abot sa isang kamay ko. His palm warmed mine. "Let's go."

"Ba't sumama ka pa?" tanong ko kapagkuwan nang makasakay na ng helicopter.

"Bawal?" aniya habang inaayos ang lap belt and shoulder harness ko. Hindi naman ako marunong niyon kaya hinayaan ko na lang siya.

"No, I mean . . . na-hassle ka pa, puwede mo naman akong hintayin na lang."

He clasped the remaining belt, lifted his gaze, then met mine. "You ask so many questions." I could feel his minty breath fanning against my flushed face, we were that close. "Kumapit ka na lang, okay?" Sinenyasan niya ang piloto sa harapan. "Let's go."

Saglit na nagsalita sa radyo ang piloto bago nagsimulang paandarin ang helicopter. Wala pa nga yatang isang metro ang inaangat ng helicopter ay napakapit na ako sa palapulsuhan ni Reed. Para kasing any moment ay tatagilid kami. Hindi naman ako takot sa heights, pero takot ako kapag ganitong walang kasiguraduhan kung buhay pa ako sa susunod na limang minuto ng buhay ko.

"Jusko, hindi pa nga ako nagkaka-jowa, mate-tegi na yata agad ako!" usal ko habang mahigpit pa ring nakakapit kay Reed. "Hindi pa ako ready umakyat sa langit, hindi ko pa nabibilang lahat ng minus points ko."

Humalakhak ang binata. "E di, jowa-in mo na ako ngayon para kung sakali mang mamatay tayo mamaya, at least, namatay kang may boyfriend."

Sa kabila ng kaba ko ay sinamaan ko siya ng tingin at tinampal sa kamay. "Puro ka kalokohan, ano?"

Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang tuluyang pag-akyat ng helicopter. Kung ano-anong mura na yata ang nausal ko. Tila naman nananadyang parang sumadsad sa imaginary barrier ang helicopter kaya mas lalo akong napakapit sa kaniya—sinubsob ko na ang ulo ko sa balikat niya at halos gusutin na ang suot niyang damit dahil talagang napahatak ako sa kuwelyo niya.

"Calm down," he hushed, chuckling. "Walang masamang mangyayari sa atin, promise. Normal lang 'to since hindi pa stable ang andar natin sa taas." Naramdaman ko ang paghuli ni Reed sa kamay ko. Muli niya iyong pinaghugpong. Gusto ko sanang umalma pero mas lamang pa ang kaba ko kaya mamaya na lang siguro kapag nagawa ko nang kalamayin ang loob ko.

"Marami pa akong balak sa buhay ko, Reed, ha!" asik ko sa kaniya habang nakapikit pa rin.

"I'm here, kailan ba kita pinabayaan kapag magkasama tayo?"

Nang maramdamang smooth na ang pagpapalipad ng piloto, unti-unti ko nang idinilat ang mga mata ko. Agad 'yong bumaba sa mga kamay namin ni Reed na magkasalikop. I tried to pull away but Reed didn't let me. Kunwa'y clueless na tiningnan niya ako.

"I think gets ko na kung bakit sumama ka pa sa pagsundo sa akin," I said. "Mister, tsansing na tawag dito, ha."

Dahan-dahang gumuhit ang isang ngisi sa mga labi ni Reed. "Mister, I like it . . . and you are, what, my misis?"

Buong puwersa kong hinatak ang kamay ko sa narinig, pero hindi talaga ako pinakawalan ni Reed. "Kilabutan ka nga! 'Tong batang 'to."

Tinawanan lang ako ng hudyo. Mula sa akin ay nilipat niya ang tingin sa labas. Sobrang taas na namin. "Look outside."

And I did.

"Mas maganda 'to sa gabi," I heard him say.

"Ganoon nga ang nakikita sa pelikula. Parang wala pa yata akong napapanood na romantic scene sa helicopter na may araw," I muttered.

He glanced over his shoulder. "Why, do you want this to be romantic?"

"Sinabi ko lang!"

Kumurba ang mga labi niya. "Defensive."

Unti-unti nang natutunaw ang kaba ko. Nagsimula na akong i-admire ang kabuuan ng siyudad. Sa buong buhay ko, ni sa hinagap, hindi ko inisip na makakasakay ako ng helicopter. Kitang-kita ko kung gaano ka-busy ang buong Maynila at pati Makati. Mula sa typical view na naggigitgitang mga sasakyan sa kalsada, mga yero ng bawat bahay, at sabit-sabit na MRT at LRT, napunta kami sa puro nagtataasang mga building at naglalakihang mga bahay—o mas tamang tawaging mansion. Para akong biglang nag-subscribe sa premium version ng Philippines, Tagaytay feels din, e. Magtatatlong dekada na akong nabubuhay, pero ngayon ko lang nalaman ang bahaging ito ng siyudad.

"Maging crush mo ako niyan, a," pagbibiro ko habang ninanamnam pa rin ang mga nakikita sa labas. Kita ko kasi sa peripheral vision ko kung paano ako titigan ni Reed.

"Crush na nga, e."

↤❤↦

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Where stories live. Discover now