Ch33 | DTR

1.1K 91 9
                                    

I want you guys to watch the video above before reading the remaining parts of Someone to Kiss This Valentine’s Day. That’s the message of the whole book in a nutshell :)

↤❤↦

PRINCE! Hoy!” panggigising ko sa binata na hindi man lang natitinag. “Sira ulong ‘to! Tulog mantika! Hoy, gising!” Mahigit sampung hampas yata ang ginawa ko bago tuluyang kumilos si Prince. “Pambihira, magkaka-muscle ako sa paggising pa lang sa iyo!”

     Nanatili siyang nakahiga sa naka-recline na upuan, saglit na kinurap-kurap ang mga mata, at pumungas-pungas na nilipat ang tingin sa akin. It took him almost a minute of continuously rubbing his eyes before he finally got his bearings. Bumalikwas siya ng upo at tulirong ibinaba ang bintana wari bang kinukumpirma ang liwanag na tumatagos sa loob ng sasakyan niya.

     “Shit,” he muttered, but plopped back down. Kamukat-mukat ko’y muli niyang ipinikit ang mga mata.
 
    Aba talaga naman! Muli ko siyang hinampas—this time, sa tiyan na para tuluyan na siyang magising, pero medyo napangiwi ako. Tigas, e! Para akong may hinampas na bato o kahoy! Nag-flash sa isip ko ‘yong abs niya noong shoot. I shook my head. Muli siyang napaupo at lukot ang mukhang binalingan ako.
 
     “Bakit naman hindi mo ako ginising?!” paghihisterya ko.
 
     “Paano kita gigisingin, e, ang sarap-sarap ng tulog mo?”
 
     Para akong kiniliti sa morning voice ni Prince. He sounded raspy and sexy. Napahawak ako sa sentido ko. Bakit ako nagkakaroon ng ganitong thoughts? Ah, alam ko na, hormones. Either daratnan na ako bukas o sa susunod na araw. Iyon lang naman iyon, e.

     Sumagap ako ng hangin. “Alam mo, ewan ko sa iyo. Sabi ko kagabi, gisingin mo ako pagdating natin dito, hindi ko naman sinabing mag-camping tayo!” Pabiro ko siyang dinuro. “Wala ka namang ginawa sa akin, ‘no?”
 
     Kumunot ang noo niya, ngunit natawa naman din agad. “Wala, wala. Ni dulo ng buhok mo, hindi ko hinawakan.”
 
     “Dapat lang!” Inirapan ko siya, ‘tapos ay sinubukan nang lumabas ng pinto, pero naka-lock iyon. “Ano, balak mo bang mag-camping dito hanggang bukas? Second round?”
 
     Makahulungang ngumiti si Prince. “Wala pa ngang first round, second round na agad?”
 
     Pinandilatan ko siya ng mga mata. “Tse! Palabasin mo na ako. Kailangan ko na pumasok sa trabaho!”
 
     “Wala bang thank-you kiss?”
 
     “Ang aga-aga, ang landi-landi mo. Thank you sa paghatid, sana ito na ang huli,” I deadpanned.
 
     He threw his head back and roared with laughter. Narinig ko ang pag-unlock ng pinto.
 
     “I’ll see you sa event.” He winked at me.
 
     I alighted from his car, slammed his door shut, then ran as fast as I could upstairs. Mabuti at mabilis-bilis akong kumilos, thirty minutes lang, tapos na akong maligo at mag-prepare. Nag-book na lang ako ng Angkas para mabilis akong makarating sa office.
 
     “Girl, hinahabol ka ng suklay!” bungad sa akin ni Carla.
 
     Ako namang si lutang at sabog, tumingin sa likod ko. Akala ko hinahabol ako ng suklay—literal! Iyon pala, magulo ang buhok ko. Iba yata epekto ng pagtulog ko sa sasakyan ni Prince. Mabuti na lang at maikli na ang buhok ko ngayon, kahit suklayin ko lang gamit ng mga daliri ko, keri na.
 
     “Ba’t mukhang bangag ka?” puna naman sa akin ni Zahra. “Nag-party ka ba kagabi?”
 
     “May araw ba na hindi ako mukhang bangag?” Dali-dali kong in-on ang laptop ko habang nilalapag sa desk ko ang mga folder na bitbit ko.
 
     “Wala, lagi namang ganiyan ang hitsura mo—actually, nating lahat, pero mas basang sisiw ka nga lang today.”
 
     “Nasobrahan lang sa isaw at betamax.”
 
     Nakasalikop ang mga braso sa dibdib na lumapit sa akin si Zahra. “Ha? May effect ba sa pagtulog ‘yong barbecue?”
 
     “Sa akin meron, sa iba, hindi ko sure,” sabi ko na lang sabay salampak ng upo. Pinaraanan ko ng tingin ang sticky notes ko, tsine-check ko kung meron pa ba akong nakaligtaan o kulang. “Sige na, tsupi ka na, Boss Z. Magwo-work na ako, mamaya mo na ako daldalin.”
 
     Ilang saglit pa, pinuntahan ko si Nadine kasi may ipapahabol akong artwork na ipi-print sa sintra board, pero naudlot ang sasabihin ko nang makitang namamaga ang mga mata niya. Sa sobrang maga niyon, hindi ko na alam kung dahil sobrang iyak ba o nakagat lang siya ng insekto sa parehas na mata. Siyempre, kahit na busy ako, hindi naman ako heartless na katrabaho, so kinumusta ko siya.
 
     “Huy, okay ka lang ba?” nag-aalangang tanong ko kay Nadine.
 
     Nadine sniffed. “O-okay lang po, Miss B.”
 
     “Sigurado ka?”
 
     Pero sukat doon ay bumunghalit ng iyak si Nadine. Nataranta ang pagkatao ko! Bakit kaya gano’n, kahit sa mga classroom noon, kapag inaalo ang isang babae, lalong humagulgol. Hindi ko gets. Hindi naman ako dumaan sa phase na iyon noong kabataan ko, e.
 
     “‘Kita mo nang hindi, tatanungin mo pa,” ani Carla na kapapasok lang din sa office ng creatives. May ipagagawa rin siguro dahil may bitbit siyang dalawang flash drive.
 
     I gestured my hand that was holding a bunch of paper. “Aba, malay ko ba kung napagdiskitahan lang ng mga ipis ‘yang mga mata niya. Mapaghiganti pa naman ang mga ipis ngayon!”
 
      “Loka ka! Kailan pa may naiyak nang ganiyan dahil sa kagat ng ipis?” Napapantastikuhang sinikmatan ako ni Carla bago siya dumiretso sa gilid ni Nadine.

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Where stories live. Discover now