Ch23 | B 2.0

1.1K 85 13
                                    

↤♥↦

I BROUGHT us food!” anunsiyo ko pagkasapit ng lunch break namin sa office.

     Mula sa pagkakaharap sa kani-kanilang mga computer, bumaling sila sa akin. Busy kasi ang lahat dahil sa dami ng mga nakalinyang projects namin kaya ni isa sa kanila ay wala pang tumatayo.

     “Bumili ka?” tanong ni Nadine habang minamasahe ang leeg.

     Tumayo ako at nag-inat-inat. “Nope, I cooked it myself.”

     “Hindi ba kami malalason diyan?” ani Larry.

     Sinamaan ko lang ang huli ng tingin.

     Lumapit naman si Ulan sa printer na nasa gilid ko para kunin ang mga papeles na p-in-rint niya kanina. “Iyon po ba ‘yong nasa kaldero sa pantry?”

     “Yup!” Medyo tanga ako sa part na hindi ko binasa kung ilan ‘yong servings no’ng pinag-check-an ko ng ingredients and instructions. Para sa isang buong pamilya pala! Ako namang aanga-anga, sinunod lang lahat ng nakasulat sa website. Nagsaing na rin ako kasi may rice cooker naman sa pantry, para kumpleto na’t hindi na sila gumastos pa para sa lunch.

     “Hindi ko nga lang sure kung masarap,” pag-amin ko sabay tawag sa kanila papunta sa pantry. “First time ko magluto, pero mukhang okay naman sa panlasa ko. Edible naman siya, don’t worry.”

     Kani-kaniyang kuha na sila ng mga plato at kubyertos. Hindi agad ako nakisali sa pagsandok, hinintay ko muna na matikman nila ‘yong luto ko. Siyempre ay hindi pa ako confident doon, ngayon nga lang ako nag-experiment sa kusina, ang lakas pa ng loob kong mag-alok, ‘di ba?

     “Puwede ka nang mag-asawa, B!” kapagkuwa’y saad ni Zahra, pumikit-pikit pa siya habang ninanamnam ang niluto kong munggo.

     Sinegundahan naman iyon ng iba naming mga katrabaho.

     “Impernes, masarap!” puri ni Mandy, ang HR namin.

     Nag-thumbs up naman ang isa sa mga AE namin na si Carla. “Puwede mo nang gawing business, B. Mag-alok ka na rin ng mga pagkain sa buong building. Kikita ka pa. We wouldn’t mind.” Siniko niya si Zahra. “Right?”

     Sumubo si Zahra at saka tumango. “Right! Basta libre na pagkain naming lahat dito.”

     “Totoo ba?” ngingiti-ngiti kong sambit. “Alam n’yo wala akong pera. Wala kayong mahihita sa akin.”

     Nagtawanan ang lahat. Natuwa naman ako na nasarapan sila sa niluto ko—well, sana lang ay talaga ngang nasarapan sila. Baka kasi mamaya, takot lang silang mabulyawan o matarayan ko kapag nilait nila ang luto ko. Tsarot!

     Nagpaalam ako kay Zahra na io-offset ko ang kalahating araw ko ngayon. Naipon na ang leaves and offset ko kaya pinagbigyan niya naman ako, basta matapos ko lahat ng deadlines ko ngayong araw, and I did! Ang maganda rito sa company namin, hindi ganoon kahigpit. Kaya wala rin akong balak umalis dito kahit ang sakit-sakit na ng ulo ko sa mga event.

     For some weird reason, I felt the need to rearrange my apartmen—or at least, put life into it. Never pa akong nakapamili ng sarili kong mga gamit sa apartment, kaya ang una kong pinuntahan ay ang bilihan ng mga furniture. May mga s-in-ave akong inspirations mula sa Pinterest. Hindi ko kasi sure kung okay ba ang taste ko pagdating sa mga gamit kaya naghanap na lang ako ro’n sa website ng bet kong theme.

     Sa ilang taon kong pamimili ng mga damit, kanina ko lang na-realize na karamihan doon ay iba’t ibang shades ng green, so I thought it must be my favorite color—and black, too. Kaya iyong mga nakuha kong theme sa apartment, naglalaro ang color scheme sa green, black, at beige. Sakto naman dahil kulay beige ang pintura ng buong apartment.

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Where stories live. Discover now