Ch25 | Playboy Ng Taon

1.3K 90 12
                                    

↤❤↦

KUNG hindi boses ni Cams, ingay sa kusina ang madalas na gumising sa akin sa umaga dahil mahilig siyang magluto. Ngayon, ang nakasisilaw na sikat ng araw ang gumising sa akin. It was way too harsh, enough to burn my lids. 

     Dumilat ako, bumuga ng hangin, at saka mabigat ang loob na bumalikwas ng tayo para tabunan ng comforter ang bintana. Mukhang hindi ideal ang ipinalit kong sheer curtains doon. Dati kasi ay blackout curtain ang nakasabit doon, gusto ko kasi madilim ang kuwarto ko kapag magpapahinga ako. Mas masarap kasi ang tulog ko kapag gano’n, ‘tapos malamig-lamig din.

     Napangiwi ako nang makita ang hitsura ko sa salaming nasa gilid ng kama ko. Gulo-gulo ang buhok ko at may bakat pa ng kumot sa gilid ng mukha. Hindi kasi ako malikot matulog, kung ano ang nakatulugan kong puwesto, ganoon din ako gigising. I snatched my phone from the nightstand. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang malapit nang mag-alas-diyes nang umaga.

     “Shuta, male-late na ako!” I shrieked. Dapat pa pala akong magpasalamat sa sikat ng araw!

     Pero bago ako nagpatangay sa kabang nararamdaman, dali-dali ko munang s-in-et ang alarm ko at ginawa iyong daily tutal naman ay wala nang ibang gigising sa akin. Ayaw ko na ring maulit kung paano ako nagising ngayon, baka bukas o makalawa, bulag na ako.

     Hinablot ko ang kulay green kong tuwalya at saka inilang hakbang ang distansya ng kuwarto at banyo. I took a quick bath, skipped breakfast, then hired myself an Ubertsarot, wala akong pang-Uber, ubos na ang pera ko, hanggang habal-habal lang ako.

     Alam ko naman na mag-o-ocular lang ako ngayon kaya hindi ko na binonggahan pa ang suot ko. Well, hindi naman din laging bongga ang suot ko kahit pa sa office lang ako. I wore my usual today—a black cotton polo shirt and a pair of faded blue jeans.

     “Si Larry ba kasama ko?” tanong ko kay Zahra nang makarating ako sa office.

     Umiling siya. “Sa ibang site ko siya pinapunta. Magsusukat. Need ng dimensions sa gagawing floor plan, bagong venue, e, para masama sa mga proposal.”

     Tumango-tango ako. “Sino naka-spot?”

     “Me!” sagot ni Nadine. “Nadaanan ko lang no’ng isang araw habang pauwi. P-in-icture-an ko na rin. Maganda siya at saka malaki, bagay sa projects mo, Miss B.”

     “So ako lang ang mag-o-ocular today?” Sinalpakan ko ang bag ko ng kung ano-anong kutkutin mula sa pantry.

     “Hoy, magtira ka naman sa amin!” sutsot sa akin ni Mandy sabay lapit at palo sa kamay ko.

     “Oo, ikaw lang,” sagot ni Zahra sabay sandal sa dingding. “Gusto mo ba ng kasama? Pinako-contact ko lang naman si Ulan ng suppliers.”

     Narinig naman iyon ni Ulan at saka lumapit sa printer para magsalang doon ng maraming papel. Parang sa tuwing makikita ko siya sa office, nagpi-print siya ng kung ano-ano.

     “Naku, Miss Z and Miss B, baka hindi ko po keri sumama. Hindi ko pa po natatapos i-finalize ‘yong suppliers, e,” ani Ulan.

     As if on cue, the door swung open. Iniluwa niyon si Keeno kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. Hawak-hawak ang seradura na napatigil siya at nilapat-lipat ang tingin sa amin.

     “Uh, h-hello?” takang usal ni Keeno. Mukhang na-conscious bigla sa sarili. “Ano’ng meron?”

     Napapitik si Zahra. “Perfect! Are you done with your VTR, Keeno?”

Someone To Kiss This Valentine's Day ✓ (Published under Talking Pages) Onde histórias criam vida. Descubra agora