Habang hawak-hawak ko ang note na gawa ni Ken dahil paulit-ulit ko 'yong binabasa ay biglang nag-vibrate ang phone ko, nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad ko 'yon sinagot.


"Hello, Ma! Napatawag ka?"


"Kumusta ka nak? Nakita kita sa T.V! Ang galing mo!" Dinig na dinig ko sa kabilang linya ang tuwa niya, "Pasensiya na at ngayon lang ako nakatawag, sobrang busy lang talaga dito sa motel lalo na't mag-uundas na."


"Ayos lang, ma! Ano ka ba," saad ko, "Mag-uundas na nga pala, may nahanap ka na bang manager o gusto mo umuwi na lang muna ako d'yan."


"Nako, anak kung uuwi ka lang dito para mag-trabaho, 'wag na. Kumusta pala ang grades mo?"


"Maayos naman ang mga scores ko sa exam pati na rin sa mga activities na binibigay ng professor ko, sa tingin ko ay mataas naman ang ibibigay nilang grades sa 'kin."


"Nagpadala ulit ako sa'yo ng allowance mo, malakas ang kita ngayon sa motel kaya dinagdagan ko 'yan!"


"'Di mo naman kailangan dagdagan ma, tska pwede naman akong magtrabaho dito—"


"Hangga't nabubuhay ako, Dave, hindi mo kailangan magtrabaho."


"Sige, ma, panalo ka na," I said in defeat. Napabuntong-hininga nalang ako, dati lagi naming pinagtatalunan ang pagta-trabaho ko rito sa Maynila kahit part-time lang e, ayaw niya pa rin.


"O sige, sabihin mo sa 'kin kapag may problema ka! Bye, nak."


Nang maibaba ko ang tawag ay tumingin ako sa orasan. Shit, late na ako sa game ni Daisy!




SOBRANG sakit sa tenga ang ingay ngayon dito sa gymnasium nakapuntos kasi ang team nila Daisy. Nasa ikalimang set na sila ngayon at may score na 8-14, nangunguna sina Daisy. 'Di pwedeng magpakapante dahil maari pa ring mahabol ng kalaban ang score kahit isang puntos nalang ang kailangan nina Daisy.


"Go, Daisy!" Malakas 'kong sumigaw at napatingin sa gawi namin ni Lia si Daisy.


Hawak-hawak ni Lia ang banner na last-minute naming ginawa kanina sa labas.


Nasa kalaban ang bola, sobrang bilis ng pangyayari kapag audience ka lang. Ibang-iba kapag ikaw mismo ang naglalaro sa loob ng court, parang tumitigil o bumabagal ang pangyayari at oras. Hinila ni Daisy ang teammate niyang nasa kanan papunta sa kaliwang side ng net.


"1,2, Jump!" Sigaw ni Daisy, they created a three-man block. Saktong pagkatalon nina Daisy ay pumalo ang spiker ng kalaban, tumama ang bola sa block at bumalik 'yon sa kalaban.


Napatayo kami ni Lia at napatili sa tuwa. Yumakap si Daisy sa team niya at nag-thumbs-up kami sa kaniya. Hinintay naming makaligo si Daisy, nandito kami ni Lia sa may gazebo ng university.

Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Where stories live. Discover now