Chapter 23

12.7K 202 18
                                    

Chapter 23

"Wow, boss na boss ang oras, ah?" Harold welcomed me with his sarcastic laughed. At talagang hindi niya ako hinintay na makalapit pa, nang-aasar kaagad kahit nasa malayo pa lang ako kaya ang iilan na empleydo na kasama ko sa palapag ay natawa din sa amin. I walked fast near my table, nandoon prente na nakaupo si Harold.

"Nag-paalam ako sa'yo. Tabi na nga diyan!"

Namamangha siya na lumingon sa akin at tumabi rin naman. Habang ako ay ibinagsak kaagad ang katawan sa sariling swivel chair, napahilot agad sa ulo. "Oh, ayos ka lang ba? Kumust anag pagbisita mo sa anak mo?"

"What? Ayos lang ako. Bakit ganyan ka magtanong."

"Ay naku, Allison, ang tanga. Malamang si Nate ang pinuntahan mo kaya alam ko na malulungkot ka at dahil wala ka naman jowa, ako na lang na kaibigan mo ang gagawa nun."

"Hindi ko alam kung concern ka talaga o nang-iinsulto... Pero ayos lang ako. Salamat. Tsaka pala...Nagkita kami doon ni Nathan."

"Oh? Anong nagyari?" Napantig ang tainga niya doon at biglang lumapit pa siya sa akin para talaga makiusosyo. Napailing na lang ako sa isa na ito. Mabuti na lamang ay natitiis talaga siya ni Cherry sa mga ganitong batang akto niya. At masaya ako para sa kanila. Baka isa ako sa malungkot kapag naghiwalay pa sila. Kahit na sa ikli pa lang ng panahon na magkasama sila ay kitang-kita ko kung gaano nila kagusto ang isa't isa.

"Ayun, napag-usapan naming 'yun tungkol sa mga bata."

"Eh, sa'yo? Wala ba siya sinabi pa tungkol sa iyo?"

I shrugged my shoulder. Walang balak na sabihin ang huling narinig kanina sa dating asawa.

Katulad ng naging usapan, nang mga sumunod na Linggo ay doon nga talaga hiniram ni Nathan ang mga anak. Sa bawat uwi naman nila galing sa ama ay kakamustahin ko sila.

"He's okay now, mom. Ibang-iba sa dati. Siya pa nga po ang nagluto ng pagkain namin. Nakikita ko na bumabawi siya sa amin," Natalie excitedly exclaimed. Pang-ilan linggo na nila ito at kapag may pasok, ang sabi ni Klayd ay paminsan-minsan na sinusundo sila ng ama kaya hindi na sila sumasabay sa school service nila.

"But mom, syempre, huwag ka mag-iisip ng kung ano pa diyan. Not because we enjoy being with him again, it means that you two should be together again. No, mom... Basta kahit ano pa ang desisyon mo, masaya kami. Hindi mo kami kailangan pa intindihin. Naiintindihan na naming ang lahat," Klayd said. "But can I have a request? Ngayon lang 'to, mom! Promise!"

Napakunot ang noo ko sa kanya. He seems hesitant but he really needs to say it to me. Ginulo ko pa muna tuloy ang buhok niya. "What is it, Klayd? May girlfriend ka na?"

"What? Hindi iyon!" Inis na baling niya sa akin kaya natawa ako. Muli ko silang sinikop sa mga braso.

"Daddy's birthday is near. It will be on May 25th, right? Nagkausap kami if what gift does he want. Ang sagot niya sa akin ay kahit sana tayong tatlo lang daw sa araw na iyon. Will you be there, mommy?" Klayd softly said. BIgla ay natuwa sa anak. Kahit na ano ang nangyari sa nakaraan, he's still soft when it comes to Nathan.

"I will try."

Katulad ng hiling ng anak ay pinagbigyan ko nga sila. Klayd told me that their father doesn't have any clue that I will be there. Basta ang naikuwento niya sa ama ay ihahatid ko lamang sila sa baba ng building kung nasaan ang unit niya. "Mom, ayos lang talaga sa'yo 'to?" pag-uulit pa ni Klayd.

Wrathful MarriageWhere stories live. Discover now