Chapter 3

12.6K 212 31
                                    

Chapter 3

Hawak-hawak ko ang dibdib sa pagod nang takbuhin ko mula sa labas ng bahay hanggang sa makaakyat ako sa ikalawang palapag. Ang iilan na katulong na nasa baba ay bumati pa sa akin na hindi ko nagawa pansinin.

Humahangos ako na dumeretso sa kwarto nang agad na mapatigil sa naabutan na pag-aasikaso ni yaya Luz sa anak na ngayon ay mahimbing ang pagtulog sa kama.

Agad ko naisalampak ang sarili sa sahig na nagdulot ng ingay. Pagod ako na napaupo habang ang mga tingin ay nasa anak pa rin na payapa na ngayon ang tulog. Yaya immediately held me. Pero sa bigat ata ng puso ko ay hindi niya ako nagawa itayo din.

"Allison, maayos na ang anak mo..."

Napatango-tango ako at naramdaman ko ang magkakasunod na patak ng mga luha ko. "Manang, natakot ako."

I cried and she kneeled to console me. Niyakap niya ako at binulungan ng mga salita. "Matapang at malakas si Nate. Maniwala ka sa kanya na palagi niya lalabanan ang sakit niya."

Hindi ko nagawa sumagot nang mapahagulgol at yumakap na lamang sa kanya. Nang makabawi na sa nangyari ay dahan-dahan ko na ginapang ang distansya sa kama. I held out his arms form the blanket at agad na hinalikan iyon. A tear fell from my eyes again nang makita na naman ang sitwasyon ng anak. He's too young for always using mask and oxygens, pero I don't have a choice. Napapikit na lamang ako.

"Baby..." I called him. "Please, huwag mo naman takutin ng ganito si mommy. You know that I cannot afford to lose you. Lumaban ka palagi, ha?"

Tulog man siya ngayon ay itinuloy ko pa rin ang ganoon na pagsasabi.

Naalimpungatan na lamang ako nang may marahan na sumusuklay sa buhok ko. Agad ako napamulat at saka lamang naalala na nakatulog ako sa pag-upo sa sahig para bantayang ang anak. I glance at Nate at naabutan na nakatingin na siya sa akin wearing a cute smile, showing his still baby tooth.

"Ayos ka na ba?" agad ko na pag-aalala.

Tinawanan lamang niya ako at itinuro ang nasa likuran ko.

Agad ko na nalingunan ang kambal at nanlaki ang mata dahil andito na sila. Mabilis ko na sinipat ang oras. Ang tagal ko nakatulog? It's almost five. Inasikaso ko muna ang kambal na kanina pa pala nakauwi bago bumalik kay Nate na hanggang ngayon ay nasa kama pa rin pero wala na kung ano pa na nakalagay sa kanya. He seems to be okay now. Based on his actions also.

Yakap lamang ang ginawa ko at ginantihan niya ako. "Mommy, I am hungry na. Can we eat early dinner?"

I agreed to him at nagpasuyo kay yaya Luz na dalhan na lamang kaming apat dito sa taas. All the maids obliged. Lahat pa nga sila ata ay umakyat para pagsilbihan kami na agad ko tinanggihan para makapag pahinga na din sila.

"Mommy," Nate called me in the middle of our food. "Is daddy going home late again? Can't we be with him on dinner and ayaw niya ba tumabi sa atin?"

I glanced at the twins. They knew the truth kaya nagpapasalamat ako na hindi nila ako inuunahan na magsabi sa bunso nila na kapatid.

Agad ko na ikinalong ang anak sa mga binti at sinuklay ang kanyang mga buhok. "Daddy is a busy man that is why he always late and have his own room. Kasi nandoon ang lahat ng gamit niya at para hindi natin siya magugulo kapag may trabaho." Lies.

"At least once? Kapag 'di po siya busy, can't he be with us here to sleep?"

Napahinga ako ng malalim. "I'll tell your daddy, then... Sige na, kumain na uli."

I glance at my children. I am sorry, I know you all don't deserve this. But I believe na matatanggap niya rin tayo.

Nang matapos sa pagkain ay sinamahan ng kambal si Nate habang ako ay nagpaalam na liligpitin muna ang mga pinagkainan. Naabutan ko si yaya Luz na nasa kusina na abala sa pagliligpit ng mga kagamitan. I dropped the used plates in the sink at umupo sa upuan na nandoon.

Wrathful MarriageWhere stories live. Discover now