Chapter 9

11.1K 217 48
                                    

Chapter 9

"Saan kayo nanggaling?" ulit niya nang matulala ako sa unang salubong niya kanina. Sinenyasan ko kaagad si Klayd na iakyat na ang mga kapatid. Marahan niya na inalalayan ang dalawa at napasunod ng tingin si Nathan doon.

"We went to the park. That's our Saturday routine," sagot ko na hindi niya agad pinaniwalaan. He examined my whole body. "Park at this hour? Ipapahamak mo ba mga anak mo?"

"Kanina pa kami umalis, tulog ka, nasa kwarto mo ikaw. Tsaka nagsabi ako kay yaya."

"You didn't answer my question. Were you with Harold again?"

Umarko ang kilay ko sa naging tanong niya. When did he even care on aour whereabouts? Nakakagulat siya ngayon kaya hindi ko naiwasan na sipatin ang mukha niya. May sakit ba siya?

"Hindi namin kasama. Pero ano naman kung kasama namin?"

Natigilan siya nang marinig ang sagot ko. Tumagal ang katahimikan dahil doon at nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin. "Masama ba magtanong?"

Bigla ay nakaisip ako ng kalokohan dahil sa inaakto niya. "Nagseselos ka ba?"

"What?" he yelled. "Umalis ka na nga dito."

"Kapag sinabi mo na nagseselos ka, lalayo naman ako sa kanya kahit papano." I said and winked before leaving him there.

Nakita ko ang pagtangis ng bagang niya dahil sa narinig sa akin. Pero masaya ang mukha na ipinakita ko sa kanya habang paakyat sa kwarto.

Nang makapasok sa dala-dala ko pa rin ang malalaking ngiti. Nahiwagaan ang mga anak dahil doon pero hindi na nang-usisa pa. Dumeretso kaagad ako sa banyo para magpalit na ng pangtulog. I was humming happily while doing my errands.

Matapos sa ginagawa ay siyang pag-sampa ko na rin sa kama para tabihan ang mga anak. Gaya ko ay nauna na sila makapagpalit kanina bago pa ako makaakyat.

Nakihalo ako sa ginagawang panonood nila sa gadget. Kahit na hindi makasabay dahil sa pambata ay pinipilit ko na intindihin ang pinapanood nila.

Hindi ko namalayan na napapatutok na rin ako sa palabas. Natigil ang atensyon ko doon nang may malakas na pagkatok sa pintuan namin. Baka si yaya. "Pasok po."

Iyon ang sigaw ko pero kabaibahan sa naisip ko na kakatok ay ang seryosong mukha ni Nathan ang unang bumungad sa akin. He looked shocked upon seeing us on our poaitions, kaming mag-iina na abala sa pinapanood kanina.

Aligaga ako na napatayo, ganoon din ang mga anak. "Do you need something?"

"Daddy!" Nate chanted before his father could answer. Nathan roamed around his eyes on our room. Wala siyang imik hanggang sa ako ang balingan niya.

"Kumain na ba kayo?"

Napaamang ako nang marinig ang tanong niya. Bigla ay gusto kong sampalin ang sarili para malaman kung nananaginip ba ako o hindi. "Ha? Ano... Hindi, I mean, ano, oo," utal ko na sagot.

Matalim na mata ang ibinaling niya sa akin. Lalapit na sana ako at baka may kailangan pa siya, like what we always do at night pero mabilis pa sa kung ano ay may sumulpot sa harapan ko para lapitan ang daddy niya.

"Join us, daddy! Nanonood po kami ng Tom and Jerry," Nate excitedly exclaimed and pulled his father on the bed.

Nanlaki ang mata ko sa anak at akmang kukunin na siya para pigilan nang makita ko ang walang pagtutol ang mukha ni Nathan. Kaya hinayaan ko at napatigil sa paglapit sa kanila para hintayin na lamang ang reaksyon niya.

I was juat watching intently on the sides. Hindi na ata nila ako naramdaman pa. Inaya ni Nate ang dalawang kapatid. Si Natalie ay agad na tumabi sa ama, habang si Klayd ay lumingon pa sa akin, humihingi ng pag-sang ayon ko. Pinanlakihan ko siya nang mata kaya nasa kabila naman siya ni Nathan.

Wrathful MarriageМесто, где живут истории. Откройте их для себя