Chapter 8

11.3K 212 23
                                    

Chapter 8

Hapon na ng araw na iyon. Hanggang ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog ni Nathan sa kama namin. Habang ang tatlong anak ay tulog din sa tabi niya.

Sinamantala ni Nate ang pagkakataon na iyon para makatabi ang ama. Natulig siya na yakap ang ama. Habang si Natalie ay nasa palagian ko na pwesto sa pagtulog.

On the other side of the bed, kung saan nasisiksik ni Nathan ay nandoon naman si Klayd. Doon siya komportable sa pwesto ng kama kaya kahit nasisiksik ng ama ay doon siya humiga patalikod nga lamang.

Habang ako ay ipinagpatuloy ko ang pagtutupi sa mga damit na kanina ay ikinalat ng asawa. Ngayon ko lamang naumpisahan dahil ngayon lang nagka-oras at tulog ang mga bulinggit.

I was just humming my favorite song the whole time I am folding the clothes. Nang matapos na sa pagtutupi ay ang mga naiwan naman na laruan ni Nate ang mga niligpit ko na nasa sahig.

Napaigtad ako nang marinig ko ang pag-iinat ni Nathan. Mabilis ako na lumapit sa sa kama at sinipat ang paunti-unti niyang pagdilat. Sa malayong parte ng kama ako pumwesto habang sinisilip siya.

Marahan na pagdilat ang ginawa niya at inaaninag pa ang paligid hanggang sa mapansin niya siguro na wala siya sa kwarto niya na palaging madilim.

Pabangon na sana siya nang mapansin niya ang presensya ko at napatigil siya nang maramdaman ang nakayakap sa kanya na braso ni Nate.

Napamadali ako dahil doon, mabilis ako na sumampa sa kama para iayos na ang anak.

"Hayaan mo muna siya diyan..." marahan na boses ni Nathan ang bumungad sa akin sa hapon na iyon. I gulped and looked at his reaction pero nakatingin lamang siya sa kisame at marahan na hinihilot ang ulo.

Bumaba na ako sa kama at sa gilid na lamang ako ni Natalie pumwesto.

"May gamot diyan sa table, uminom ka na," I paused for a while, iniisip na kung dapat ba ipaliwanag kung bakit siya nandito. "You were drunk earlier, ikaw ang pumunta dito sa kwarto."

"Hindi ko tinanong," pabalang na sabi niya.

Napapikit na lamang ako dahil sa pagsagot niya sa akin. Sanay na sanay na naman ako walang bago. Hindi na ako sumagot pa at may kung ano-ano na lamang na ginawa din sa mga gamit na nasa ibabaw ng vanity mirror.

"Akala ko ba aalis ka na?" he suddenly asked.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa ginagawa. Iniisip kung ano ang tama na maging sagot doon sa tanong niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng presensya niya, umaahon na ata sa kama.

Nakita ko ang makulay na drawing ni Nate na nakakalat sa lamesa. Mabilis ako na lumapit sa likod ng pinto para idikit doon sa board na binili ko para ipaskil ang mga mahahalaga at magaganda niya na gawa doon.

I smiled when I scanned the whole board. I was about to turn back where I was before. Pero agad na may pumugil sa braso ko.

Nang nilingon ay si Nathan iyon na seryoso na ineeksamina ang mga nakaguhit din doon. Hindi siya nagsasalita o kung ano pa man. He's just staring kaya nagkataoon din ako na titigan siya para masaksihan ang mga magiging reaksyon niya.

But being Nathan, himself, wala man lang nagbago sa itsura niya nang makita na ata ang lahat ng laman ng nandoon.

"It's Nate's work," pag-iimporma ko. "Hindi ka nagtatanong, gusto ko lang ipagyabang si Nate sa'yo." Agad na dagdag ko nang lingunin na niya ako sa matatalim na mata.

"You keep on answering questions na hindi ko tinanong, pero 'yun simpleng bakit hindi ka pa umaalis dito, hindi mo masagot," he said.

Ikinalma ko ang sarili ko. I let out a heaby sigh bago seryoso na tumingin sa kanya. "Gusto mo ba ako umalis? Kami? If you really want, help me to pack our things then."

Wrathful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon